4

19 9 0
                                    

Walang bagay rito sa mundo na nakukuha mo ng madali. Kahit ikaw pa ang pinakamayaman ay may isang bagay ko pa ring mahirap kunin dahil kahit anong gawin ay hinding-hindi mo ‘yon mabibili. Kaya kung ano man ang ibinibigay sa ‘yo, kailangan mo ‘yon pahalagahan. Lalo na ‘yong mga taong naging malapit na sa ‘yo.

Napabalik  ako sa kasalukuyan nang mapadaan ako sa harap ng national bookstore. Mayro’n kasing nakakuha ng atensiyon. Nagdadalawang isip din kung papasok ba ako o hindi, nang tingnan ko kasi kung anong oras na ay baka ma-late pa ako sa dinner sa bahay. Kilala ko pa naman si Papa, sa pagiging strikto pagdating sa oras.

Napabuntung hininga ako't sumaglit na muna sa loob. Naalala ko kasing may libro rin pala akong kailangang bilhin. Hindi naman ako magtatagal sa loob. Sana nga mayroon na no'n dito para hindi masayang ang oras ko.

Mangilan-ngilan lang ang nakasalubong ko sa loob habang hinahanap ko ang pakay na libro. Minsan ay napatigil ako kung may nagustuhan ako at tinitignan muna bago tuluyang kunin. Nang makita ang librong gustong bilhin ay kaagad ad ko itong inabot at kinuha. Plano ko na sanang humakbang nang may biglang humawak sa balikat ko, para hilahin ako palayo sa librong mahuhulog sana.

Natigilan naman ako sa gulat, muntikan na akong mahulugan ng libro pero hindi ko man lang napansin. Isinandal niya ako sa isang bookshelves, kaya ro'n ako kumuha ng suporta sa nanghihina kong tuhod.

"Ang careless mo pala, Ms. Cuevas," nang-iinsulto na saad ng taong nagligtas sa 'kin, at walang ibang tumatawag sa 'kin no'n. Maliban sa lalaking hambog na pumunta sa bahay namin.

Nanlilisik na tiningnan ko siya, sino ba siya para insultuhin ako? Hindi p'wedeng hindi ko lang talaga napansin?

"Stalker na pala kita ngayon, Mr . . ." tiningnan ko siya mula ulo hanggang at ibinalik muli sa mukha niya, "pervert."

Napataas ang isang kilay niya sa sinabi ko. Baka nga isang araw hindi na ako magugulat na makasuhan siya dahil sa pagiging pervert niya. Akala mo kung sino, hindi naman ducks.

"At sinong nagsabing stalker mo ako? Ikaw lang ba ang p'wedeng pumunta sa ganitong lugar? At alam naman natin na public place, 'to." Humakbang siya palapit sa akin, "and I'm not pervert, Miss. Sa 'yo lang," sabi niya at kumindat sa akin.

Masama ko naman siyang tiningnan dahil sa ginawa niya. Sasabihin niyang hindi siya pervert pero dahil sa ginagawa niya ngayon ay pinapatunayan niya lang ang sinabi ko.

"Alam mo, sinasayang mo lang ang oras ko." Tinulak ko siya papalayo sa akin at kaagad akong humakbang papunta sa counter para bayaran ang librong kinuha.

"Ang sakit mo naman magsalita! Kahit thank you man lang ay wala!" pahabol niyang sabi, ngunit hindi ko siya pinansin. Pinagtitinginan na rin siya ng ibang taong nando'n dahil sa lakas ng boses niya. Itinaas ko ang gitnang daliri at pinakita ko sa kaniya. Tanging malakas na halakhak lang ang narinig kong sagot niya. May sayad na rin pala ‘ata ang lalaking 'yon.

Tiningnan ko ang relong nasa kamay para malaman kung anong oras pero laking gulat ko, nang makitang pasado alas-sais na ng kagabi. Mabilis akong nagbayad sa counter at umuwi pero kahit anong bilis pa ang gagawin ko ay late pa rin akong naka-uwi.

"You're late, Dexie!" 'Yan kaagad ang sumalubong sa akin ni papa pagkarating ko sa mansiyon. Kapapasok ko palang pero malakas na boses na kaagad ang salubong sa 'kin ni Papa. Tanging pag-ikot na lang ng mata ko ang nagawa.

"Wala ka na ba talagang konsiderasyon sa pamilyang ito! Nandito kanina ang ibang board of members, pero wala ka! Pinahiya mo ang pamilya natin! Ano na lang ang iisipin nila? Na hindi ko kayang kontrolin ang isa kong anak?" Napahawak sa sariling noo si Papa. Para itong tumanda ng ilang taon sa normal niyang edad. At medyo na-guilty ako roon pero sana pinakinggan niya muna ako ang explanation ko bago pagalitan.

Loving This Moment ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon