9

12 2 0
                                    

Tatlong araw na rin ang lumipas simula no'ng hinalikan ko sa pisngi si Kaiden, at hangga't maari ay iniiwasan ko siya. Mabuti na lang at magkaiba kami ng department na dalawa, sa bahay naman kapag pinapapunta siya ni papa ay nagkukulong ako sa k'warto. Hindi ko alam kung sobrang close lang ba talaga ang pamilya namin sa pamilya ni Kaiden, kung titingnan kasi ay parang gusto nang patirahin ni Papa sa bahay si Kaiden.

Napatigil lang ako sa paggawa ng project ko, nang tumunog ang cellphone. Dinampot ko ito at nakitang si Lian ang tumatawag. Sinagot ko ito at inilagay sa tainga.

"Napatawag ka?" tanong ko sa kaniya, inipit ko sa balikat at tainga ko ang cellphone bago pinagpatuloy ang ginagawa.

"Bar tayo, Dexie! Out of town ngayon sina Mom at Dad, kaya malaya akong maglakwatsa!" excited niyang sabi at mahinang bumungisngis. Napaikot ko naman ang dalawa kong mata dahil sa sinabi niya. Wala talagang katanda-tanda ang babaeng 'to.

"At paano naman kung malaman nila? Hindi mo ba naisip na kahit saan ay may mata ang Daddy mo?" tamad kong sabi sa kaniya. Napatahimik naman siya sa kabilang linya.

"Meron akong naisip na idea!" Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko nang bigla siyang sumigaw.

"Huminahon ka nga, Lian! Ano ba kasi 'yang naisip mong idea?" tanong ko na may inis sa boses.

"Magpapaalam ako kay Daddy!" Hindi ko maiwasang muling tarayan siya kahit hindi niya ako nakikita. Hindi ba siya nag-iisip? Siya papayagan ng Daddy niya? Imposible.

"Well, goodluck na lang sa 'yo." Pinatay ko na ang tawag at muling pinagpatuloy ang ginagawa. Goodluck na lang talaga siya kung papayagan nga siya.

***

Nakasimangot kong sinalubong si Lian sa labas ng bahay namin habang inaayos ang nagugulo kong buhok dahil sa pagmamadali. Kanina pa kasi naghihintay si Lian sa labas ng bahay at akalain mo 'yon, pinayagan siya ng Daddy niyang mag-bar? Ano kayang mga reason ang sinabi niya? Nagulat na lang ako kanina nang sabihin sa akin ng isang kasambahay na hinihintay niya sa labas ng bahay namin. Mabuti na lang talaga dahil wala rito ngayon si Papa kun'di ay mahaba-habang sagutan na naman ito sa pagitan namin.

"Para kang nakakita ng cute, Dexie!" sabi ng kaibigan niya't tumawa nang malakas. Mas lalo naman akong napasimangot at tinarayan siya. Kapal talaga ng face ng babaeng 'to.

"Buti nga pinayagan ka na lumabas. Duda nga lang ako kung ba't ka pinayagan," maldita kong saad sa kaniya, at tamad na huminto sa harap niya. Ngumiti naman siya sa akin, nagkibit-balikat lang.

"Parang hindi mo naman ako kilala, Dexie. Tamang diskarte lang, at isa pa, may alas ako. Tara na!" Hinatak niya ako sa kamay at hinila papunta sa van na nakaparada. Napabuntonghininga na lang ako't hinayaan siya.

Binuksan niya ang pinto ng van at sabay kaming pumasok. Isang upuan din ang pagitan ang inuupuan namin bago ang kinauupuan ng driver. Malapit sa bintana ang inuupuan ni Lian at tumabi naman ako rito. Hanggang ngayon kasi ay hawak niya pa rin ang kamay ko.

"Okay, ready na tayo! Bar, papunta na kami! Hoy, Kaiden! Paandarin mo na bilis!" sigaw ni Lian na may ngiti sa labi.

Napanganga naman ako ng banggitin ni Lian ang pangalan ni Kaiden. At hindi nga ako nagkakamali, dahil nang tingnan ko kung sino ang nagda-drive ay nakita ko ito sa harap. Seryoso lang ang anyo nito at nakatingin sa salamin habang diretsong nakatingin sa 'kin. Walang mabasa na kahit anong reaksyon do'n pero hindi ako nagpatinag. Sinalubong ko rin ang tingin niya't tinaasan siya ng isang kilay.

"Hays! Kaiden! Narinig mo ba ako! Let's go!" sigaw ni Lian. Naikuyom nito ang kamay sa manibela at kinuha na ang tingin sa akin. Mabigat din siyang huminga bago pinaandar ang kotse.

Loving This Moment ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon