Red's Point of View
Ilang ulit ko nang tinatanatawagan si Shino pero hindi ko siya macontact.. Ano ba ang ginagawa niya at parang ayaw niya akong makausap..
Pabalik balik lang ako ng lakad sa sala ng bahay ko.. Hindi ko napigilang mag.alala.. Paano nga kung naalala na niya lahat. Paano kung mas pinili na niya na huwag na akong makita?? Dahil sa ako ang dahilan bakit siya naaksidente.. Kahit anong anggulo kasi tingnan, ako parin ang dahilan kung bakit siya nasaktan ng todo.. Paano nga kung iyon na ang nangyari.. Punyeta talaga... Hayyyysss.. Bakit di ako mapalagay.. Umupo muna ako sa sofa at nag.isip.. At bigla ngang tumunog ang aking phone..
Hello Red? sabi ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Si Tita Zaida yun, ang mommy ni Shino..
Oh Tita? Bakit po? Bakit ganyan po ang boses niyo? May nangyari po ba?? nag.aalalang tanong ko sa kanya..
Si Shino kasi.. Naaalala na niya lahat. At ngayon, kasama niya si Jonathan at hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Nag.aalala na ako Red..
Hindi ko mapigilang matakot. Tama nga ang kutob ko.. Na naaalala na niya lahat. Pero ano ang sinasabi niyang kasama nito si Jonathan?? Sinong Jonathan? Napakuyom ang aking mga palad. Hindi ko hahayaang ganun nalang. Hindi pwedeng basta nalang siyang sasama kahit kanino.
Huwag kang mag.alala Tita, ako ang maghahanap sa kanya. Pero may idea po ba kayo kung saan sila pupunta? pagpapakalma ko kay Tita Zaida..
Ang alam ko lang ay pupunta sila sa isang lugar sa Antipolo. Hindi ko na alam kung saan siya maaring magpunta doon. saad ni Tita. Nangamba ako kung paano ko siya hahanapin.
Ako pong bahala tita.. Ako ang maghahanap sa kanya.
Binaba ko na ang phone at hindi nagatubiling puntahan ang aking kotse para hanapin ko na si Shino.. Bakit siya aalis kasama ang ibang lalaki?? At maaaring hindi pa niya lubusang kilala ang lalaking yun? Paano kung isang sira ulo pala ang nakasama niya? Hindi ko na alam kung anong iisipin.. Hindi ko alam kung saan mag.uumpisa.
Mayamaya pa ay tumunog na nga ang aking phone. Si Shino ang tumatawag.. Gumaan bigla ang pakiramdam ko.. Salamat naman at naiisipan na niya akong tawagan. Natatakot na talaga ako sa pwedeng nangyari sa kanya..
Hello Shin-----
Hello Red? Kumusta ka mahal kong kapatid?
Napatigil ko bigla ang sasakyan.. Para akong biglang naging bato.. Ang boses na yun? Ang boses na inakala ko ay matagal nang naglaho. Ang boses na kailanman hindi ko na ginustong marinig..
Flashback.....
Red, sana ganito lang tayo ano? Magkaibigan habangbuhay diba? Kita mo close narin kami nila Tatay Vincent at Sina Blue at Violet masaya na nandito ako lagi? sabi ni Jonathan sa akin.. Ang tinuring kong kaisaisang kaibigan. Ang iniintindi ako kahit napakagago ko..
Pare? Syempre naman? Ang dami mo nang natulong sakin eh.. At tsaka may isa pa tayong dapat gawin diba? Si Gard.. Gusto kong umalis ka na sa modeling agency niya kasi parang nakakahalata na siya sa koneksyon natin. saad ko sa kanya..
Pareho kaming model ni Jonathan Rodriguez sa Garfree.. Siya ang naging dahilan kung bakit ako sumikat.. Dahil sa marami niyang projects na tinanggihan para ibigay sa akin.
Red? Bakit ako aalis? Eh hindi naman ako nakakasagabal diba?? Mahalaga parin ako kay Gard.. Kaya hindi ko pwedeng gawin yang gusto mo..
Natatawa ako sa kanya. Mapapahamak lang ako kung patuloy siyang nandoon. Kaya kailangan ko nang gumawa ng paraan para mawala siya. Dahil kung nandoon siya sa Garfree, hindi ako magiging successful..
BINABASA MO ANG
A Drink of His Love (M2M) Editing🖋🖋
RomancePumasok si Shino sa isang kasunduan na tuluyang nagpabago sa kanyang buhay. Dahil dun, nakilala niya si Red at doon nagsimula ang lahat ng ups and downs ng kanilang mga buhay. Magkaroon kaya ng happy ending ang dalawang taong magkaiba ang ugali at...