Nakarating kami ng hapon na sa Metro Manila. Dumiretso na kami ni Daisy sa Viola Bennet. Napagdesisyonan ko na na sabihin ang totoo kay Ms. Bennet. Dahil ayoko na talagang magpatuloy pa.. Nagawa ko naman ang kailangan at wala na akong pakialam pa kung maging eskandalo ang mangyayari.. Kaysa naman gawin ko ang bagay na ito at patuloy kong lolokohin ang mga tao sa kung ano ang pagkatao ko.Ms. Bennet, I know you had been good to me. But I want to let you know that I will quit my modeling career. saad ko kay Ms. Bennet habang magkaharap kami sa kanyang opisina. Katabi ko si Daisy na nakahanda narin sa magiging reaction ni Ms. Bennet.
Shino?? This is no time for jokes.. We have heard from the makers of Cass that they have been experiencing good feedbacks on their product when you endorsed it? Then why are you telling me this now??
Nagkatinginan nalang kami ni Daisy. Tumango lang siya. Meaning, sabihin ko na ang katotohanan para matapos na ang lahat..
Ms. Bennet, I lied about who I am. My intention was to take revenge on Red Diaz, dahil sa panloloko niya sa kaibigan ko. Pero evrything turned out of place kaya ako narin mismo ang nasaktan sa ginawa ko. Kaya ngayon, dahil sa una palang ay kalokohan na ang ginawa ko, tatapusin ko na ang kalokahang ito.. paglalahad ko kay Ms. Bennet. Nakunot naman ang mukha niya. Di nga niya naintindihan ang explanation ko.. Hayss.. Ang hirap talaga.
You know what?? That is the dumbest reason you can give me for quiting? I dont care of your personal issues with Red Diaz, but you are making a name in this industry?? Sasayangin mo nalang ba yun?? Youre crazy Shino!!
Tumango lang ako. Alam ko na kapag sinabi ko pa sa kanya ang pagkatao ko doon na siya titigil sa pangungulit sakin..
Ms. Bennet, ayoko na kasing lokohin ang mga tao. Ayoko naring lokohin ang sarili ko. Pero para narin malaman ninyo, hindi po ako straight.. Bakla po ako.. Kaya yun ang mabigat kong reason kaya ayoko ng magpatuloy..
Nanlaki ang mata niya.. Bigla itong namula na hindi ko maintindihan. Natakot ako na para siyang aatakehin. Bigla nga siyang hinimatay.. Nabigla ako at pinuntahan siya sa upuan niya. Inalog alog ko siya. Nataranta naman si Daisy at tumawag ng emergency. Pinaypayan ko siya para maventalate siya at magkamalay. Di nagtagal ay nagkamalay siya at inabutan ko ng tubig.. Dumating naman ang nurse sa company at may dalang BP kit.. Tinitigan lang ako ni Ms. Bennet. Nakonsensiya tuloy ako. Hindi ko naman expected na ganun ang kanyang magiging reaction. Masiyadong exaggerated.
Matapos niyang ma BP at sabi naman ng nurse ay ok lang siya, tumayo siya para humarap sakin. Di ko alam kung ano ang gagawin..
How can you do that to us?? Mapapatawad pa sana kita kung noon pa sinabi mo na ang pagkatao mo. Pero ano na ngayon?? Mapapahiya ang buong kompanya ko dahil sayo.. We raised a model that hides his gender?? Ano nalang mangyayari samin kapag nalaman nilang ganyan ka?? Tataob ang reputation ko Shino?? Dont you know that? At ngayon tatakasan mo ang ginawa mong problema?
Wala akong masabi sa kanyang turan. Totoo lahat yun. Hinayaan ko silang maniwala na lalaki nga ako. Na matikas ako. Na matigas ako. Ganun ang nabuong imahe ko sa isip nila. Kaya kapag nalaman ng marami na ganito ako, masisira ang reputasyon ni Ms. Bennet..
Ok if thats what you want!? I cant believe na pinaniwala mo kami. I thought that you will be the one who can make me proud. Isa ka palang bakla.. Ang galing mong umarte??! Now you get out of my office!!! Ouuuuuttttt!!! paghiyaw niya sakin.
Tumalikod ako at umalis na nga sa company. Napapaiyak ako. Kasi kahit papano naging close narin si Ms. Bennet sakin. Umaasa siya na magiging magaling akong model. Pero ang nangyari, naging bakla ako. At hindi ko alam kung paano pa niya ako mapapatawad sa ginawa kong panloloko sa kanya.. Dala na rin ng sama ng loob na nararamdaman ko, naisip kong mag drive.. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang mawala ang nararamdaman kong galit at sakit..
Bakit ba nasasaktan ako ngayon?? Dahil sa pagpasok ko sa kalokohang ito, napakarami tuloy akong nagawang kasalanan. Hindi ko alam kung bakit ako napaparusahan?? Mali ba talagang maghiganti?? Yung rason kong napakababaw para gawin ko ang mga bagay nato ay nagbunga pa lalo ng maraming gulo.. At ang damdamin ko, hindi ko maintindihan kung para saan ang galit na nararamdaman ko. Galit sa sarili ko dahil nagpadala ako sa walang kakwenta kwentang bagay na ginawa namin ni Gino.. Dahil hinayaan kong masaktan ako ng isang tao na sobrang sama ng ugali.. Na hinayaan kong magkaron ako ng ng pagkagusto sa taong sinaktan din ako...
Hindi ko alam pero bigla nalang akong nahilo.. At di ko na namalayan ang sumunod na mga nangyari..
-------------------------------------------T.B.C.
BINABASA MO ANG
A Drink of His Love (M2M) Editing🖋🖋
RomantikPumasok si Shino sa isang kasunduan na tuluyang nagpabago sa kanyang buhay. Dahil dun, nakilala niya si Red at doon nagsimula ang lahat ng ups and downs ng kanilang mga buhay. Magkaroon kaya ng happy ending ang dalawang taong magkaiba ang ugali at...