Chapter 23

48 1 0
                                    

Gelina POV

Masaya akong binati ng mga empleyado ni Noelle dito sa kanyang Cafe, dumeretso ako sa taas kung saan may room like pwedeng gawin Meeting place. Nananahimik ako sa Bohol pero pilit nila akong pinaluwas dito sa Manila without saying the reason why. Alam nilang mamamatay ako sa curiosity kaya ganun nalang ang lakas nang loob nilang tiisin ako and heto nga ang ending. Wala akong ibang nagawa kundi ang pumunta dito.

"She's here!" Malakas na sigaw ni Gexie kaya agad ko siyang inirapan, napatingin ako sa kanila dahil halos kompleto ang mga ito maliban kay Art. Okay Art again? Kanina ko pa siya iniisip like baka nandon nanaman sa Clinic yung dalawang pokemon at masaya siyang nakikipag landian, hindi sana masarap ang pagkain nila mamaya!

"What now? Anong karapatan niyong pigilan yung kasayahan ko sa Bohol?" Sarcasm na tanong ko sa mga ito kaya naman agad silang natawa. Pansin kong malaki na yung tiyan ni Noelle kaya napangiti ako dito, excited na akong makita yung baby nila ni Nacht.

"You mean kasayahan with Art?" Nakakalukong tanong sakin nang magaling kung kapatid, pinandilatan ko siya nang mga mata pero nakakalukong ngiti lang ang tinugon nito sakin.

"Love what do you want?" Nacht asked Noelle habang nag hahain ng mga pagkain si Jiji, siya yung pinakang-close ko dito sa lahat ng mga employees niya dahil sa pagiging adik nito sa social medias, tinuturuan niya kasi ako kung saang site maganda mag online shopping.

"I'm fine, ang dami mong niluto kanina eh" Natatawang sabi nito, hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti kapag nakikita ko silang dalawa. Alam ko kasi yung mga pinag-daanan nila dati.

"Oy! May naiinggit" Alam kong ako yung inaasar ni Gexie kaya agad ko siyang sinamaan nang tingin. Napangiti nalang si Hanz kaya pinandilatan ko ito nang mga mata. Isa pa tong dalawang to, ang tagal tagal na ding magka-relasyon. Kasal nalang ang kulang kaya diko alam kung ano pa bang hinihintay nilang mangyari.

"Hanz can you please patahimikin mo muna ang bunganga niyang kapatid ko" I said, natawa lang si Gexie at saka umiling iling nang nakakaluko sakin.

"He can't do that cause—

"Done" Hanz said matapos niyang halikan sa lips si Gexie, halos mamatay ako sa kakatawa dahil sa mabilis na pamumula ng mukha nito saka siya nahihiyang tumungo. Nag thumbs up ako kay Hanz na abot tainga ang ngiti ngayon. Nice one!

"Are you sure wala kang idea kung bakit tayo nandito?" Tanong sakin ni Jigz, nag cross legs ako saka kumuha ng ice tea. Uminom muna ako bago ko siya harapin dahil kanina pa talaga ako nauuhaw.

"Wala, dahil wala namang sinabi sakin ang dalawang babaeng yan" I said, napangiti nalang si Noelle habang ang magaling naman niyang asawa ay walang ibang ginawa kundi ang titigan ito. Noelle is so pretty kaya hindi ko siya masisisi, kahit siguro ilang taon ang lumipas ay hindi mag sasawa itong si Nacht sa maganda niyang may bahay.

"Art's Birthday is coming, akala ko ba ay mag kasama kayo sa Bohol?" Agad na namilog yung mga mata ko dahil sa sinabi ni Nacht saka siya tumingin sakin. Really? Bakit hindi niya sinasabi sakin?!

"Yes—I mean No! Yes nagkikita kami and No! Hindi ko alam na malapit na pala yung Birthday niya" Paliwanag ko sa mga ito dahil parang ang laki nang kasalanan ko kasi hindi ko alam ang Birthday ni Art.

"We have a plan, nalaman ko kasi kay Dad na ikakasal na si Art—

"It's fucking serious right?" Putol ko sa sasabihin ni Gexie, napabuntong hininga nalang ito saka siya umayos nang upo para magkaharap kami nang maayos. Feeling ko ako ngayon yung bunso saming dalawa.

"Oo! At kapag hindi mo pa inamin yang nararamdaman mo sigurado akong sa kangkungan ka pupulutin. Malaki ang impluwensya nang pamilya nung babae pag dating sa negosyo kaya kabahan kana, hindi malabong matuloy yung magiging kasal nila" Parang may kung anong sumaksak sa dibdib ko kaya agad akong nakaramdam nang lungkot.

A PERFECT WORK OF ART (Taste of Love Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon