12

8 2 0
                                    

Chapter 12

"Ba't ba ang tahimik mo, Dexie? Kanina ka pang ganyan. Masama ba pakiramdam mo?" Sabay na napatingin kaming dalawa ni Kaiden kay Lian nang tanungin niya ako. Nakataas din ang isang kilay niya habang nagtatanong sa akin. Habang hawak sa kaliwang kamay ang pagkain na binili.

Pagkatapos nang banda kanina ay inaya niya kaming pumunta rito sa mga nakahelerang nagtitinda ng street food at tulad nga ng sabi niya, kanina pa ako hindi nagsasalita. Ewan ko ba, pagkatapos nang nakita at narinig ko kanina mula kay Kaiden ay nawalan na ako ng gana. Ang excitement at sayang naramdaman ay bigla na lang nawala. Naiinis ako, at hindi ko alam kung para saan itong nararamdaman ko ngayon.

Nagkibit-balikat ako at muling pinagtuunan ng pansin ang sariling pagkain. "Sure ka? O baka naman ayaw mo sa street food?" pamimilit ni Lian.

"Okay lang talaga ako, may iniisip lang," sagot ko habang kumakain pa rin.

"Okay?" Wala nang nagsalita sa amin pagkatapos sabihin 'yon ni Lian. Siguro iniisip talaga nila na may problema ako, pero mayro'n ba talaga? Hindi ko alam.

Pagkatapos naming ubusin ang binili ay nag-aya nang umuwi si Lian, at tulad no'ng nakaraan ay inuna namin siyang hinatid dahil tawag nang tawag ang daddy niya. Wala rin kaming imik habang binabagtas namin ang daan. Tanging sa unahan lang din ang tingin ko, kahit gustong-gusto ko siyang tingnan. Kapag kasi lumingon ako sa kaniya ay hindi ko mapigilang magsalita at baka may masabi akong nakaka-offend. Kahit gusto ko rin siyang tingnan ay nahihiya rin ako. Hays, ba't ko ba, 'to naramdaman?

"Hindi ka ba komportableng kasama ako?"

"Huh?" tanging nasabi ko nang magsalita siya. Bahagyang tumaas ang gilid ng labi niya bago lumingon sa 'kin. "Kanina ka pa wala sa sarili. Kung may problema ka, p'wede mong sabihin sa 'kin." Napayuko ako't hindi mapigilang mapangiti. Ngiting pagkadismaya. Paano ko ba sasabihin sa kaniya ang problema ko, kung siya ang problema ko? Tsk, pagkakataon nga naman.

"Wala akong problema. Siguro kung mayro'n man, tungkol lang 'yon sa bahay o 'di kaya ay school works," nakangiti kong sabi at sinabayan din nang pagkibit-balikat.

"Ang laki na talaga nang pinagbago mo. Nang nakaraan, para kang aso na nangangagat at palaging masungit. Ang taray mo rin, pero tingnan mo ngayon. Kahit papaano ay ngumingiti ka na." Muli siyang tumingin sa akin bago nagsalita, "i'm happy for you . . ."

Pagkatapos niyang sabihin ‘yan sa akin, mas lalo akong napatihimik at mariing nakatingin din sa kaniya. Alam ko sa sariling dahil din sa sinabi niya ay mas lalo akong nahuhulog. Hindi ko akalaing mapapansin niya ang bagay na ‘yon sa akin. Na kung sino pa ‘yong taong kakilala ko lang ay siya pa ang unang nakapansi

***

TULALA at tahimik kong binabagtas ang hallway ng school namin. Monday ngayon at umaga pa lang ay marami ng estudyanteng palakad-lakad. Ang iba pa nga ay napapatingin sa 'kin, marahil ay nagtataka sila kung ba't wala ako sa mood ngayon. Pero wala akong pakialam sa iniisip nila, kahit sa ngayong araw lang ay gusto kong maging totoo sa sarili at gano'n din sa nararamdaman ko.

Kanina pa ako naglalakad at halos nilibot ko na yata ang buong school building pero ang taong hinahanap ko ay hindi ko pa rin nakikita. Napabuntong hininga na lang ako't huminto sa paghakbang bago umupo sa isang bench na nakita ko. Siguro napaka-aga nga talaga ako ngayon at wala pa si Kaiden. Ang alam ko kasi palagi siyang maaga kung pumunta sa school pero nagtataka ako ba't ngayon ay wala pa rin siya. Kailangan ko siyang makausap ngayon at sabihin na 'tong lintik na nararamdaman ko o maghihintay na naman ako bago ulit magkaroon ng lakas ng loob para sabihin kay Kaiden ang nararamdaman niya.

Loving This Moment ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon