16

7 0 0
                                    

Tulad ng isang pelikula, lahat ay may katapusan. Kagaya ng namagitan sa amin ni Kaiden, natatapos kahit hindi gusto ko pang ituloy.

Ilang minuto na simula nang tumigil ang sasakyan niya sa labas ng bahay namin. Nagdadalawang-isip ako kung lalabas na ba ako o hindi. Dahil sigurado, ‘pag lumabas na ako ay matatapos na rin itong namagitan sa amin. Mayro’n nga ba?

“Lalabas na ako,” sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa unahan ng kotse. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya’t binuksan ang pintuan ng passenger seat.

“Sandali.” Napatigil ako nang hawakan niya ako sa braso. “Hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng ‘yon.” Malungkot akong napangiti.

Ako rin, Kaiden. Hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng ‘yon. Gustong-gusto ko ring sasabihin ‘yon sa kaniya pero pinigilan ko ang sarili at tuluyan nang lumabas ng kotse. Maingat kong isinara ang pintuan at walang paalam kong iniwan siya ro’n.

Napakagat ako ng sariling labi at pinigilang lumabas ang mahihinang hikbi sa labi ko. Parang statue na nakatayo lang do’n sa gitna ng sala namin. Hindi makagalaw at pinipilit na huminahon, may mga luha ring parang presong nakatakas sa mga mata ko.

Nang sa tingin ko ay hindi na ako iiyak ay pinahiran ko ang luhang nakawala. Ilang ulit napabuga ng hangin bago tumungo sa opisina ni papa, pero natigilan ako sa paghakbang nang makita ko si Vanessa na nakatayo sa kalayuan. Umiiyak din siya at makalat ang make-up niya sa mata. Sa hindi malamang dahilan ay biglang umusbong ang kaba sa dibdib ko na kahit noon ay hindi ko pa naramdaman.

“A-anong nangyari, Vanessa?” kinakabahang tanong ko sa kaniya.

Hindi siya kumibo at mas lalo pang nilakasan ang pag-iyak. Hindi naman ako mapakali. Mabilis akong humakbang papalapit sa kaniya at inis na inalog ang balikat.

“Sagutin mo ako! Anong nangyari? Ba’t ka umiiyak!” Natigilan siya’t umangat ng tingin para magtama ang mga mata namin.

“M-may tumawag sa ‘kin, ngayon lang. Ang sabi, na sa hospital ang p-papa, mo!” Umiiyak niyang balita sa akin.

Napahakbang ako paatras ng ilang beses at nang maramdaman ang pader sa likod ko ay nanghihina akong napasandal do’n. Ang luha ko ring pinigilan kanina ay malaya na ngayon nakawala at tuloy-tuloy na umagos sa pisngi ko.

“Saang hospital siya dinala?” nakatulalang tanong ko sa kaniya.

“Na sa malapit na hospital mula rito,” mabilis niya namang sagot sa akin.

Wala akong sinayang na pagkakataon. Mabilis akong tumayo ng maayos at tinungo ang main door.

“Sandali, Dexie! Hintayin mo ako!” sigaw niya sa akin. Ngunit hindi ko siya pinansin at hinayaan lang siyang sumunod sa akin.

***

Ang unfair ng buhay. Kung kailan nasasaktan ka, ro’n din babagsak lahat ng hinanakit para mas lalo kang masaktan.

“Kumusta na po si Papa, Doc?” ‘Yon kaagad ang una kong tanong sa Doctor nang lumabas ito sa Emergency room.

Matamlay nitong kinuha ang disposable gloves sa kamay bago siya diretsong tumingin sa akin. Napabuntonghininga siya ng ilang beses. Parang gusto ko naman siyang sigawan dahil ang tagal niyang magsalita pero pinigilan ko ang sarili dahil naintindihan ko namang napagod siya sa ilang oras na nasa loob ng Emergency room.

“Maayos lang ba ang kalagayan ng asawa ko, Doctor?” humikbing tanong ni Vanessa. Nakaalalay rin dito si Naomi, dahil kanina pa ito nahihimatay.

“Nasa maayos nang kalagayan sa ngayon si Mr. Cuevas, pero—”

Loving This Moment ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon