Chapter 30

22 1 0
                                    

Gelina POV

Muntik na kaming mapatalon sa gulat ni Sunny dahil sa pag bukas ng pinto dito sa kanyang penthouse, abot tainga ang ngiti ng isang babae habang papalapit samin. Parehas kaming napairap ni Sunny sa kawalan dahil sa pag tawa nito.

"Hey yow bitches!" Masayang bati nito samin, walang sabi sabing umupo siya sa single sofa kaharap nitong mahabang sofa na inuupuan namin ngayon ni Sunny. Sunday ngayon at isang linggo na akong nag-wowork sa Clinic ni Art kaya naman pagod ang nararamdaman ko ngayon. I really need to relax kaya dito ako sa penthouse ni Sunny nag stay.

"End of the world na ba Lorelei at naligaw ka?" Sarcasm na tanong ni Sunny dito, muli siyang napatawa at saka sumandal sa sofa. Palaging busy ang babaeng ito at kung hindi namin siya pupuntahan sa botique o sa bahay nila ay hindi namin siya makikita. Siya yung kaibigan namin na gumagawa at nag dedesign ng mga dresses and gowns.

"Well, wala akong maisip na new design kaya I need to refresh my mind. Akala ko ikaw lang ang nandito ngayon since penthouse mo to. Anong ginagawa mo dito Helina baby?" Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman ngiting tagumpay siya ngayon.

Saming tatlo si Sunny ang probensyanang probensyana ang dating, obvious naman sa pananalita palang nito. Hindi mo aakalaing sila ang may-ari ng isla na to dahil sa pag tatrabaho niya sa Public Clinic ni Art. Naiintindihan ko naman na ngayon kung bakit mahal niya ang kanyang trabaho.

"C'mon girls! Nasa labas palang ako ay ramdam na ramdam ko nang problemado kayo, may hindi ba magandang nangyari sa Birthday ni Mr. DeLuna?" Nakakaloko siyang tumingin sakin nang banggitin niya ang last name ni Art.

Ako naman ang feeling rich na rich at pinaka-tamad samin, pasalamat nalang ako at nagawa ko pang magising sa katutuhanan na hindi habang buhay ay aasa ako sa pera nila Dad. So glad that I finally met Art who change my mind pag dating sa maraming bagay.

"I don't know, isang bad news at good news ang meron kami ngayon" Sagot ko dito, napatango naman siya at halatang nag hihintay sa susunod naming sasabihin. Napa-angat ang kilay ni Sunny saka ito nag cross arms paharap sakin.

"Bad news? you mean yung break up namin ni William?" She asked me, nagtataka akong tumango sa kanya dahil sa weird na pag tatanong nito sakin. Sabay kaming napatingin kay Lorelei dahil sa biglang pag-tili nito.

"Fuck? Break na kayo?" Hindi makapaniwalang tanong niya, ginaya ni Sunny yung way nang pagkakasabi nito kaya naman agad siyang binato ng maliit na bilog na unan ni Lorelei sa mukha. Halos patayin siya sa pamamagitan ng masamang tingin ni Sunny ngayon kaya naman napatawa nalang ako.

Lorelei is the most bitchy pag dating samin, kung ako ay ayaw na ayaw sa lalaki dati—siya naman ang kabaliktaran ko. Hindi ko alam kong gaano na kadaming lalaki ang naka-fling nito before. Ilang taon siyang taong Bar and Club dati kaya ganun nalang ang pasasalamat ng parents niya dahil naisipan niyang magpatayo ng saraling negosyo. Guess what kung saan namin siya nakilala ni Sunny? Sa parking lot ng isang Club! Akala namin ay pinag-tutulungan siyang saktan ng dalawang babae but we're wrong. Siya pa pala yung nanakit sa dalawa dahil akala daw ng mga ito ay inahas niya yung Boyfriend nila. Lihim akong napatawa nang malala ko ang mga kalukuhan niya dati. But she's still proud dahil isa pa din daw siyang virgin hanggang ngayon.

"Yes! at saka hindi yun bad news for me. Masaya pa ako dahil nakalaya na ako sa gagong yun" Sunny said, now I get it kung bakit ganun ang reaction niya kanina. Napahawak si Lorelei sa kanyang baba at saka tumango tango.

"You have a point, hindi mo naman talaga kawalan ang lalaking yun pero ano yung good news?" She asked, tumingin sakin si Sunny na nakakaloko ang ngiti kaya naman napatingin din sakin si Lorelei, napalunok ako dahil ayaw ko sa lahat ay pinag-tutulungan ng dalawang to.

A PERFECT WORK OF ART (Taste of Love Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon