Gelina POV
Agad kong kinuha ang cellphone ko para tingnan ang details na ini-send sakin ni Dad nong nakaraan, nandito na ako sa labas ng Hotel at hindi ko manlang alam kong sino ang eme-meet ko ngayon. Masyado akong naging busy sa Vet. Clinic ni Art kaya nakalimutan ko na itong basahin.
"Miss Gelina Uzon?" Napatingin ako sa lalaking sumalubong sakin, papasok palang ako dito sa Hotel kaya hindi ko inaasahang may mag we-welcome agad sakin. Tinago ko yung cellphone ko sa bag saka ako ngumiti dito.
"Ah yeah. I have an appointment with—hmm with the owner" Gusto kong tampalin yung bunganga ko dahil hindi ko alam kong anong sasabihin ko dito.
Hindi ko nabasa ang details kaya hindi ko alam ang pangalan nang may-ari ng napakagandang Hotel na to. Malayo ito sa mansyon namin kaya siguro hindi ako pamilyar dito. Sa bayan kasi to dahil nga Hotel to while our house ay parang nasa vacation part lang but this is not important right now.
"He's already waiting for you Ms. Uzon, shall we?" He said, really? Ngumiti nalang ako dito saka tumango. Nag umpisa na siyang maglakad kaya naman sumunod na ako dito hanggang sa makapasok kami sa Elevator.
"By the way, my name is Yuan—his Secretary" He said, nagulat man ay pilit nalang akong ngumiti dito. Ang gwapo naman niyang Secretary, well hindi naman sa interesado ako dito dahil hindi ko gusto ang awra niya. Nase-sense ko sa kanya si Art, Napa-irap ako nang palihim dahil hanggang dito ba naman ay naiisip ko ang lalaking yun.
Bumukas na ang Elevator at halos mahilo ako dahil sa taas nang inakyat namin, ilang floor ba ang mayron sa Hotel na to?! Hindi ko manlang nagawang tingnan ang buttons sa Elevator kanina dahil ilang beses kong tinangkang kunin ang cellphone sa bag ko para lang tingnan ang ini-send sakin na file ni Dad pero wala na akong magagawa.
Nandito na kami kaya huli na ang lahat para kilalanin ko ang owner nitong Hotel. Siguro ay matanda na siya at uugod ugod cause this Hotel is look so successful. Tumigil kami sa tapat nang magandang pinto, akala ko ay bubuksan na niya ito pero kumindat muna siya sakin kaya napa-irap ako dito. Rinig ko ang pagtawa niya bago niya buksan ang pinto.
"Enjoy!" Nakakalokong sabi nito, napa-smirks nalang ako saka ako pumasok sa loob. Secretary ba talaga yun? Parang wala naman siyang ibang ginagawa sa buhay kundi ang mang landi ng mga babae.
"Good Morning po" Magalang at malambing na bati ko sa lalaking nakatalikod habang nakaupo sa swivel chair. Damn it! Nakakahiya ito dahil hindi ko manlang alam ang pangalan niya.
"This is the first time that you greet me—Honey-Babe" Halos mapatalon ako sa gulat nang mag salita ito saka dahan-dahan na humarap sakin. What the fuck?!
"Yo—you?! What are you doing here?!" Sigaw ko dito with matching pang duduro pa. Ngiting tagumpay siya saka masayang tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"This is my Hotel" Halos mapanganga ako sa gulat saka ko ginala ang paningin ko dito sa malaki niyang opisina, hindi ko na napigilan ang sarili kong ngumanga dahil sa gulat nang mabasa ko ang signage sa likod niya.
"This is fucking DeLuna Hotel?! Not The Luna?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito, agad na napakunot ang noo niya na para bang nagtataka sa sinabi ko.
"The fuck?! The Luna?! Really?" Nag tatakang tanong nito kaya palihim kong kinagat yung labi ko. Mukhang ako ang may kasalanan dahil hindi ko nilinaw kay Dad yung pagkaka-intindi ko sa kanya noong magkausap kami sa tawag.
BINABASA MO ANG
A PERFECT WORK OF ART (Taste of Love Series 3)
RomanceGelina Uzon is a Destroyer of Men's Ego, kahit siguro gwapong mga artista ang iharap mo sa kanya ay hindi niya ito magugustuhan at tatapakan lang niya ang pagka-tao ng mga ito. Mas madalas pa siyang maakit sa mga bagay kaysa sa mga lalaking sumubok...