6

10 4 2
                                    

"Ba't bigla ka na lang umalis kahapon? Sayang 'yong niluto ni Manang na paborito mo." Napatigil ako sa pagtakbo nang magsalita si Lian. Hindi ko man lang naalala na kasama ko pala siya ngayon habang nagjo-jogging dito sa village namin dahil sa lalim ng iniisip ko.

Ba't nga ba? Pagkatapos kong makita si Kaiden kahapon sa bahay nila ay bigla na lang akong umalis nang walang paalam. Hindi man magandang tingnan ang ginawa ko pero hindi ko alam ang gagawin ng mga oras na 'yon. Nakakagulat at nakakapagtaka naman kasi na nando'n si Kaiden.

"Matanong nga kita. May tinatago ka ba sa akin? Like, secret boyfriend?" Napatawa naman siya ng malakas dahil sa tanong ko. Hindi ko alam kung magagalit ba ako dahil sa pagtawa niya bigla o maiinis.

"Seryoso? Secret boyfriend! Nagbibiro ka ba, Dexie?" hindi makapaniwalang tanong niya nang tumigil siya sa pagtawa. Napataas ang isang kilay ko at bored siyang tiningnan. "Okay sabi mo nga seryoso ka, ikaw naman hindi mabiro." Tumikhim siya at tipid na ngumiti.

"Ang totoo niyan, may nagugustuhan ako. He's my childhood friend, at lumipat na sila sa state. Siguro seven years na rin kaming halos hindi nagkita pero no'ng nakaraang buwan lang ay umuwi sila ng pamilya niya rito. Pero okay na lang na hindi mo siya nakilala dahil ang pervert niya na. Tsk," naiinis niyang sabi. Hindi ko naman pinansin ang nagtatampo niyang tono at inisip ang mga sinabi niya.

Sinong tinutukoy niyang kaibigan? Si Kaiden ba? Ang ibig sabihin pala ay magkaibigan sila no'n pa? Kaya pala nando'n ito kahapon sa bahay ni Lian. Alam din kaya niya na pareho kaming school na pinapasukan ni Kaiden? Pero ano naman ang pakialam ko, kung alam niya o hindi? Kasalanan na nila 'yon.

"By the way, mauuna na 'ko. Kailangan ko pang mag-aral dahil malapit na exam namin. Alam mo na nagbabagong buhay na ako, mahirap na at bigla mo na lang akong pagalitan," paalam niya sa akin bago tumakbo papalayo. Kung alam niya lang siguro ang pinanggagawa ng kaibigan niya'y siguradong magbabago ang pananaw niya sa lalaking walang modo na 'yon.

Napailing na lang ako’t humakbang ngunit napatigil ako nang bumungad sa akin si Kaiden.

"Hulaan ko, ako na naman ang iniisip mo, 'no? Siguradong nilalait mo na ako sa mga oras na, 'to." Napataas ang isang kilay ko nang harapin ang lalaking nagsalita. Boses pa lang niya'y nagbibigay na ng irita sa akin.

"Excuse me? Gan’yan ka na ba ka feelingero para sabihin 'yan? 'Wag kang assuming, 'di ka gold," pambabara ko sa kaniya. Napa-smirk na lang ako ng mawala ang ngisi niya sa labi. Tinarayan ko muna siya bago tinalikuran para muling ipagpatuloy ang pag-jogging ko. 'Di siya gold para paglaanan ko ng oras.

"Ang sungit mo naman, Thinker bell! Siguro iniwan ka ni Peter pan dahil kay Wendy, 'no?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya at patuloy lang sa pagtakbo. Namalayan ko na lang na sumabay rin siya sa akin.

"Siguro pinaglihi ka nga sa sama ng loob no'ng pinagbubuntis ka ng mama, mo. Palaging nakasalubong ang dalawa mong kilay, e," pang-aasar niyang sabi na siyang nagpatigil sa akin sa pagtakbo. Padabog ko siyang tiningnan at masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya.

"Wala ka bang magawa sa buhay at ako ang pinagtitripan mo! Kung nandito ka lang para insultuhin ako at si mommy, please lubayan mo na ako! Wala akong ginawang masama sa 'yo, o ano pa man. Kung mayro’n man, sige sorry! Oh, ano? Masaya ka na?" Parang gusto mag-unahan sa pagbagsak ang luha ko dahil sa sobrang inis sa lalaking, 'to ngunit pinigilan ko. Sumusobra na kasi siya, ang insensitive para hindi maramdaman kung nakakasakit na ba siya sa mga pinagsasabi niya.

Bago pa tumulo ang luha ko'y kaagad akong tumalikod sa kaniya, pero mabilis siyang kumilos at hinawakan ako sa braso. Sapilitan din niya akong pinaharap sa kaniya, yumuko naman ako para hindi niya makita ang namumula kong mata.

Loving This Moment ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon