11

10 1 0
                                    

Huminto ang sasakyan ni Kaiden sa harap ng bahay namin. Pasado alas otso na ng gabi nang tuluyan na kaming nakauwi. Gusto niya man na do'n na magpalipas ng gabi ngunit hindi ako sumang-ayon sa kaniya. Kaya kahit gabi na'y pinilit ko pa rin siyang ihatid ako. Alam kong hindi 'yon magandang gawin pero ayoko lang na baka abutan ako ni papa na wala sa bahay. Siguradong gulo na naman kasi kapag nagkataon.

Kaagad akong lumabas ng kotse at maging gano'n din siya. Humarap ako sa kaniya't sinserong nginitian siya bago nagsalita, "thank you sa paghatid. Kahit late na pero hinatid mo pa rin ako." Napailing siya sa akin dahil sa sinabi ko.

"'Wag mong sabihin 'yan. Ako ang nag-aya sa 'yo kaya dapat lang na iuwi kita." Napatango naman ako, ngunit sabay kaming napalingon sa gate nang bumukas 'yon at lumabas si Naomi na nakasuot ng pantulog niya, nakasimangot din ang mukha nito. Nagtaka naman ako dahil nandito siya, ibig sabihin din no'n ay nandito na si papa? Humakbang papalapit sa amin si Naomi, una niya akong pinasadahan ng tingin at alam ko kung anong klaseng tingin ang ibinigay niya sa ‘kin bago lumingon kay Kaiden. Tsk, wala naman akong pakialam kung anong iisipin niya.

"Hindi ko alam na lumabas pala kayo ni Ate Dexie," sabi niya habang nakatigin pa rin kay Kaiden at pinagdiinan ang pangalan ko. Napataas naman ang sulok ng labi ko sa inasta niya. Halata kasing naiinggit siya sa akin, p’wes mainggit ka.

"N—"

"Yes, of course. At alam mo ba kung saan kami pumunta? Dinala niya lang naman ako sa Italian Restaurant at do'n kami nag-dinner. Nag-shopping din kami sa paborito mong boutique," sabi ko sa kaniya bago pa ituloy ni Kaiden ang sasabihin. Nagtataka namang napatingin si Kaiden sa akin at tila nagtatanong. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nilingon si Naomi na hindi na maipinta ang mukha. Alam ko kasing matagal niya ng gustong pumunta sa lugar na binanggit ko pero hindi siya makapunta dahil wala siyang pera. Hindi niya naman kasi basta-bastang makahingi ng pera kay papa, para lang sa luho niya.

"‘Di ba, Kaiden?" pangungumbinsi ko pa kay Kaiden.

"H-huh? O-oo," nauutal niyang at sinabayan pa nang pagtango.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Naomi sa nalaman. Inis niyang pinadyak ang paa at walang pasabing pumasok ng bahay. Sumilay naman ang ngiti sa labi ko, habang tinatanaw ang papalayong pigura ni Naomi, hanggang tuluyan siyang mawala sa paningin ko. Maiinggit ka, girl.

"Gusto mo talagang inisin siya, 'no?" Muli akong napatingin kay Kaiden at tinarayan siya.

"None of your business," sabi ko sa kaniya, at walang paalam na pumasok na rin ng bahay. Kaya niya nang umuwi, malaki na siya.

Pagkapasok ko ng bahay ay tumungo na ako sa hagdan para sana aakyat na papunta sa k'warto ko nang makita ko si Naomi na nakaabang na ro'n. Bakas pa rin ang inis sa buong mukha niya, at masamang tingin ang ipinukol sa ‘kin. Kahit sinong makakita rito ay siguradong pagtatawanan siya. Ang Naomi na kinaiinggitan din ng ibang estudyante ay panget din pala? Pft . . .

"Ba't ka nakangiti!" sigaw niya sa akin, mabuti na lang talaga ay walang katulong sa paligid namin at marinig siyang parang kambing kung sumigaw

"What? Anong masama kung nakangiti ako?" inosente kong tanong sa kaniya. Mas lalo naman siyang nainis sa inasta ko.

"'Wag kang umasta na parang inosente, Dexie! Hindi bagay sa 'yo!" Napatakip ako ng bibig at umaastang nagulat.

"Kanino mo ba sinasabi 'yan? Sa akin ba? My gosh, Naomi. Tanungin mo muna 'yan sa sarili mo, bago mo ibato sa 'kin, ha? Lumalakas kasi ang amoy ng mga taong nagpapanggap na inosente rito sa bahay. Nako, magtakip ka ng ilong baka 'di mo makaya ang amoy," maarte kong sabi sa kaniya at nilagay ang kamay sa ilong na tila may masamang amoy sa paligid bago ako humakbang at nilagpasan siya. Napatahimik naman siya at 'di maproseso sa isip kung sino sinasabihan ko no'n. Slow nga naman, 'di kaagad na-gets.

Loving This Moment ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon