18

41 16 0
                                    

Isang linggo na simula nang ihatid namin sa huling hantungan si Papa. Masakit man para sa akin mawalan ng isang taong mahal ko, pero wala na akong magagawa ro’n.

An tanging magagawa ko na lang ay tanggapin lahat ng ‘to at magsimula ulit ng ako lang. Walang ibang iniisip kun’di ang magiging kinabukasan ko.

For now, ang bumubuhay sa akin ay minana ko kay Mom, dahil halos walang matira sa pera ni Papa dahil sa ginawa niya. Wala na rin akong balita kay Vanessa at anak niya. Mabuti na rin ‘yon ng matahimik na ko.

“Dexie, tama na ‘yan.” Hinablot ni Lian ang wine glass ko at inilayo sa akin ‘yon.

“Pabayaan mo na ako, Lian. I need to celebrate. Kasi sa wakas, wala ng mga panira sa buhay. Maging masaya ka dapat sa akin, My Friend,” sabi ko sa kaniya. Nakaramdam ako ng kaunting hilo.

“Oo nga, pero lasing ka na.”

“No! ‘Di ako lasing!” sigaw ko. Tumayo rin ako.

“Hays, umupo ka nga. Ako ang nahihilo sa ‘yo,” she said at inalalayan ako sa pag-upo. ‘Di na ako nagreklamo.

“Ano ba kasing iniisip mo?”

Natigilan ako sa tanong niya’t bumalik sa katinuan. Ano nga bang iniisip ko? Kahit gising ako o tulog hinding-hindi ko maisip ang lalaking pilit ko ng kinakalimutan. Gusto ko siyang alisin sa utak ko, kaya palagi akong naglalasing. Everytime na maisip ko siya hindi ko mapigilan ang sarili na umiiyak. Si Kaiden ang unang lalaking minahal ko, kaya hirap na hirap akong kalimutan siya.

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Tumayo muli ako sa high stool dito sa bar area ng bahay nila Lian at humakbang palabas. Narinig ko namang tinawag niya ako pero nagbingi-bingihan lang ako. Mali yatang dito ako uminom sa bahay nila.

Pinara ko ang unang taxi na dumaan at parang may nagtulak sa aking pumunta sa bahay nina Kaiden kaya ‘yon ang nasabi ko ng tanungin ako ng taxi driver. Kahit ngayon lang, I want to see him.

***

Makulimlim, malakas ang hangin at nagbabadyang ulan ang paparating, pero imbes na umalis ako ngayon sa kinatatayuan ko para humanap nang masisilungan ay 'di ko ginawa.

Mula rito ay tanaw ko ang bawat galaw nila. Ang bawat ngiting hindi mawala-wala sa labi at tawanan na puno ng saya at pagmamahal para sa isa't isa. Habang ako, nandito sa malayo. Nakamasid lang at nasasaktan. Hindi ko akalain na ganito ang aabutan kong eksena sa labas ng bahay nila Kaiden pagkarating ko

Napakatanga ko. Alam ko naman na may iba siyang hinihintay pero pinilit ko pa rin ang sarili sa kaniya. Kaya tingnan mo ngayon, ako lang din naman ang nasasaktan.

Ikakasal na sila, Dexie, ba’t ba hindi mo matanggap ‘yon?

Pinunasan ko ang luhang tumulo. Ba't ba ang unfair ng mundo sa 'kin? Lahat na lang ng importanteng tao sa 'kin ay iniiwan ako? Kailangan ko pa ba talagang manlimos nang atensiyon nila, para lang mapansin ako? Ba't nangyayari lahat ng 'to sa 'kin? Bakit?

Unti-unti at dahan-dahang pumatak ang ulan. Kasabay no'n ay ang pagbagsak nang sunod-sunod ang mga luha ko. Sinasabayan niya ako, nakikisimpatiya rin sa dinaramdam kong lungkot ngayon. Sa ganoong paraan ay naramdaman kong may karamay ako. 'Di man nakikita pero nararamdaman ko.

Loving This Moment ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon