Chapter 21: The New Red

5K 173 2
                                    


Bumilis naman ang paggaling ko mula sa pagkakaaksidente ko.. Salamat sa pag.aalaga sakin ni Mommy Tita at ni Red Pogi na hindi ko alam kung asawa ko na, kasi hindi niya naman sinasabi. Kinukulit ko rin si Mommy pero hindi niya rin sinasabi kung sino siya sa buhay ko?? Nakauwi narin ako sa bahay namin makalipas ang isang buwan mula nang maaksidente ako.. Therapy nalang ang kailangan para makalakad na ulit ako.

Lagi naman akong pinapayuhan ni Dr. Jason Pogi na huwag kong pilitin alalahanin ang mga bagay na nakalimutan ko dahil baka magresult yun ng psychological strain sakin. Kaya di ko narin pinilit na maalala ang mga bagay na nakalimutan ko.. Nakakapraning kasi ang ganitong sitwasyon.. Akala ko sa mga drama lang nangyayari ang amnesia amnesia na ito...

Habang nag aalmusal kami ni Mommy Tita ay biglang may nag doorbell. Kaaga aga ay may bisita na kami.. Siguro si Gino yun.. Ang baklang yun, isang beses lang daw pumunta sa hospital mula nang maaksidente ako?? Napakawalang hiya talaga.. Sabi naman ni Mommy ay pumunta na daw sa Amerika kasama ang parents niya dahil doon na nila piniling manirahan.. Ang sosyal lang??

Aba Red? Napadalaw ka? Halika iho, pasok ka sa loob. natutuwang saad ni Mommy.. Binisita nanaman ako ni Red?? Aba, ibang klase talaga ang ganda ko.. Patirahin ko nalang kaya siya dito samin? Para di na siya mawala sa paningin ko. Ang sarap niya kasi tingnan. Nakakaadik!? Hehe..

Goodmorning po Tita..

Goodmorning Shino.. sabay kaway sakin habang nakangiti siya.. Ngumiti lang din ako sa kanya at kinumpasan na lumapit sakin kasi nasa wheel chair pa ako.. At lumapit naman siya.. Nakakaloka talaga ang kagwapohan ni Red..

Goodmorning din Red Pogi.. Bakit ka napadalaw?? Idadate mo ba ako?? sabay tawa na kinikilig. Napatawa nalang din siya sa aking sinabi. Baliw kasi ako.. Pero alam ko type na type talaga ako nito..

Hindi Shino. Sasamahan kita sa Therapist mo. Saka na tayo magdadate kapag magaling ka na.. Ayos ba yun??
masayang sabi niya sakin. Sasamahan niya ako sa therapy ko? Hayssss.. Sarap naman.. May nag aalaga saking gwapong lalaki.. Sana nga maalala ko na siya agad..

O sige.. Ikaw naman ang nanliligaw eh.. Susunod lang ako sayo.. Hehehe..
sabay naman kaming nagkatawanan..

Kayong dalawa talaga.. O siya sige na mag almusal na tayo at nang makapunta na kayo sa therapy ni Shino. masayang sabi ni Mommy Tita ko.. At masaya nga kaming nag.almusal..

-------------------------

Tahimik lang kami sa sasakyan ni Red habang papunta kami sa ospital para sa therapy ko.. Patingin tingin siya sakin at napapangiti nalang ako.. Ano kaya ang meron samin ni Red Pogi na to at ganun nalanh ang pag.aalala niya sakin?? Natutuwa ako pero nahihiwagaan parin ako sa kanya..

Habang dumadaan kami sa EDSA.. Nanlaki ang mata ko sa isang malaking billboard doon.. Ako yun, nakatopless, may hawak na beer?? at masayang nakangiti?? at sa kabilang banda, si Red ang nakikita ko.. pinapaligo niya sa sarili ang beer na hawak niya at parang nababaliw ang kanyang itsura.. Ano ang ibig sabihin nun?? Bakit nasa billboard ako??.. Napansin ata ni Red ang pagbabago ng mukha ko kaya pinaharap niya ako sa kanya..

Bakit?? Parang nag.iba ata ang mood mo?? May problema ba?? nag aalalang tanong niya sakin.. Ngumiti lang ako at palingalinga ako sa kanya to tell him na ayos lang ako..

Wala Red. Ayos lang ako.. Ang tahimik kasi natin. sabi ko nalang. Pero ang totoo nalilito ako.. Bakit nasa billboard ako at bakit parang model ako?? Nagmodel ba ako?? Yun ba ang nawawalang alaala sakin.. At may kinalaman ba yun sakin at kay Red??

Naging maayos naman ang aking therapy. Pinagexercise ako ng orthopedic doctor para daw mastretch ang buto ko sa paa. Kasi unti unti ko naman na itong natutukod, pero wala pa akong balanse kaya binibigyan nila ako ng crouches.. In few weeka time daw ay makakalakad na ako ulit..

Natuwa naman si Red sa balita.. Siya ang umaalalay sakin.. Sinusubukan ko minsang wala ang crouches pero natutumba ako kaya siya ang sumasalo sakin..

Wag mo munang pilitin Shino.. Dahan dahanin mo lang lahat.. Nandito lang ako para alalayan ka.. Wag kang mag alala ok? Gagaling ka din.. sabi niya sakin.. Tinitingnan ko siya habang inaalalayan niya ako.. Siguro mahal ako nito kaya siya ganito sakin. Bakit ba kasi di niya nalang sabihin kung sino siya sa buhay ko.. Kasi kung meron man kaming relasyon, eh di pipilitin kong maalala siya kasi hindi ko naman kung ano nga talaga siya sa buhay ko..

Alam mo Red, bakit kasi di mo nalang sabihin sakin kung ano ba talaga ang meron tayo?? Parang ang labo naman kasi kung ganito ka kasweet sakin at kaalaga kung wala tayong relasyon?? sabi ko ng mariin sa kanya.. Tumitig naman siya sakin at napabuntong hininga. Parang napakahirap sa kanya sabihin ang kung anong meron kami??

Pinaupo niya ako sa wheelchair at umupo naman siya sa harapan ko. Parang handa na niyang sabihin kung ano ang meron kami.. Kasi nahihirapan na talaga siya.. Na parang may tinatago siya..

Basta tandaan mo Shino. Kapag bumalik na ang alaala mo, sana hindi magbago ang pagiging ganito natin? Gusto kong gawin to para sayo. Dahil mahalaga ka sa akin. Mahalaga ka sa buhay ko..

Nakakatouch talaga ang sinabi niya.. Ewan ko ba, bahala na nga. Kahit di na magbalik ang ala.ala na yun, ang mahalaga, kasama ko siya. Na pinapasaya niya ako..

Ngumiti siya sakin ng matamis na matamis.. Mas matamis pa sa pinakamatamis na matamis sa buong mundo. At natunaw ang aking heart.. Hahayss.. Nakakakilig..

Tumango naman ako sa kanya. Alam ko na may dahilan kung bakit hindi siya nagpapakilala. Ayoko naring kulitin siya..

---------------------------------------- T.B.C.

A Drink of His Love (M2M) Editing🖋🖋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon