Gelina POV
Mahigpit ang hawak ko sa ice coffee na binigay sakin ng isang barista kanina pagka-open na pagka-open nitong Elexia's Cafe. Hindi ako mapakali dahil ramdam kong kanina pa may taong nakatingin sakin.
I hate it! Ayaw ko sa lahat ay tinititigan ako! Well, hindi ko naman sila masisisi. I am hot and gorgeous pero mali sila ng babaeng pinapangarap. Wala pang naka-handle ng pag uugali ko kapag tungkol sa lalaki ang usapan.
"Hi gorgeous" Agad kong nilingon ang pangahas na lalaking humawak sa braso ko, nag taas kilay ako sa kanya kaya naman bumitaw ito sakin at ngumiti ng ubod ng tamis. Eww! Lumayo ako sa kanya ng kunti saka nag cross arms sa harapan nito.
"May I know your name?" He asked na para bang nang-aakit kaya napatakip ako sa ilong ko. Halatang nagulat ito sa ginawa ko but I don't care, naguguluhan man ay patuloy pa din ito sa pag ngiti reason why napairap ako sa kawalan.
I hold his necktie saka ako dahan dahang lumapit sa kanya kahit nasusuka ako sa matapang na pabango nito, mas lalo pa itong napangiti nang maramdaman niya ang hininga ko sa kanyang tainga.
"Wanna know some fact?" Malanding tanong ko dito, agad niya akong hinapit sa beywang kaya napa-smirks nalang ako. I wanna break his bone pero mas masaya kung ego niya ang tatapakan ko.
"Say it beautiful" Nang-aakit na sabi nito saka niya ako mas pinalapit sa kanya, Damn it! I can't take it anymore dahil nahihilo na ako sa pabango niyang parang pinaligo sa buong katawan.
"Your teeth is like my gold earrings and your breath is so awful—back off before I break your bones" Cold na sabi ko dito kaya naman agad niya akong tinulak palayo.
Ngiting tagumpay ako habang siya naman ay halos suntukin na ako dahil sa sama ng tingin nito sakin, binaling ko sa kaliwa ang ulo ko na para bang tuwang tuwa pa dahil sa naging reaction nito. I feel pity for him but this is fun.
"Hey babe! Who's that?" Malanding tanong dito ng bagong dating na babae at nang makita niya ako ay agad ako nitong tiningnan mula ulo hanggang paa. Napa-smirked pa siya nang mapagtanto nitong mas malaki ang ganda ko kesa sa kanya.
"Nothing, let's go!" Galit na sabi nung lalaki at basta nalang kami iniwan dito nitong babaeng akala mo ay inagawan ko ng masarap na pagkain. Napangiti pa ako ng mapansin kong huminga yung lalaki sa kamay niya at saka ito palihim na inamoy. Eww!
Napansin ako nitong babae na habol tingin sa lalaki niya kaya kulang nalang ay sabunutan niya ako ngayon. Sinuyod ko ang buong katawan niya at saka ako nag kibit balikat dito, iniwan ko siyang nakanganga don hanggang sa mapansin ko si Elexia Noelle na niyayakap ng isang lalaki. Actually kanina ko pa napapansin ang lalaking to and I don't like him. Inubos ko na yung ice coffee saka ko ito tinapon sa trash can.
Lumapit ako sa kanila saka ko hinila si Noelle palayo dito, she's our friend at nakababatang kapatid na ang turing ko dito. I know she's really in love with someone at kasalukuyang wala dito ang lalaking yun, so ako na ang bahalang mag bantay sa kanya at ilayo dito sa lalaking akala mo ay kakainin ako dahil sa way ng pag tingin niya sakin.
"Ate gelin? Gusto mo ng kape?!" Noelle asked, I smiled at her pero sabay kaming napatingin sa lalaking yumakap sa kanya ng tingnan ako nito mula ulo hanggang paa. I raised my eyebrows dahil mukhang kakaiba ang isang to. He's cute and at the same time hot, damn! Did I complement him?!
"Gelin? Hmm" He said saka nito kinuha ang kanyang cellphone at may kung anong tiningnan doon. Agad na nag salubong ang mga kilay ko nang ngumiti ito sakin.
"Gelina Uzon, 29 years old. 2-year age gap, not bad" Ganun nalang ang gulat ko ng malaman niya ang buong pangalan at edad ko, agad akong napa-atras ng lumapit ito sakin.
Fuck! Never akong umatras ng dahil sa isang lalaki kaya nag sisimulan ng uminit ang ulo ko dito lalo nang ngumiti siya na para bang may masamang plano.
"How did you know my name?!" Cold na tanong ko dito pero nag kibit balikat lang siya saka nito tinaas ang hawak niyang cellphone para ipakita samin.
"I have my ways" Alright! Maldita mode on! Kumindat ito sakin kaya naman agad akong nag cross arms with matching taas pa ng kilay. He said 2-year age gap kaya gagamitin ko ang pagiging matanda ko kesa sa kanya. Obvious kasing mas matanda ako dito dahil mukhang kaedaran lang siya nila Noelle.
"I don't care about that ways of yours, kiddo" Pang aasar ko dito pero nag-smirk lang siya sakin! Seriously? Hindi manlang siya naasar sa sinabi ko?!
"Kiddo? Really?" He asked saka ito mas lalong lumapit sakin at tumungo para mag pantay ang paningin namin dahil mas mataas ito kesa sakin. Fuck him!
I hate to accept it pero napalunok ako dahil sa lapit ng mukha niya sakin! Think Gelina! Think carefully dahil kahit kailan hindi ka napatahimik ng isang lalaki. Lumayo ako dito ng mapansin ko ang pag lapit samin ng bunso kong kapatid na si Gexie.
"Mukhang nakahanap kana ng katapat mo ah? Baka masugat yang kamay mo dahil sa pagkaka-kuyom" Sinamaan ko siya ng tingin dahil napansin pala nito ang dalawang kamay ko na kanina pa nakakuyom dahil lang sa lalaking kaharap ko ngayon. Mas lalo pa akong nainis nang ngumiti ito, I hate his smile! Maganda ito sa paningin ko kaya nainis ako lalo.
"E—ewan ko sa inyo! Give me ice coffee please!" Gusto kong sapakin yung sarili ko dahil for the first time nautal at nag walk-out ako sa harapan nang isang lalaki. He's dangerous! I don't fucking want to cross our paths again. Muli akong binigyan ng ice coffee ng isang barista kaya naman napabuntong hininga nalang ako.
Pangalawang kape ko na to dahil lang sa galit ko sa lalaking yun! How did he even know my name and age?! Mahina kong tinampal yung noo ko dahil kahit kailan hindi pa ako nag-isip ng ganito dahil lang sa isang lalaki. I hate to admit it, but he will be my greatest destruction.
Main Cast...
(EXID: HANI) as Genila Uzon
(GOT7: Jackson) as Art DeLuna
A.N: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.WARNING: This story contains with adult language and content. It is not suitable for anyone under the age of 18. View at your discretion.
Story update: Unedited, expect grammatical errors and wrong spelling.
BINABASA MO ANG
A PERFECT WORK OF ART (Taste of Love Series 3)
RomansaGelina Uzon is a Destroyer of Men's Ego, kahit siguro gwapong mga artista ang iharap mo sa kanya ay hindi niya ito magugustuhan at tatapakan lang niya ang pagka-tao ng mga ito. Mas madalas pa siyang maakit sa mga bagay kaysa sa mga lalaking sumubok...