10

15 1 0
                                    

"Magandang umaga, Iha," bati sa akin ni Manang Lyda pagkapasok ko sa kitchen. Naghahanda siya ng breakfast habang ang ibang kasama niya ay naglilinis. Lumapit ako sa isang upuan na may nakahandang plato. Mag-uumpisa na sana ako sa pagkuha ng pagkain ng may napansin ako.

"Hindi pa rin ba nakauwi si papa?" tanong ko kay Manang Lyda. Napatigil naman siya at tiningnan ako.

"Tumawag ang papa mo kaninang umaga, baka made-delay ang pag-uwi nila." Napatango ako sa sinabi niya't itinuloy na ang pagkain.

After I ate I went back to the room. There are no classes today so I will probably hang out in the room all day. At isa pa medyo nahihilo pa rin ako dahil sa hangover. Inabala ko na lang ang sarili sa pagbabasa ng story hanggang sa mag-tanghali. Naisipan kong bumaba at do'n na lang kakain.

Papunta na ako sa sala namin nang makasalubong ko ang isa sa mga kasambahay. Huminto siya sa harap ko't bahagyang ngumiti. Napataas naman ang isang kilay ko. I thought she was going to leave in front of me after she did that but she just stayed there. Napatikhim siya bago nagsalita, "miss Dexie, may bisita po kayo. Nasa sala po siya."

"Sino?" tanong ko na may pagtataka sa tono. Sa pagkaalala ko ay wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Hindi naman p'wedeng si Lian dahil siguradong nakahiga pa 'yon sa kama niya hanggang ngayon.

"Hindi ko po natanong ang pangalan, e. Pero nang nakaraan po palagi siyang nandito, kasama ang papa mo po." Hindi ko na kailangan pang alalahanin kung sino ang tinutukoy niya. Wala namang iba pang pabalik-balik dito maliban kay Kaiden, pero anong ginagawa niya rito?

"Thank you, p'wede ka nang umalis," sabi ko sa kaniya at humakbang papunta sa sala namin. Hindi ko mapangalanan kung anong nararamdaman ko ngayon. Ang nais lang ay makita si Kaiden ulit.

Hindi na ako nagulat nang makita ko siyang nakaupo sa sala namin. Prenteng nakaupo habang naka-cross ang dalawang tuhod na parang siya ang nagmamay-ari ng bahay namin. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya, at nang makita niya akong papalapit sa kaniya ay kaagad siyang tumayo. Napatikhim naman ako, dahil pakiramdam ko'y may bumara sa lalamunan ko.

"Kanina ka pa?" malumanay kong tanong. Shit, Dexie. Kailan ka pa naging malumanay sa pagsasalita? Hindi na talaga ikaw 'yan, mag-focus ka nga!

"Kararating ko lang. Ang akala ko nandito si Mr. Cuevas, siya kasi ang sadya ko pero wala pala siya rito," sagot niya sa akin.

Tumango ako at tipid na ngumiti sa kaniya. Ilang minuto ring walang nagsasalita sa aming dalawa, pinapakiramdaman kung sino ang babasag ng katahimikan. Tumikhim siya't humakbang papalapit sa 'kin. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko, tila nilagyan ng sili ang p'wet dahil hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko ngayon. Napasunod na lang ako sa bawat galaw niya, huminto lang siya nang tuluyan na siyang nasa harap ko. Kailangan ko pang tumingala dahil mas mataas siya sa 'kin.

"Total wala rito ang papa mo, p'wede ba tayong lumabas?" tanong niya na may pag-aalinlangan sa sarili. Napakunot naman ang noo ko sa alok niya. Tinatanong niya ba ako ng date? Pero ang assumera ko naman, baka wala lang siyang magawa kaya inaya ako.

"Kung bored ka lang sa buhay, p'wede mong ayain si Lian. Busy ako, kaya 'wag mo akong guluhin," sabi ko sa kaniya, bago tumalikod at humakbang pabalik sa k'wart ko, pero natigilan ako ng biglang may humawak sa kamay ko. Nagtataka akong napalingon kay Kaiden.

"Hindi naman 'yon ang reason ko." Bahagya siyang ngumiti sa akin bago ulit nagsalita, "gusto talaga kitang yayain lumabas at hindi dahil gusto kong makausap si tito."

Napamaang naman ako, hindi ko akalain na aayain niya akong lumabas tapos ngayon sasabihin niyang ako ang dahil ba't siya nandito? Buset! Ang bilis ng tibok ng puso ko, parang aakalain kong sumasali ito sa karera.

"Sigurado ka?" paniniguro ko, at ipinikit ang mata bago binuksan ulit. Gusto ko siguraduhing nasa harap ko siya ngayon at totoo. Ngunit nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin pagkamulat ko ng mata.

"Ang cute mo nang ginawa mo 'yon. Tayo na nga," sabi niya at hinila ako sa kamay palabas ng bahay namin. Hindi naman ako nagprotesta dahil sa loob ko ay gusto rin ito.

Hindi naman tumagal ang naging byahe namin. Nagulat pa ako dahil ang akala ko ay mamasyal kami sa mall o sa mamahaling restaurant niya ako dadalhin pero hindi pala.

Sa dalawang oras naming byahe ay dinala niya ako rito sa bahay bakasyunan nila. Bungalow style lang ito pero napakaganda ng paligid. Ang likod ng bahay ay may maliit na sapa na p'wedeng paliguan. May naka-ready ring lamesa at puno ng pagkain do'n. Kaya bigla rin akong ginutom. Pinalilibutan din ng mga lights ang paligid na siyang nagbibigay ng liwanag dito, madilim na rin kasi ng makarating kami rito.

"Hindi ko alam na may ganito pa palang lugar, ang ganda tingnan at ang fresh," namamangha kong sabi kay Kaiden.

"Pagmamay-ari pa ito ng mga Magulang ko, pero ngayon ay ibinibigay na ni papa sa akin. Hindi na niya kasi ito maaalagaan," k'wento niya at hinila ang isang upuan para sa akin. Wala namang dalawang isip na lumapit ako ro'n at umupo. Umusal ako ng pasasalamat dito.

"Ito rin ang kauna-unahang property nila bago sila unti-unting umasenso sa buhay kaya napaka memorable nito sa kanila." Napatango naman ako, no'ng nakaraan ko lang din nalaman na mula pala sa mga mahihirap na pamilya ang parents niya, pero dahil sa pagpupursige ay umasenso sila sa buhay. Hindi katulad ko, na both side ay mayayamang pamilya. Pero kahit sabihin nilang ang suwerte ko dahil lumaki akong mayaman na at ‘di na kailangang magtrabaho palagi pero hindi naman ako masaya.

"Palagi ka bang nandito?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang sarili na tanungin siya sa bagay na 'yon. Na-curious kasi ako.

"Unang beses ko 'tong pumunta rito simula no'ng umuwi ako galing states pro every week ay may pumupunta ritong tao para linisan ang buong bahay." Dalawang beses akong tumango sa sinabi niya bago sinulyapan ang pagkaing nakahanda sa harap namin. Halos sea food ang nakahanda kaya hindi ko maiwasang maglaway. Halos favorite ko kasi lahat ng niluto. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka inalam niya ang favorite ko. Assumera na naman ako.

"P'wede ka nang kumain kung gusto mo," sabi niya, napalingon naman ako sa kaniya.

"Huh?" Napatawa naman siya ng mahina sa sinabi ko.

"Ang ibig kong sabihin, p'wede ka nang mag-umpisang kumain dahil sa tingin ko gutom ka na. Halos maglaway ka na, e." Napasimangot ako sa sinabi niya sa akin. Kinuha ko sa table napkin at kaagad na itinapon sa kaniya. Ako, naglalaway? No way!

"Nakakawalang ganang kumain, alam mo ba 'yon?" inis kong sabi sa kaniya. 'Yon na e, okay na pag-uusap namin pero bigla namang nagbiro. Tsk.

Itinaas niya naman ang dalawa niyang kamay na tila sumusuko bago nagsalita, "okay, sorry. Topakin mo talaga. 'Di na mauulit." Inirapan ko na lang siya't muling tiningnan ang pagkain. At sa pangalawang pagkakataon, natakam na naman ako sa nakikita. Hindi ko na lang siya pinansin dahil inumpisahan ko nang kumain.

After naming kumain ay inilibot niya naman ako sa buong bahay. Hindi ko naman maiwasang mamangha sa mga nakikita ko. Parang nasa sinauna kami dahil sa mga Antique na mga gamit ang makikita sa paligid. Halata rin na mahilig silang mangolekta ng painting, halos bawat parte kasi ng dingding ay may naka-display.

"Sa inyo ba talaga ang bahay na, 'to? Grabe, kung ganito lang bahay ko, siguradong hindi na ako lalabas," namamangha kong sabi bago nilapitan ang isang painting. Hindi ko kilala kung sino ang artist ng painting pero ang ganda ng pagkakagawa. About ito sa girl na nakatalikod habang may hawak na book sa kamay. Nakaupo ito sa ilalim ng puno habang ang background naman ay may dagat at sa 'di kalayuan ay bahay.

"Nahanap namin 'yan sa basement nitong bahay no'ng bata pa ako. Kung iisipin ng mabuti, baka pagmamay-ari 'yan ng dating owner nitong bahay. Baka nakalimutan nilang dalhin o baka sinadya nilang itago," sabi ni Kaiden ng bigla siyang sumulpot sa gilid ko.

"Ang ganda naman nito para itago lang nila," nanghihinayang kong sabi at muling pinasadahan ng tingin ang painting.

Hindi ko alam pero 'di ko maiwasang malungkot ng una kong nakita ang painting. It was as if the painting itself represented myself. Isang babae na nag-iisa lang at tanging diary ni mommy ang nagbibigay kulay para kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan na ako mismo ay hindi ko alam kung pano alisin, dahil para na itong nakatanim sa pagkatao ko.

Loving This Moment ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon