Chapter 27

31 1 0
                                    

Gelina POV

"Oh God! Sorry, Sorry!" Paulit ulit na pag hingi ko ng tawad sa waiter na nabangga ni Sunny, mabuti nalang at walang laman ang tray na hawak nito. Pilit siyang ngumiti saka ito napakamot sa kanyang ulo.

"Sorry talaga" Muling patawad ko dito bago ko siya iwan, agad kong sinundan si Sunny na nag mamadali kakahabol sa isang lalaki. She said nakita niya ulit si William and this time mas lalo pa siyang naging sigurado, wala na siyang paki kung may mabangga pa siyang tao. Ang mahalaga sa kanya ngayon makita at makausap ang manlalako niyang Boyfriend.

"Wi—william?" Sabay kaming napatigil ni Sunny nang makita namin si William, yes it's him. Napatigil ito sa pakikipag-usap sa isang babaeng kasalukuyang nakatalikod samin ngayon.

"Sunny? Baby why are you here?" Gulat na gulat na tanong nito, lalapit sana siya kay Sunny pero mabilis itong lumayo sa kanya. Dahan dahang lumingon samin yung babae at pansin ko ang lalong pagka-gulat ni Sunny ngayon.

"Trina?! You are that girl right? You are Trina" Pang duduro ni Sunny dito, papakalmahin ko sana siya but this time ako naman ang natigilan. Trina? Agad kong nilingon yung babae. Maganda siya kahit nakataas ang kilay nito ngayon at halatang nag-tataka kung bakit kilala siya ni Sunny.

"How did you know me?" Pati boses nito ay halatang elegante, hindi ko alam kong tama yung iniisip ko. Pero dahil kaya akong patayin nang kuryusidad ko ay matapang ko itong hinarap.

"Are you the soon to be fiance of Art?" Naguguluhang tumingin sakin si Sunny pero wala akong pakialam. Kailangan kong masagot tong namumuong mga tanong sa isip ko.

"Soon?" She asked saka ito natawa kaya naman ganun nalang ang kaba ng puso ko. Damn it! This is not me, dapat ay mas bitch pa ang dating ko keysa dito. Nag cross arms siya saka nakakalokong ngumiti samin, susugudin sana siya ni Sunny pero mabilis ko itong pinigilan. Kapag ganito ang kaharap mong tao dapat cool ka lang dahil kapag nag ingay ka, mag mumukha kang disperada sa harap ng mga tao.

"I don't know who you are but since ea-announce naman na ang engagement namin mamaya I'll tell you the truth. Art is already my fiance ever since were in College" Parang may sumaksak sa puso dahil sa sinabi nito, pilit kong pinakalma yung sarili ko kahit parang gustong tumulo ng luha sa mga mata ko. Fuck this bitch! And also fuck that Man! Kung matagal na siyang may commitment sa iba bakit pinaikot pa niya ko?! Bakit ginulo pa niya ko?! Bakit hinayaan niya kong mahulog sa kanya?! Ang dami kong gustong itanong kay Art pero mas nangibabaw yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Since College? Eh bakit nilalandi mo tong Boyfriend ko?" Tanong ni Sunny dito, bigla itong natawa ng mahina saka siya tumingin kay William. I hate her, kulang nalang ay sabunutan ko siya pero nanatili akong taas noo.

"So Will? This is your Girlfriend? Sana ay sinabi mo sa kanyang matagal mo na siyang gustong iwan para hindi siya nag eeskandalo dito" Agad na napataas yung kilay ko dahil sa sinabi niya kay Sunny, pansin kong dumadami na yung mga taong nakapaligid samin ngayon dahil sa taas ng boses ni Sunny kanina pa.

"Sunny let me explain—

"Ang kapal ng mukha mo William!" Sigaw ni Sunny dito, hindi na niya natuloy yung sasabihin niya dahil nag umpisa nang umiyak ang babaeng to. Damn it! Nasasaktan din ako ngayon pero mas mahalaga pa din itong si Sunny dahil alam ko kung gaano kababaw ang luha niya.

"Goddamn it! Can you please hear—-

"Fuck you!" Muling sigaw ni Sunny dito, pansin ko ang pag smirk ni Trina kaya kulang nalang ay sabunutan siya ni Sunny ngayon. Mag sasalita sana ito pero agad kong inangat ang kanang kamay ko sa harapan mismo ng mukha niya kaya ganun nalang ang pagka-bigla nito.

A PERFECT WORK OF ART (Taste of Love Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon