Chapter 8

79 1 0
                                    

Gelina POV

Hindi ako mapakali sa pagkaka-upo dito sa sofa, wala na akong ibang ginawa dito maghapon kundi ang umupo, humiga at makipaglaro kay Brendon. Umalis kasi si Art at hindi manlang ako hinayaang lumabas dito para hindi ako mainip. Si Wise naman ay palagi lang sa kanyang kwarto, lalabas lang kapag kakain.

Naiinis akong humiga at saka muling tumitig sa ceiling, halos memorize ko na agad ang buong paligid dito sa malawak nilang sala. Nag try na din akong lumabas sa balkonahe pero hindi ako nakatagal dahil sa sobrang taas pakiramdam ko ay mahuhulog ako sa baba kahit safe naman doon.

"Are you bored?" Agad akong napabangon nang dumating si Wise, may dala itong laptop at saka naupo sa single sofa. Para itong matanda na nag tatrabaho dahil nakasuot pa ito ng salamin at sobrang seryuso.

"Kinda? This is not my lifestyle" I said, natulala ako dito nang ngumiti siya. Oh God! He's so cute, pansin niya yatang natuwa ako sa ngiti niya kaya agad itong nag poker face.

"My brother is such a busy Man. Do you know his background?" Nag tataka man ay tumango ako dito, paano hindi magiging busy eh napakarami niyang trabaho.

"May Public Veterinary Clinic siya, may sariling Hotel Company at isa siyang Licensed Civil Engineer. Now tell me! May iba pa ba siyang pasabog para isahang gulat nalang. Masyado nang ginugulo ng kuya mo itong utak ko" I said, napatawa nalang ito saka niya pinatong yung laptop niya sa table.

"Do you know why he have a Veterinary Clinic?" He asked, napakunot naman ang noo ko dahil may point siya. Ano nga bang kinalaman nang pagiging Hotel Owner niya at Civil Engineer sa mga hayop?!

"I don't think so" Siya na mismo ang sumagot sa tanong niya dahil sa naging reaction ko, inalis niya ang suot niyang salamin at inipatong din niya ito sa table saka siya muling tumingin sakin.

"He is a member of Animal Welfare Organizations that's why taking care of Animal Rehabilitation Centers is also one of his job" Napatakip ako sa bibig ko para hindi naman ako masyadong mag mukhang tanga sa harapan ni Wise dahil sa sobrang gulat.

"Oh God! Paano niya nagagawa lahat nang trabahong yun?" Naguguluhang tanong ko dito, nag kibit balikat lang siya sakin saka ito sumandal sa sofa. That Man! Mabuti at hindi pa siya nababaliw dahil sa dami nang trabaho niya.

"But my favorite part of his job is being a hack—

"Hey Honey-Babe!" Hindi na natapos ni Wise yung sasabihin niya nang biglang dumating si Art! Speaking of this Man! Sinamaan ko siya nang tingin pero wala itong epekto sa kanya dahil abot tainga ang ngiti nito.

"This is so fucking good! Ang sarap umuwe kapag nandito ka" Inirapan ko lang ito nang umupo siya sa tabi ko, lalayo sana ako pero nakaakbay na siya sakin.

Parang nagulat pa ito nang makita niya si Wise, mas malaki pa kasi yung single sofa kesa dito kaya sure akong hindi mo nga makikita si Wise kapag nandon ka sa harap ng pinto.

"Getting to know each other?" Tanong niya kay Wise, nag kibit balikat lang ito sa kanya saka nito kinuha ang eyeglasses and laptop niyang nakapatong sa table.

"I feel bad for her cause she is so fucking bored" Agad na namilog yung mga mata ko nang mag cussed ito. Lalo siyang nag mukhang si Art, no doubt about it.

"I just thought about it kaya umaga ako nang akyat dito, thanks bro" Art said, tumango nalang si Wise at walang sabi sabing umalis sa harapan namin.

Napatingin ako kay Art na nakaakbay pa din sakin kaya naman parang natauhan ako, siniko ko siya sa dibdib kaya nakawala ako dito. Masyado siyang feeling close, hindi porket sumama ako sa kanya dito ay magagawa na niya akong hawak hawakan.

A PERFECT WORK OF ART (Taste of Love Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon