17

4 0 0
                                    

“Sinabi kanina sa akin ni daddy, na pumunta ka raw sa office niya. And about kay Tito, kumusta na siya?” Lian gently asked me.

Nakayakap siya sa akin habang hinahagod ang likuran ko. Sa rami ng iniisip ko kanina hindi ko na alam kung kanino pa ako pupunta. Hindi ko na kasi alam kung paano dadalhin ang bigat na dinadala ko dito sa puso. Parang ano mang oras ay p’wede na ako ma-breakdown.

Akala ko ay ipagtutulakan ako ni Lian ng makita nila ako sa harap ng pintuan nila, pero nagkakamali ako. Walang tanong niya akong pinapasok sa bahay nila. Tahimik lang din siya at inasikaso ako na parang hindi kami nag-away. I feel guilty sa ginawa ko.

“Okay na si papa, pero kailangan niya pa ring mag-stay sa hospital.” Tumango siya at lumapit sa kama para umupo sa tabi ko. Nandito ako ngayon sa guest room. Dito na muna ako sa kanila kahit ngayong gabi lang.

“Nagkausap na ba kayo? Nalaman mo ba ang reason ba’t siya inatake sa puso?” Napailing ako’t malalim na napa-isip. Ang totoo niyan hindi ko pa talaga alam kung gising na si papa. At kung gising man siya, siguradong walang matinong pag-uusap ang mangyayari sa pagitan naming dalawa. Gusto ko man siyang tanungin pero natatakot ako sa p’wede kong malaman. Mas mabuti sigurong ako na mismo ang hahanap ng kasagutan sa mga tanong niya.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko, Lian. I feel lost again. Nagkasabay-sabay na lahat, paano ako maka-survive sa pagkakataon na, ‘to?” nahihirapan tanong ko sa kaniya. Tulala rin siyang nakatingin lang sa dingding ng k’warto.

Narinig kong napabuntong hininga siya at mas lumapit sa gilid ko bago ako niyakap. “Don’t say that, Dexie. Nandito pa ako, hindi ko man mabawasan ang dinaramdam mo ngayon ‘wag kang mag-alala dahil nandito lang ako palagi, at p’wede ka naman magsabi sa akin kahit minsan ay nagtatampo na ako sa ‘yo dahil hindi ka na nagku-kuwento sa akin. And I’m still your friend at walang magbabago ro’n.” Lumingon ako sa kaniya. Mas lalo tuloy nadagdagan ang guilty ko.

“Malalim ang hinala ko na may kinalaman si Naomi at ang step mom ko sa nangyari kay papa,” k’wento ko sa kaniya. Ilang taon ko na rin naging kaibigan si Lian. Kaya ba’t ako magda-dalawang isip na i-kuwento sa kaniya? Isa pa, baka makatulong din siya sa akin.

Naramdaman kong mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. “Kung napipilitan kalang na mag-kuwento sa akin, Dexie. Please, stop it,” malungkot niyang sabi sa akin. Kaagad naman akong lumingon sa kaniya’t ilang beses na umiling.

“Of course not!” Hinawakan ko siya sa mukha. “Kilala mo ako, Lian. Kahit kailan hindi ako gagawa ng isang bagay kong labag sa loob ko, maliban na lang kung kina-kailangan. Pero kaibigan kita, hindi pa ba ‘yan rason para pagkatiwalan kita?” tanong niya rito. Nahihiyang napayuko siya ng hindi niya alam ang isasagot.

I tapped her shoulder at ngumiti kahit hindi niya ako nakikita.

“Naging mabuti kang kaibigan sa akin, kahit na may ilang beses tayong nag-away. Nandito ka pa rin, maluwang akong tinatanggap bilang kaibigan mo. At sobra akong nagpapasalamat dahil may isang tulad mo sa buhay ko.” Umangat siya ng tingin. Nakasimangot siya’t masamang tumingin sa akin na ipinagtaka ko.

“Pasalamat ka talaga at naging kaibigan mo ako, kakaiba kaya ako sa lahat,” mataray niyang sabi. Napangiti naman ako. Kahit sa gitna na kami ng dramahan hindi pa rin mawala ang pagiging maldita niya.

“Yes po. Tsk. . .”

“Good,” sabi niya’t sabay kaming natawang dalawa.

***

“Nabalitaan mo na ba ang gaganaping engagement party nina Kaiden at Leslie next week?” Napatigil ako sa pagsubo ng sandwich sa biglang pagsalita ni Lian. Nandito kami ngayon sa dining area at nagb-breakfast. Umiling ako’t itinutok na ang atensiyon sa kinakain. Hangga’t maaari rin ay ayaw kong pag-usapan na tungkol kay Kaiden, lalo na sa papalapit nitong engagement.

Loving This Moment ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon