Chapter 1

103 2 0
                                    

Gelina POV

🎼 Mmm, yeah, yeah
Yeah (JJJ-JR)
Yeah, yeah 🎼

Ini-volume ko yung tugtog at saka ko binaba ang window ng sasakyan. Inilabas ko ang kaliwang kamay ko para damhin at langhapin ang sariwang hangin. Oh God! I really love my home town! Fresh air specially dito sa sea side kahit pa magbalik balik ka ay kukunti ang dumadaang sasakyan kaya malakas ang loob kong ilabas sa bintana ang kaliwang braso ko.

🎼 I'm feeling like a star, you can't stop my shine
I'm lovin' cloud nine, my head's in the sky
I'm solo
I'm ridin' solo
I'm ridin' solo
I'm ridin solo, solo (yeah) 🎼

Feel na feel ko ang pag kanta habang tinatahak ko ang daan papunta sa bahay, inabot ako nang umaga sa penthouse ng isa sa mga kaibigan ko kaya naman ngayon palang ako uuwe. Actually hindi pa sana ako uuwe kaso maagap siyang pumasok at iniwan akong mag-isa don ng magaling na babaeng yun kaya no choice ako kundi ang umuwe.

Napatingin ako sa cellphone ko nang mapansin kong tumatawag si Dad, napa-irap nalang ako sa kawalan saka ko binaba ang window ng sasakyan para makausap ko siya nang maayos. Ini-connect ko yung cellphone sa sasakyan para marinig ko siya dahil wala akong dalang airpods.

"Hey Dad" Masayang bati ko dito, hindi ko siya nakakalimutang lambingin para lang wag niya akong kulitin na mag stay sa Manila, but most of the time naiinis ako dito dahil palagi niya akong pinipilit na mag-asawa. Weird right?! Well, that's him kaya wala na akong ibang magagawa kundi ang mag-tago dito.

"I have something to tell you Gelina" He said, I heard na nag salita sa kabilang linya yung Secretary niya kaya hinayaan ko muna silang mag-usap. Patuloy lang ako sa pada-drive at hindi ko na pinakinggan kung ano yung pinag-uusapan nila hanggang sa mag paalam na yung Secretary niya.

"Gelina are you still there?" He asked, Mag sasalita palang sana ako nang may biglang tumawid na kung anong bagay and worst ramdam kong natamaan ko ito.

"FUCK!" Sigaw ko, nag mamadali kong pinatay yung tawag saka ko binuksan yung pinto ng sasakyan para lumabas at tingnan ko ano yung nasagasaan ko.

"Oh God! Are you okay little one?" Mangiyak ngiyak na tanong ko sa isang tricolor pooch na aso. Umiiyak din ito kaya nag mamadali ko siyang nilapitan.

"Damn it! I'm sorry" Duguan ang paa nito at halatang hindi siya makabangon dahil pilit itong tumatayo pero tumutumba din siya kaagad.

"It's okay, gagamutin natin yan" Hindi na ako nag dalawang isip pa na buhatin siya. I'm a veterinarian kaya alam kong hindi mahirap lapitan ang asong nasaktan. Hindi sila magiging aggressive kung di mo sila sisigawan o sasaktan pa lalo kaya naman hindi ako nahirapan sa pagkuha sa kanya.

"Shhh, stop crying baby don't worry" Pang lalambing ko dito, nakakaawa. Bakit kasi hindi ko agad napansin na tatawid siya, ginala ko pa yung paningin ko bago ko siya ipasok sa passenger seat. Walang ibang tao dito at sasakyan kaya hindi ko alam kung saan ba nanggaling ang cute na asong ito. Patuloy pa din siya sa pag-iyak kaya nag mamadali akong bumalik sa driver seat at nag start ng sasakyan.

Habang nagda-drive ay saka ko lang narealize na walang malapit na vet. clinic dito kundi ang public vet. clinic na pinag-tatrabahuhan nang kaibigan ko. Ayaw ko sana don pero wala akong ibang choice, this is emergency dahil patuloy pa din sa pag iyak yung aso.

"Sorry baby! Don't worry mabilis lang to" Nag aalalang sabi ko dito, mabilis kong pinaandar yung sasakyan pero nag doble ingat ako dahil baka mamaya kung ako nanaman ang masagasaan ko.

A PERFECT WORK OF ART (Taste of Love Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon