15

4 0 0
                                    

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. Pilit ko ring pino-proseso sa utak ang sinabi niya sa akin. Ngunit alam ko, na sa bawat tingin na ibinibigay niya, hindi siya nagbibiro at totoo lahat ng sinabi.

Nanghihinang itinulak ko siya papalayo sa akin. Tumalikod ako’t kahit hindi kailangan ay tumikhim ako. Tila hindi ko rin mahanap ang boses ko. Ayaw kong maniwala sa kaniya, baka pinaglalaruan niya lang ako at sa huli ay iwawanan niya rin. Ayoko nang masaktan pa.

“Anong problema?” Hinawakan niya ako sa braso ngunit kaagad akong lumayo.

“W-wala. Walang problema. Uuwi na ako. Tama, uuwi na ako,” ‘di mapakaling sabi ko at lumapit sa kama, nagbabasakaling nando’n ang mga gamit ko. Hinawi ko ang makapal na kumot at unan ngunit wala akong nakita. Tiningnan ko rin ang ilalim no’n ngunit parang tanga lang ako sa pinanggagawa ko, dahil alam ko sa sarili na wala talaga ro’n ang gamit ko. Unti-unting tumulo ang luha ko sa mga mata. Ba’t ba palagi na lang ganito? Ba’t ba palagi na lang akong pinaglalaruan?

“Kapag ba hiniling ko ngayon na mamatay na ako, may malulungkot?” tanong ko, habang patuloy pa rin sa pag-agos ng luha ko. Nakatalikod ako sa kaniya’t huminto na sa paghahanap.

Mahina akong napatawa ng hindi siya sumagot. “Alam kong wala, sana man lang nagpanggap ka na malulungkot ka.” Pinahiran ko ang basa kong pisngi. Lumingon ako’t humakbang papalapit sa kaniya, ngunit natigilan ako nang humakbang din siya papalapit sa akin at mahigpit akong niyakap. Inilagay niya ang baba sa balikat ko.

“Please, kahit ngayong araw lang,” buong suyo niyang sabi sa ‘kin. Napapikit ako’t muli na namang tumulo ang mga luha. Pagdating sa kaniya, wala talaga akong laban. Gano’n karupok ang puso ko, kapag siya na ang nakiki-usap.

Nahihirapan at labag man sa loob ay niyakap ko siya pabalik. Kung ito man ang huling beses na mayakap ko siya at makasama. Then, gagawin ko ang lahat para maging masaya kaming dalawa.

***

“Ba’t kaya lahat ng kontrabida sa movie, palaging bigo sa pag-ibig ang wakas nila o ‘di kaya ay namamatay sila huli? Marami namang nagsasabi na deserve nila ‘yon dahil masama sila,” malungkot kong sabi habang pinapanood ang Romance genre na pinili ko kanina. Hinigpitan ko ang pagkakayap sa kaniya habang nakahiga ako sa kaniyang sofa habang ang ulo ko ay nasa kandungan niya.

“Para sa karamihan, walang karapatan ang mga katulad nila para patawarin o mabuhay sa mundo,” sabi niya’t diretso pa ring nakatingin sa TV. Tumingala ako sa kaniya at ‘di maiwasang malungkot.

Eh, ako, Kaiden? Ano ba ako sa buhay mo? Ako ba ang Antagonist, o Protagonist? Napabuntong hininga ako’t napalayo ng tingin. Halos isang araw na kami rito sa summer house nila pero ang tanging ginawa lang namin ay manood ng movie. Ang planong memorable moment ay ‘di ko man lang naramdaman. Pinagkakait ba talaga sa akin ‘yon?

“Napatahimik ka?” Hinawakan niya ako sa mukha. Maingat niya akong hinawakan do’n bago inilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga.

“Hanggang kailan mo planong ganito tayo, Kaiden?” Umalis ako sa pagkakahiga sa kandungan niya’t umupo na lang sa couch.

“I don’t know. Siguro, mamaya? Bukas? Ewan,” nalilito niyang sabi. Sumandal siya sa couch at inilagay ang dalawang kamay sa mukha bago tumingala.

Napakagat ako ng labi. Malungkot akong ngumiti sa kaniya. Nasaan na ‘yong sinabi niya na magiging masaya kami, kahit ngayong araw lang?

“Siguro tigilan na natin ‘tong kalukuhan na ‘to, parang naglalaro lang tayo sa apoy ba walang kasiguraduhan kung kailan huhupa. Ayoko ng ganito. I deserve more than this.” Tumayo ako sa pagkakaupo at walang lingong tinungo ang pintuan. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Loving This Moment ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon