7

15 5 0
                                    

"Here." Napaangat ako ng tingin nang marinig kong may nagsalita sa gilid ko. Napasunod naman ang ulo ko ng walang paalam siyang umupo sa aking tabi. Lumingon siya sa akin at ngumiti na parang close kami. As if naman.

"'Wag kang tumingin nang ganyan sa 'kin, baka 'di hindi mo alam, nahulog ka na pala sa akin nang ‘di mo namamalayan. Sige ka," mayabang niyang saad. Tinarayan ko naman siya't 'di na pinansin. Hindi ko pa rin siya pinapatawad sa mga ginawa niya, kaya 'wag siyang feeling close.

"Layuan mo ako, Kaiden. Baka mahampas kita," banta ko pa sa kaniya. Napatawa naman siya ng mahina na parang isang joke ang sinabi ko.

"Mawala na lahat-lahat pero ang taas pa rin ng pride mo. P’wedeng pakibabaan ng kaunti?" Napayuko naman ako't tipid na ngumiti. Mataas ba talaga ang pride ko? Gano'n ba talaga ang nangyayari sa mga taong marami nang pinagdadaanan? Pride na nga lang ang natitira sa akin tapos aalisin ko pa?

Hindi naman ako ganito noon. Alam ko sa sarili na walang halaga sa 'kin ang salitang pride na 'yan. Kasi hangga't na sa tabi ko si Mommy, walang makapanakit sa 'kin pero simula no'ng mawala siya. Natutunan ko kung paano ipagtanggol ang sarili, natutunan kong maging mataas sa lahat. Kasi kung hindi ko 'yon gagawin. Paano na lang ako? Ano na lang ang maiiwan sa 'kin?

"Pride? Gusto mong alisin 'yon sa 'kin?" Umangat ako nangg tingin bago nagsalita, "'yon na lang ang natitira sa 'kin. Tapos sabihin mo ngayon na alisin ko 'yon? Paano naman ako? Paano ko ipagtanggol ang sarili ko? Lahat sila iniwan na ako. Ayaw nila sa akin. Tanging si Lian na lang pero alam ko na balang araw ay magsasawa rin siya sa akin." Napatingala ako nang kusang tumulo ang mga luha ko sa mata. Napakahina ko talaga, na kahit ilang beses ko nag binuo ang sarili ko, pero 'di ko pa rin maalis ang katotohanan na mahina ako.

"Alam mo bang wala na rin akong Mama?" Natigilan ako sa sinabi niya't nagtatakang napatingin sa gawi niya. Magsasalita na sana ako para tanungin siya nang naunahan niya ako.

"Siguro iniisip mo ngayon na baka gumagawa lang ako ng kuwento para kaawaan mo rin ako, pero hindi, e. Ba't naman ako magbibiro ng gano'n? Mahal ko ang mama ko, deserve niyang i-respeto." Malungkot siyang ngumiti at lumingon sa 'kin. Nagsalubong ang mga mata namin, kitang-kita ko kung paano kumislap ang mata niya dahil sa namumuong luha ro'n.

"No'ng una, hindi ko rin matanggap na wala na siya. Napakabata ko pa para iwan niya ako, kailangan ko pa ang aruga ng isang ina. Pero naisip ko . . . na baka may plano ang diyos kaya ginawa niya 'yon. Na baka, time na talaga ni Mama na kunin siya, kaya nangyari 'yon." Malalim siyang napabuntunghininga na parang ang hirap i-kuwento ang mga nangyari no'n.

"Nang nasa tamang edad na ako, ro'n ko naiisip lahat ng 'yon. Naging rebelde man ako no'n kay Papa, pero lahat ay inalis ko, nagbago at ginawa ang lahat para makatulong sa kaniya. Siya na lang ang natitira sa 'kin, kaya dapat ko siyang pahalagahan at mahalin." Tipid siyang ngumiti sa akin at huminga nang malalim.

Habang nagku-kuwento siya ngayon sa akin, pakiramdam ko ibang Kaiden ang nakikita ko. Siya 'yong anak na mapagmahal sa Magulang, anak na gagawin ang lahat para sa magulang, at anak na kayang gawin ang lahat para sa kapakanan ng taong minamahal niya. At sana mayroon akong gano'n, kayang magpatawad para sa iba, kayang mahalin ang sarili habang minamahal din ng iba, kasi kung pagbabasehan ang ugali ko ngayon. Alam ko sa sarili na sumusobra na nga ako, pero . . . ayoko nang bumalik sa dating ako. 'Yong mahinang Dexie, na nilalait ng iba, inaapi, at kinakawawa. Ayoko nang maranasan muli ang gano'n. Ayoko nang hayaan na saktan ulit ako ng iba.

"Hindi ako kagaya mo, Kaiden. Hindi pareho ang pinagdaanan natin. Kung sa 'yo napakadali lang lahat ng 'yon pero ibahin mo ako. Nang mga panahong ‘yon wala akong ibang masasandalan, walang gustong umunawa sa mga pinagdadaanan ko. Ayaw nilang lahat sa 'kin." Pinahiran ko ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko't mapait na tumawa.

Loving This Moment ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon