Chapter 24

42 1 0
                                    

Gelina POV

Papasok palang kami sa Bar nang biglang hawakan ni Art ang kamay ko para pigilan ako. Nagtataka akong humarap sa kanya lalo na nang makita kong ilagay niya sa palad ko ang isang sobre.

"ATM Card?" Naguguluhang tanong ko dito, ngumiti siya at saka tumango. Para akong baliw na tinitigan pa itong binigay niyang ATM na naka-sobre pa from banko.

"That's the reason why hindi kita napasahod nung unang beses kang nag work sa Clinic. I decided to give you an ATM Card para diyan ko nalang ipapasok yung sasahurin mo" Paliwanag nito sakin, kinuha ko yung kamay niya saka ko binalik dito yung sobre.

"Art I don't your money—

"It's not only about the money Hon, you work for it that's why you earned it. Sariling pangalan mo yan at nandyan na yung sinahod mo dati kaya wala ka nang magagawa" He said, muli nitong inabot sakin yung sobre at natulala nalang ako dito, kumindat pa siya sakin bago tuluyang umalis papunta sa Bar kung saan nauna nang pumasok sila Gexie.

So I finally have my own ATM Card? Nakakahiya man pero account nila Dad ang ginagastos ko para sa luho ko unlike Gexie na ilang taon palang ay may sarili nang negosyo. Oh God! Kunting kunti nalang talaga ay luluhod na ako dahil sa sobrang pag-sisisi. Wala na akong ibang nagawa kundi itago yung sobre sa maliit kong bag saka ako sumunod sa kanya papasok sa Bar.

Abot tainga yung ngiti ko dahil ganito pala ang pakiramdam kapag may sahod kang natatanggap. I think mag-aapply na ako sa Clinic niya para maging official employee na niya ako at higit sa lahat mailalayo ko siya sa mga pokemon na nag katawang tao.

"Hey gorgeous" Agad akong napatingin sa lalaking sumalubong sakin, halatang nakakainom na ito kaya naman lumayo sa kanya na para bang nandidiri. Hahakbang palang ako paalis nang walang sabi sabing hinapit ako nito sa beywang kaya ganun nalang ang gulat ko.

"The fuck?!" Sigaw ko dito, imbes na matakot ay ngumisi lang siya sakin kaya naman mabilis ko siyang tinulak palayo. Gross! Ngayon lang ako naka-encounter nang ganitong customer dito sa Bar ni Jigz.

"C'mon, stop acting like a damn virgin" He said what?! Kung nakakamatay lang ang masamang tingin ko ay kanina pa sana siya nilagutan nang hininga dito. God! I am a fucking virgin!

Dahan dahan akong umatras dahil sa nakakalukong ngiti nito, para akong masarap na pagkain sa paningin niya kaya naman ganun nalang ang kaba ko ngayon. Tatalikod na sana ako sa kanya nang bigla nitong hawakan ang braso ko, wala akong ibang nagawa kundi ang mag pumiglas pero ang higpit nang pagkaka-hawak niya sakin. Nakakakuha na kami nang atensyon kaya naman wala na akong ibang hiniling kundi sana ay may tumulong sakin. This is time that I fucking need some help dahil natatakot na ako.

"Damn you!" Sigaw ko dito, nakakalukong ngiti lang ang pinukaw niya sakin. Ganun nalang ang gulat naming lahat nang may biglang sumuntok sa mukha nito kaya naman nag mamadali akong lumayo nang mabitawan nito ang braso ko.

Kitang kita ko ang pag dudugo ng ilong nito pero mas nakuha nang pansin ko si Art na kasalukuyang galit na galit ngayon, muli siyang sumugod dito at nagawa niya ulit suntukin sa mukha yung lalaki. Nag panic na yung mga tao kaya agad ko siyang nilapitan para pigilan.

"Oh God! Art" Nag aalalang hiyaw ko dito, susugod sana samin yung lalaki nang biglang dumating yung mga guard sa labas. Mabuti nalang at nandito palang sa kami sa bungad ng pinto.

"Fuck you!" Malakas na sigaw ni Art dito, lalapitan pa sana niya ulit yung lalaki kaya naman agad ko siyang niyakap mula sa likod. Ngayon lang ako kinabahan nang ganito dahil ngayon ko lang din siya nakitang ganito kagalit. He punch that man twice at halos mamaga ang mukha nang lalaking yun habang dumudugo ang ilong.

A PERFECT WORK OF ART (Taste of Love Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon