Gelina POV
Kasalukuyang nag sasayawan ang mga bisita habang kami ni Sunny ay naiwan dito sa pwesto namin kanina. Gexie and Hanz are busy dahil trabaho naman talaga ang pinunta ng kapatid ko dito although friend niya si Art. Syempre hindi nag pahuli sa pag sasayaw yung mag-asawa na si Noelle and Nacht dahil mamaya ay mauuna na silang umuwe samin dahil buntis si Noelle. Jigz is also here and now dancing with a beautiful girl named Celina, late sila kaya ganun nalang yung kakahingi nito ng tawad kanina.
"Are you ok?" Tanong sakin ni Sunny dahil kanina pa ako tahimik, hindi ako mapakali dahil kitang kita ko sa gitna si Art na kasama sila Trina at parents nito. Napabuntong hininga nalang ako bago siya harapin.
"I'm the one who supposed to ask you that question Sunny, are you ok?" Napabuntong hininga nalang din ito at natatawang tumingin sa way nila Art.
"Parehas lang tayong hindi ok, sino ba namang mag aakalang iisa ang babae ni William at ang fiance ni Art" Natatawang sabi nito. Tumayo ako para lumapit sa kanya, wala naman si Yuan kaya makakapag-usap kami nang maayos.
"I'm confused!" Reklamo ko dito, naniningkit ang mga mata niya ngayon na halatang galing sa pag iyak. She's still pretty at natutuwa pa din ako sa mga pinag-sasasabi niya kala William kanina.
"Bakit? Ano bang sabi sayo ni Art?" Nag aalalang tanong nito, pakiramdam ko ay nagka-buhol buhol nanaman sa utak ko ang lahat nang nangyari. Una sabi ni Dad wala nang pag-asa, pangalawa sabi ni Trina ipapakilala na sila mamaya para sa engagement and pangatlo ito lang naman palang family ni Trina ang may gustong makasal sila ni Art. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nag sasabi nang totoo.
"He said na wala namang mangyayaring engagement at isa pa Trina's family is the one who pursued that fucking wedding" Parang nag ning-ning yung mga mata niya at halatang tuwang tuwa sa sinabi ko.
"Really? Edi much better! Ano pang minumukmok mo diyan?" She asked, kulang nalang ay sabunutan ko yung sarili ko dahil hindi nanaman niya maintindihan yung pinupunto ko.
"Lahat sila tinatak sa isip ko na makakasal siya sa ibang babae! Hindi mo alam kung gaano nakakainis yun" I said, napangiti lang siya kaya kulang nalang ay ihagis ko siya sa pool ngayon.
"Baka naman gusto lang nilang malaman yang nararamdaman mo, alam mo Gelina kesa mag reklamo ka diyan puntahan mo si Art don at ayain mong sumayaw. Malaki ang kapit mo sa Mom niya, na-sense ko yun kanina" She said saka ito tumingin kala Art. Kitang kita ko ang pag hawak ni Trina sa braso ni Art pababa sa kamay nito kaya agad na uminit yung ulo ko.
"That bitch! Malamang ay tama ka hindi na yun virgin!" I said, napatawa nalang si Sunny saka ito tumayo at inalalayan din ako patayo. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko kaya napatingin ako dito.
"Go ghorl! Grab what's yours" She said, matapang itong tumango kaya ginaya ko siya. Huminga ako nang malalim at saka tumingin kala Art. Humanda ka saking babae ka, wala na akong dapat ikahiya cause i'm not unemployed anymore.
"Thanks Sunny! Papalapit na si Yuan satin, I hope you don't mind kung isasayaw mo din ang knight and shining armor mo tonight" Pansin ko ang pagka-ilang niya kaya naman natatawa kong tinapik ang balikat nito bago ako umalis.
Agad kong nakuha ang atensyon nila Art nang lumapit ako sa mga ito, ngingiti palang ako para bumati sa kanila nang agad na hapitin nito ang baywang ko kaya naman mabilis akong napakapit sa kanya.
"Hello Dear, you look so elegant tonight. I can't take my eyes off on you" Masayang bati sakin ni Tita Amanda kaya ganun nalang din ako saya ko. Pansin ko ang masasamang tingin sakin ni Trina pati na din nang babaeng katabi niya. I'm sure this is her Mother dahil same vibes sila.
BINABASA MO ANG
A PERFECT WORK OF ART (Taste of Love Series 3)
RomanceGelina Uzon is a Destroyer of Men's Ego, kahit siguro gwapong mga artista ang iharap mo sa kanya ay hindi niya ito magugustuhan at tatapakan lang niya ang pagka-tao ng mga ito. Mas madalas pa siyang maakit sa mga bagay kaysa sa mga lalaking sumubok...