Chapter 11: Change of Heart

5.4K 188 2
                                    


      Nakauwi ako ng gabi na sa bahay namin ni Mommy Tita. Inoffer ako dati ni Ms. Bennet ng bagong bahay sa isang exclusive subdivision pero tinurndown ko yun. Aanhin ko ang malaking bahay? And masaya naman ako sa aming bahay. Dito ako lumaki at dito ko narin binuo ang mga pangarap ko.

   Naabutan ko si Mommy Tita na nasa sala. Parang tulog siya kaya ginising ko siya. Napamulat naman siya at yinakap niya ako..

   "Dumating ka na pala Anak? Di ka manlang nagpasabi. Ayan tuloy di ako nakapaghanda?"

  Ngumiti lang ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi.
 
   "Mommy, surprise nga diba? Ah--- Mommy eto nga pala ang pasalubong ko sa'yo. Ako pa bumili niyan sa Gayong.. Alam ko gusto mo 'tong korean hanbok tsaka gensing."

  Natuwa naman siya at agad ilinabas ang hanbok na binili ko para sa kanya.. Minsan kasi inaatake siya ng pagka-Koreana niya kaya nagsusuot siya ng hanbok minsan..

  "Ang ganda naman nito. Namimiss ko tuloy bumalik sa Gayong! Kamsahamnida Shino."

  "Dont worry Mommy, bibisita ulit tayo doon if may panahon ako."

  Nag-usap pa kami tungkol sa naging commercial making ko sa South Korea. Pinakita ko sa kanya ang video nang commercial ko..

  Napapangiti siya dahil hindi daw niya akalain na napakagaling ko daw sa pagarte at pagmomodelo. Sinabi ko sa kanya na medyo filtered ang video.
Pero di niya yun pinansin, kasi napapahanga daw siya sa ginagawa ko.

  "Shino, ang galing mo dito anak. Naku mapapabili talaga ako ng beer na yan kapag ikaw ang nakita kong umiinom? Convincing talaga. Lalaking lalaki ka dito. Nakakatuwa. Pati ako kinikilig sayo!" sabi pa niya. Tawa naman siya nang tawa. Pareho ang reaction nila ni Daisy. Ewan ko pag nakita rin ni Gino ang video eh baka gahasain ako nun? Nakakatakot. Natatawa nalang ako. Adik panaman yun sa lalaki.

  Habang busy si Mommy Tita sa paghahalungkat ng pasalubong ko sa kanya. Umakyat na muna ako sa kwarto ko. Namiss ko agad ang aking kwarto. Nagbihis ako nang jersey shorts at sando at humiga saglit.

  Iniisip ko parin ang mga mangyayari bukas. Kasi magkikita ulit kami ni Red. Di ko alam kung paano ko siya mapakikitunguhan? Kasi masama ang aming naging conversation noong nakaraan. Di ko ginusto ang sinabi niya kaya parang mahangin din ang naging sagot ko sa kanya.

  Sa simula naman talaga ayaw ko na sa kanya. Dahil sinaktan niya si Gino. Pero di ko pa siya nakikilala at hinuhusgahan ko na siya. Alam ko naman na kahit ang isang tao ay masama ang timpla ng ugali,alam ko rin na may magandang side sa kanya.

  Nakatulugan ko na ang pag-iisip kay Red. Hindi ko namalayan na umaga na pala at malakas na ang tunog ng phone ko.. May tumatawag.. Kumurap-kurap ako at kinuha ko sa beside table ng kama ko ang phone ko.

  "Hello?" sagot ko sa phone na may katamaran. Napagod ako nang sobra sa biyahe namin pauwi.
 
      Shinooo? Anong oras na! Nasa baba na kami ng bahay niyo ni Oscar. May meeting tayo sa advertisers Remember? Ano pa bang ginagawa mo? natatarantang sabi ni Daisy sa kabilang linya. Nagulat ako.

     Oo nga pala.. Napalatak nalang ako sa ulo ko. Bakit ba hindi ako nag-alarm kagabi? Nagmamadali akong nagshower at nagbihis. Wala na si Mommy Tita pagbaba ko dahil may pasok sa araw na yun kaya agad agad nalang akong lumabas nang bahay.

  "Sorry Dais, masiyado akong napagod sa biyahe." paghingi ko ng tawad kay  Daisy na nakatayo sa harap nang gate namin. Hindi ko pa talaga nakakasanayan ang ganitong uri ng trabaho. I was used to going at work when I am needed. Pero ito, napakademanding talaga.

  "Ok lang, but please come on! We are very late na. Baka madisappoint ang client."sabi naman ni Dais na nag.aalala. Tumango ako at sabay na nga kaming sumakay ng kotse papunta sa Golden Grace.

A Drink of His Love (M2M) Editing🖋🖋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon