Gelina POV
Inayos ko ang suot kong salamin saka muling nag focus sa desktop, wala naman akong grado pero inaalagaan ko ang mata ko kaya I always had my anti radiation eyeglasses in my bag. Iniprint ko itong mga resita at saka binigay sa dalagitang may hawak na aso.
"Here, nandyan lahat ng info. nang mga gamot na ipapainom mo sa kanya, ito yung bibilhin mo na wala kaming stock don't worry hindi naman yan kamahalan" I said, agad naman siyang ngumiti at kinuha yung papel na binigay ko.
"Sobrang maraming salamat po" She said, ngumiti lang ako dito at saka tumango bago siya umalis. This is not easy like what I think about. Mayaman naman si Sunny pero paano niya nagagawang mag tiyaga sa trabahong to? but well, hindi makapag kakailang masaya naman itong gawin dahil una sa lahat nakakatulong ka sa maraming tao.
"Stop staring at me Mr. DeLuna" I said, sumandal ako sa bangko at napatingin sa ceiling. Damn it! Ang sakit na nang pang upo at likod ko dahil sa tigas nitong plastic na upuan namin.
"Hon! Call me Hon!" Ma-awtoridad na sabi nito habang walang patid ang tingin niya sakin. Kanina pa siya nakatitig sakin, nakakakain na kami nang pananghalian ay wala pa din itong ibang ginawa kundi ang pag masdan ako. Nong una ay naiilang ako hanggang sa makasanayan ko nalang.
Wala ako sa mood na makipag talo dito kaya hindi ko na siya sinagot. Ngayon nalang ulit ako nag trabaho nang ganito kaya mabilis akong nakaramdam nang pagod. Kung hindi ko nasagasaan ang Brendon niya edi sana masarap ang hilata ko sa bahay ngayon.
"Want to change with mine?" He asked, agad akong napatingin dito nang tumayo siya. Napangiti ako nang iabot niya sakin yung swivel chair niya pero nag poker face din ako agad dahil halatang natuwa siya sa pag ngiti ko.
"Isa kang Licensed Civil Engineer pero wala kang swivel chair para sa mga tauhan mo" Reklamo ko dito, saglit siyang napatulala sakin saka ito ngumiti nang nakakaluko.
"So you know my profession?" Parang gusto kong sampalin yung bunganga ko nang marealized ko kung ano yung sinabi ko sa kanya.
"Big deal?!" I asked, mas lalo pa itong ngumiti kaya naman umirap nalang ako sa kanya at saka ako tumayo para makipag palit nang upuan dito.
"Yeah, iilang tao lang ang nakakaalam niyan" Masayang sabi nito, hindi ko na siya pinansin dahil agad akong naginhawahan nang makaupo ako sa malambot niyang swivel chair. Sumandal ako at pinagalaw galaw ko pa ito dahil sa tuwa.
"Fuck it!" Agad akong napatingin kay Art na hindi maintindihan kung anong gagawin niyang pag upo sa plastic na bangko. Napakagat labi ako para pigilan ang pag tawa ko.
"Sunny, please buy 5 swivel chair Now!" Sigaw nito kaya naman patingin samin ang lahat nang tao, namimilog ang mga mata ni Sunny habang nakatingin saming dalawa lalo na nang makita nitong gamit ko ang upuan ni Art.
"Ye-yes Sir!" Nauutal na sagot nito saka niya dali daling kinuha yung telepono sa gilid niya, nag tataka siyang tumingin sakin kaya naman nag kibit balikat lang ako dito.
Muli akong napangiti nang mapatingin ako kay Art saglit, nag senyas ako sa binatang may dalang pusa kaya naman lumapit na ito sakin. This is so relaxing, hindi masakit sa pang upo ang gamit kong chair ngayon pero hindi naman maipag-kakaila ang init dito sa loob kahit may aircon.
"Please hold on for a while" Sabi ko don sa lalaki, nakangiti naman siya at saka tumango. Tumayo ako para hubarin itong suot kong coat dahil naiinitan na talaga ako.
BINABASA MO ANG
A PERFECT WORK OF ART (Taste of Love Series 3)
RomanceGelina Uzon is a Destroyer of Men's Ego, kahit siguro gwapong mga artista ang iharap mo sa kanya ay hindi niya ito magugustuhan at tatapakan lang niya ang pagka-tao ng mga ito. Mas madalas pa siyang maakit sa mga bagay kaysa sa mga lalaking sumubok...