Chapter 20

61 1 0
                                        

Gelina POV

Halos sabay kaming napabuntong hininga ni Sunny at saka sumandal sa sofa, today is Sunday kaya wala siyang pasok at dahil wala naman akong magawa sa bahay ay tumambay ako dito sa penthouse niya.

"Anong problema mo?" I asked, halata kasing malalim ang iniisip nito like me. Simula nang ihatid namin si Dilya sa bahay ampunan ay hindi na ako mapakali hanggang sa makauwe ako sa mansyon. There's something inside me na malungkot pero masaya. I can't explain it kaya naisipan kong bumisita dito para kahit papano may makakausap ako.

"It's about me and William, still interested?" Sarcasm na tanong nito kaya napa-smirk nalang ako. Alam kasi niyang umiinit ang ulo ko kapag napag uusapan namin ang siraulo niyang Boyfriend.

"What about him? Nang babae nanaman?" I asked, napatitig ito sa ceiling kaya mukhang alam ko na ang sagot niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nagka-babae ang taong yun habang magka-relasyon sila.

"Yeah! Too bad nahuli ko nanaman siya, remember nung nag overnight kayo dito? Nagising akong katabi siya and then syempre cellphone agad ang tiningnan ko and there's a fucking girl named Trina na walang sawa sa pagtawag and when I answered it! Fuck her! Tinawag niyang babe si William dahil hindi pa ako nun nagsasalita, she's kinda beautiful kasi thru messenger siya tumatawag kaya nakita ko yung profile niya, pero syempre ghorl! Mas maganda! Ako!" Trina? Sounds bitchy and parang familiar ito sakin pero mas nangibabaw yung inis ko kay William.

"And as usual, you acted like there's no other girl para lang hindi niyo pag mulan ng away and then ayan! Iiyak iiyak ka lalo na sa gabi" Sermon ko dito na halatang memorya na niya dahil ginagaya nito yung bawat buka ng bibig ko.

Kinuha ko yung maliit at bilog na unan niya dito saka ko hinagis sa mukha niya, ganun nalang ang tawa ko nang tamaan ito kaya halos patayin na niya ako sa pamamagitan ng masamang tingin.

"Sunny matalino ka pero pag dating sa William na yan napaka-tanga mo! Halika nga dito baka kulang ka lang sa sapok" I said, pansin ko ang luhang namumuo sa mga mata nito na mabilis niyang pinahid.

"Wala namang matalino pag dating sa pag mamahal na yan! Tangina talaga eh!" Hindi na ako nagulat ng mag mura siya nang sobrang lutong. Ganyan siya kapag masama ang loob, mabuti nalang hindi siya nag alok ng alak kasi maaga pa. Sigurado parehas kaming susuray suray dito pag dating ng gabi dahil sa kalasingan.

"Tigilan mo na kasi yang jowa mo, why don't you try to seduce Yuan? Seems like he is interested on you" I said, agad siyang napatawa na parang sinasapian kaya kulang nalang ay batuhin ko nanaman siya ng unan ngayon.

"Si Yuan? Eh isa pa yung babaero! Baka nga mamaya may HIV na yun, kadiri!" Natatawang sabi nito saka umarte na nasusuka. Pinandilatan ko lang siya nang mga mata kaya ngiting nakakaloko lang ang tinugon nito sakin.

"Ewan ko sayo! Ilang taon ka pang magtitiis diyan sa relasyon niyo?" Masungit na tanong ko dito, napabuntong hininga nalang ito saka napatingin sa daliri niyang may sing-sing, regalo yun sa kanya ni William noong first Anniversary nila.

"Kunti nalang Gelin, kunti nalang susuko na ako kaya hayaan mo muna akong mahalin ko pa siya ng sobra ngayon" She said saka nito pinahid yung luha niyang tuluyan nang tumulo sa pisnge niya.

Napabuntong hininga nalang din ako saka ako kumuha ng tissue na nakapatong dito sa table, binigay ko yun sa kanya na agad naman nitong tinanggap. Hindi talaga ako mag dadalawang isip na sampalin ang lalaking yun, mukhang mabait pa din sa kanya si God dahil hindi pa kami pinagkikita. Noong nag stay kasi kami dito ay nauna na kaming umalis ni Art dahil pupunta pa kami nun sa Hotel to meet my Dad at ayun nga, doon ko nalamang ikakasal pala ang lalaking yun sa babaeng hindi ko kilala kaya napa-smirk nalang ako.

A PERFECT WORK OF ART (Taste of Love Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon