Red's Point of ViewNalaman ko na unang umalis ang team ni Shino pabalik sa Manila.. Hindi ko alam pero parang hindi ako mapalagay.. Bakit ba kasi hindi ko magawang mag apologize sa kanya. Simpleng sorry hindi ko nagawa.
Habang nag.aayos ng gamit ko ay tinungo ko muna ang veranda ng hotel room ko. Magdadapit hapon na kaya maganda ang view ng sunset. Napapaisip ako kung bakit ganun ang nararamdaman ko. Hindi ko maunawaan kung bakit nung nakita ko si Shino na umiiyak, naawa ako sa kanya. At nung nakita ko siyang nagswimming kaninang umaga, gusto ko sana siyang lapitan pero nakita kong nahihirapan siya sa paglangoy. Parang nagkacramps ata siya. At tuluyan nga siyang nalunod. Agad kong linangoy ang kanyang kinalalagyan. Kinakabahan ako ng mga sandaling yun.. Ang nasa isip ko ay dapat ko siyang maligtas..Tuluyan ko nga siyang nadala sa pampang ng beach at nag CPR ako.. Basta kailangan ko siyang maligtas. Wala pa namang tao sa paligid kaya hinayaan ko nang maglapat ang labi namin para mabigyan ko siya ng hangin. Napakalambot ng labi niya.. Pero hindi ko na yun masyadong pinansin, ang gusto ko ay makahinga siya.
At nang napasuka siya ng tubig ay narelieve ako. Nakakainis dahil di niya manlang inisip na may mag aalala sa kanya. Marunong ba siyang lumangoy?? hindi ko na nga napigilang magalit sa kanya..
Ano bang iniisip mo na magswimming eh di ka naman pala marunong lumangoy?? At pumunta ka pa talaga malalim na part? Are you insane?
Di ko talaga napigilan ang sarili ko. Nakakainis. Bakit ko nanaman siya nasigawan?? Nakikipagbati nga ako diba? Im taking this far from over..
Pasensya na ha? Hindi ko kasi inasahan na mamumulikat po ako? Marunong po akong lumangoy. At salamat niligtas mo ang buhay ko.. Sana manlang hindi mo na ako ininsulto pa? singhal naman niya. Yun na nga nagalit na siya. Pero mas lalong nag.init ang ulo.. Nakakinis lang?
You know what? Its not an act of gratitude.. Sana pala hindi na kita niligtas.. Hinayaan nalang kita.
Nakakunot naman ang noo niya. I fueled his anger on me. Nakakainis dahil bakit ba kasi lagi nalang akong galit habang kaharap siya.. Yung parang hindi ko man gustuhin pero naiinis parin ako..
Eh bakit mo nga ba ako niligtas? Alam mo? Napakasama talaga ng ugali mo.. Hindi ko magawang magpasalamat sayo kasi pakiramdam ko hindi naman taos sa puso mo ang pagligtas sa akin?? singhal ulit niya at umalis na nga siya bigla.. Nakakaasar talaga siya.. Mag sosorry na nga ako diba??
Hoy Shino!! Bumalik ka dito!! sigaw ko sa kanya. Pero di na siya lumingon.. Hays bwesit talaga. Bakit ba kasi.. Eh kung ayaw niya eh di wag?? Nakakabwesit siya..
Hanggang sa nagtape na kami ng commercial, ganun parin siya. Magaspang ang pinapakita niyang ugali sakin..
Di ko na nga nakuhang mag.apologize sa kanya. Kasi malaki na talaga ang galit niya sa akin. Tinangka ko siyang puntahan sa room niya pero nung kakatok na ako napansin kong may kausap siya sa loob.. Wrong timing talaga lagi.. Hinintay ko na makalabas ang kausap niya at nang makalabas na ito sa pintuan, nakita kong lalaki ang lumabas sa kwarto niya.. Sino kaya yun?? Pero di ko na pinansin, nag.ipon ako ng lakas ng loob para kausapin siya. Magsosorry na talaga ako sa kanya.. Pabababain ko na ang pride ko. Di ko alam pero may kung anong boses ang nagsasabi sakin na dapat ko siyang makausap ng masinsinan. Parang siya lang ang nagparealize sakin kung gano na ako kasama. Sobrang sama na ng ugali ko. At hindi ko yun namamalayan.. Bakit nga ba ako nagkakaganito?? Kung alam ko naman na walang patutunguhan ang ganitong pag.uugali..
Kaya sisimulan ko nang magbago. At alam ko na matutulungan ako ni Shino.. Dahil magaan na ang loob ko sa kanya.. Dahil nararamdaman ko ang tunay na kaibigan sa kanya.. Siya ang kailangan ko..
Pero nang papasok na ako sa kwarto niya napansin ko na wala na siya doon. Dahil sa kakaisip ko at kakaipon ng lakas ng loob, nawalan nanaman ako ng chance!?Hahayss... Nakakairita na..
--------------------
Leah, kelan daw ang release nung aming commercial ni Shino. I have not heard it clearly kanina. malumanay kong sabi kay Leah na nasa harapan ng sasakyan. Pabalik na kami ng Metro Manila at iniisip ko parin si Shino.. Ahhhh!! Bakit ba siya na ang umiikot sa isipan ko. Nababaliw na ba ako? Nababakla na ba ako? Shit!! No way.. It feels wrong but it feels right. Nakakapanibago talaga..
Its next week Red. Isasabay daw nila sa billboard release.. Kaya be ready na.. pangiti naman niyang sabi.
Bigla kong naisip ang ginagawa ni Shino at ng handler niya. Kung gano sila kasayang dalawa. Gagawin ko rin ba yun kay Leah?? Pero why not? Kailangan ko na talagang baguhin ang sarili ko. Para sa pamilya ko, para sa mga nakakasalamuha ko at para narin sa taong mamahalin ko..
Leah? Can we go out for a dinner sometime? You know? Friendly date? naiilang kong sabi sa kanya.
Tila nagulat naman siya at kumurap kurap pa siya. Alam kong ngayon lang ako ng invite sa kanya ng dinner.
Red?? Are you ok?? Bakit all of the sudden nag.iinvite ka ng dinner? takang tanong niya. Alam ko naman talaga na magtatanong siya ng ganun. Natawa nalang ako..
I want to make up for the years na naging tarantado ako.. I want to change myself.. Someone made me realize how things are going on.. sabi ko naman sa kanya..
Well, whoever is that person, nakagawa siya ng milagro.. Oh my God!! I cant believe that?? Pero masaya ako kung ganun man.. Magpapamisa ako.. at tumawa pa siya. Sinabayan ko siya sa pagtawa. Ngayon lang ulit ako nakatawa ng ganito.. Ito ba ang epekto ng pag.iisip ko kay Shino. Yung nakakahawa niya smile.
Sana mapatawad mo ako sa mga times na napakasungit ko sayo. Di ko alam pero alam ko nasasaktan na kita, ang team natin, pero babaguhin ko na ang sarili ko para sa inyo..
Nagkatawanan sila ng driver namin. Nasabi pa nila na hindi daw nila inakala na dadating pa ang araw na ito. Nagkatawanan na kaming tatlo. Nagsimula na silang magjoke.. Natatawa ako at hindi ko maexpress ang aking nararamdaman.. Napakagaan sa pakiramdam tumawa. Parang may nabunot saking tinik. Na ngayon ay nakakahinga na ako ng maluwag..
Si Shino lang ang nakagawa sakin nito. Pinakita niya sakin na walang patutunguhan ang aking buhay kung hahayaan kong lamunin ako ng galit sa nakaraan ko. Sa pagsama ni Nanay sa kanyang kalaguyong mayaman at naiwan kami nila Tatay..
Ang nangyaring pagsasamantala sakin ng mga bading.. Tila naglaho lahat yun.. Dahil alam konh nakaraan na yun. Hindi ko hahayaang mabuhay ako sa nakaraan ko.. May hinaharap ako. At doon na ako mag fofocus ngayon.. Sana nga..
Sana ay mapatawad ako ni Shino sa lahat ng nagawa kong paghamak sa kanya... Sana maging maayos ang lahat..
-----------------------------------------T.B.C.
BINABASA MO ANG
A Drink of His Love (M2M) Editing🖋🖋
RomancePumasok si Shino sa isang kasunduan na tuluyang nagpabago sa kanyang buhay. Dahil dun, nakilala niya si Red at doon nagsimula ang lahat ng ups and downs ng kanilang mga buhay. Magkaroon kaya ng happy ending ang dalawang taong magkaiba ang ugali at...