Chapter 5

85 1 0
                                    

Gelina POV

Today is Monday kaya nandito nanaman ako at papasok sa Veterinary Clinic ni Art. Naka-pahinga naman ako kahapon dahil Sunday at sarado sila kapag ganung araw. Masaya ako kasi magaling na si Brendon, aaminin kong mamimiss ko siya kapag kinuha siya nang amo niya sakin mamaya.

"Hey! I have something to ask" Bati ko kay Sunny nang makapasok ako sa loob, pansin ko ang gulat nito kaya napatawa nalang ako. Nilapag ko si Brendon sa sahig and as I expected nag tatakbo na ito palayo sakin para maglaro sa kung saan.

"You can say Good Morning Sunny first before that question of yours" She said, nag irap ako sa kanya saka ako feel at home na dumeretso sa table kung saan ako naka-assign. Sa loob nang ilang araw na pagwo-work ko dito ay agad din naman akong nasanay.

"Okay fine, Good Morning Sunny" I said, napatawa lang ito habang pinag mamasdan si Brendon na naglalaro ng bola, bigay yan nang amo niya at palagi niya itong nilalaro kahit saan ko man siya isama.

"So? Anong itatanong mo?" She asked, halos sabay kaming umupo sa swivel chair kaya napatawa nalang ako. May kanya-kanya na kaming ganito dahil lang sa naranasan ni Art na umupo sa plastic na bangko.

"Papasok ba si Art bukas? May lakad kasi ako tomorrow and that's important" I said, agad naman siyang napaisip kaya nakatitig lang ako dito.

"Inutusan ka nanaman ba ni tito fred? Anyway hindi ako sure. Hindi naman siya araw-araw nabisita dito dati kaya medyo nagtataka din ako kung bakit palagi na siyang napasok. Hindi kaya—he's interested with someone?" Mapanuksong tanong nito kaya sinamaan ko siya nang tingin.

"Thank you ah! Sobrang nasagot mo yung tanong ko" I said in a sarcasm way kaya ngiting tagumpay nanaman ito. Napabuntong hininga nalang ako habang nag iisip, wala naman sigurong masama na hindi ako pumasok dito bukas dahil magaling naman na si Brendon.

"Mag paalam ka nalang kay Sir Art, papayag yun dahil mahalaga naman yan" She said, alam niya kasing business related itong biglaang lakad ko and personal din niyang kilala ang family ko dahil dito kami sa Bohol nag-aral.

"Oh My! Brendon stop" Nag mamadali akong lumapit kay Brendon nang makita kong halos lunukin na niya yung maliit na bolang laruan niya.

Pasalamat nalang ako dahil hindi siya naging aggressive kahit inagaw ko ito mula sa bibig niya, napatawa pa ako dahil halatang nalungkot ito nang ilayo ko sa kanya yung bola kaya naman agad ko siyang binuhat, hahalikan ko sana ito nang may biglang humapit sa beywang ko.

Pasalamat nalang ako dahil hindi siya naging aggressive kahit inagaw ko ito mula sa bibig niya, napatawa pa ako dahil halatang nalungkot ito nang ilayo ko sa kanya yung bola kaya naman agad ko siyang binuhat, hahalikan ko sana ito nang may biglang...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"You can kiss me instead of Brendon" Art said kaya naman nag mamadali akong lumayo dito at saka ko sa kanya inabot si Brendon. Abot tainga ang ngiti nito na parang ngayon lang niya ito nakita eh halos palagi naman kaming napunta dito. Well dumaan ang Sunday kaya baka namiss niya talaga itong alaga niya.

"Kiss your ass! Magaling na yan kaya pwede na akong tumigil—

"Nope! Stay here as long as i'm here in Bohol" Putol nito sa sasabihin ko at saka ito nag deretso papunta sa table niya kasama si Brendon. Antipatiko talaga! Stay here? Hindi ako magpapaalam bukas kaya bahala kang mag-hanap sakin, yun ay kung hahanapin nga ba niya ako.

A PERFECT WORK OF ART (Taste of Love Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon