Gelina POV
Isang linggo na, as in one week na akong nakatago sa bahay at hindi ko mapag kakailang naiinip na ako. Hindi ako sanay na walang Art na umaaligid aligid sakin, simula nang umalis ako doon sa Hotel nila ay hindi ko na ulit siya nakita, nakausap o naiirapan ang lalaking yun.
"Now what? Kanina ka pa dito Gelina!" Sermon ko sa sarili ko saka ako kinakabahan na tumanaw sa Clinic. Yes I am here, hindi ko din alam kong bakit ako pumunta dito, I mean oo napunta ako dito dati for Sunny but now parang iba eh. Kinakabahan ako, nag sabi naman ako kay Sunny na bibisita ako pero hanggang ngayon hindi pa din ako makababa baba dito sa sasakyan ko.
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may kumatok sa bintana nitong sasakyan ko, dahan dahan ko itong binuksan at sumalubong sakin si Daniel. Parang nakahinga naman ako nang maayos dahil siya yung nakita ko.
"Ma'am pinatatawag na po kayo ni Ma'am Sunny, rinig na rinig daw po kasi yang makina ng sasakyan mo sa loob kanina pa" Natatawang sabi nito kaya naman medyo nakaramdam ako ng hiya, pilit akong ngumiti sa kanya at saka tumango and after that nag paalam na din siya sakin.
Nanlalamig ang mga kamay ko na pinatay ang makina nitong sasakyan, bahala na. Dapat pala tinanong ko kay Daniel kung nandon si Art para kahit papano nawala tong kaba na nararamdaman ko.
Agad akong binati ng taong mga nakapili ngayon dito sa labas, umaga palang kaya medyo kukunti pa sila. Yung iba pa ay halatang naging patient ko dati dahil natatandaan ko yung mga alaga nila. Malamang ay nandito sila for check-up para masigurado kung magaling na nga ba itong mga alaga nilang hayop.
"Ate Gelina!" Nawala na yung kaba ko nang makita ko si Dilya, mabilis itong tumakbo papunta sakin habang si boyboy naman ay nasa table care at hawak ni Sunny.
"Kamusta ka Dilya? Pasensya na hindi pa kita nabibisita don" I said, umiling naman siya saka ngumiti para sabihing ayos lang kahit hindi ko pa siya nabibisita. Gusto kong sapukin yung sarili ko kasi dapat nga ay pumunta nalang ako doon sa bahay ampunan kesa mag mukmok ako sa mansyon na parang nag hihintay na mag himala na may lalambing sakin.
"Ayos lang ate gelina, malakas na si boyboy tapos tuturukan siya ngayon" Excited na sabi nito sakin kaya naman hinawakan ko siya sa kamay at saka kami lumapit kala Sunny. Nakakaloko ang ngiti sakin nang babaeng to kaya naman agad ko siyang inirapan.
"How are you boyboy?" Bati ko sa tuta na mabilis na kinaway ang buntot niya. Ang cute! Malambing pa din siya kahit matagal na siyang magaling sa parvo virus. Kaya pala hindi ako nahirapang mag asikaso sa kanya noon kasi mabait naman pala tong alaga ni Dilya.
"Tuturukan ko siya ng vaccine ngayon, nalaman ko kasing wala pa pala itong turok kahit isa at hindi pa din nadedeworm kaya sa susunod kailangan ulit nilang bumalik dito" Paliwanag sakin ni Sunny habang masaya kong nilalaro si boyboy.
"Oo nga pala, sinong kasama mo dito?" Tanong ko kay Dilya, mabilis siyang umiling at saka ngumiti. Mag-isa siya pero nagawa pa niyang ngumiti, mukhang nasanay nga itong si Dilya na si boyboy lang palagi yung kasama niya.
"Nasa Manila na po kasi si kuya Royce at ang asawa niya" Agad na namilog yung mga mata ko dahil sa sinabi nito. Si Sunny ay napatigil din sa ginagawa niya kay boyboy at agad na napatingin kay Dilya.
"Asawa?" Pag uulit na tanong ko dito kasi baka nabingi lang ako, pero kung nabingi lang ako so si Sunny bingi din? Natawa naman si Dilya sa naging reaction ko saka ito tumango.
"Opo, may asawa na si kuya Royce. Akala ko nga nung una ay wala kasi akala ko may gusto siya sayo pero mabait lang pala talaga siya, mabait siya sa lahat ng tao kaya paboritong paborito siya ng mga bata sa bahay ampunan" Pag mamalaki nito samin kaya sabay kaming napangiti ni Sunny, 30 years old na si Royce so hindi nga malabong may asawa na siya. Hindi din naman ako nag assume na may gusto yun sakin tulad nang iniisip ni Dilya.

BINABASA MO ANG
A PERFECT WORK OF ART (Taste of Love Series 3)
RomanceGelina Uzon is a Destroyer of Men's Ego, kahit siguro gwapong mga artista ang iharap mo sa kanya ay hindi niya ito magugustuhan at tatapakan lang niya ang pagka-tao ng mga ito. Mas madalas pa siyang maakit sa mga bagay kaysa sa mga lalaking sumubok...