22

5 1 1
                                    

Ano bang kailangang gawin sa isang sitwasyong kung hindi mo alam ang sasabihin? Sitwasyong alam kong, kahit anong sandali ay bibigay na ako. Ang tumingin lang sa mga mata niya’y dahan-dahang namang tumitibag sa pader na iniligay ko sa pagitan namin ni Kaiden.

Napapikit ako nang haplosin niya ang pisngi ko. Magaan ang bawat pagdampi ng kamay niya. Parang lumulutang ako sa kawalan dahil sa pinaparamdam niya sa akin, pero ang nagpagulat sa ‘kin ay nang dumampi na ang mga labi namin. Kusang gumalaw ang ulo ko’t umatras.

Naiilang na lumingon ako sa bintana. Inis na napapikit. Tanga mo talaga, Dexie! Kahit kailan ang rupok mo!

“I’m sorry,” sabi ni Kaiden at hahawakan sana ako ngunit kaagad na umilag.

“Papasok na ako.” Hinawakan ko ang pintuan ng kotse at binuksan ito. Patakbong pumasok ng bahay at humihingal na napasandal sa pinto.

Nanghihina akong napahawak sa ‘king dibdib dahil sa bilis na tibok no’n. Wala na, malapit na. Malapit na talaga akong bibigay at ‘di ko alam kung magandang sinyales ba, ‘to.

Kinaumagahan ay maaga akong pumasok sa school para pumunta sa guidance office. Malapit na kasi magsimula ang second semester at kailangan ko nang gawin ang dapat tapusin. After kong matapos ay umuwi rin kaagad ako. Wala ng klase at hindi ko naman alam kung saan ako pupunta para sulitin ang mga araw na walang pasok. Palagi lang akong nakatambay sa bahay habang nagpapaturo ng pagluto. Hindi niya alam pero naisipan niya na lang na gustong matuto. Hindi pa nga makapaniwala si Lian, nang makita niya ako sa kusina.

“Sigurado ka ba talagang ikaw ‘yan, Dexie? Sure na, walang halong biro?” Napatawa ako nang mahina sa klase ng tanong ni Lian. Pumunta siya ngayon dito para sana yayain akong mag-mall pero tinanggihan ko kaagad ito. Busy ako sa paghahanda ng mga kailangan kung gamitin samantalang siya ay nakaupo habang tinitingnan ako. Nakalagay ang kamay nito sa ilalim ng baba habang tamad akong tinitingnan.

“Hindi ba talaga kapani-paniwala?” Tumigil pa talaga ako para harapin siya’t tanungin ‘yon sa kaniya.

“Napaka-imposible kasi! Hindi ikaw ‘yang Dexie na kilala ko—namin!” Napailing na lang ako’t may ngiting itinuloy na ang ginagawa.

Well, kahit sino naman ay hindi naman talaga maniniwala kapag nakita nila akong nakatayo ngayon sa kusina, hawak ang sandok at nakaharap sa kaldero.

Week has passed ng hindi ko namamalayan. Ngayon na rin ang simula ng second semester namin. Maaga rin akong gumusing para maghanda. Nang dumaan ako sa sala namin ay napatigil ako sa paghakbang at tiningnan ang malaking picture frame na naka-display.

Malungkot akong napangiti. Parang kailan lang ay kompleto pa kami pero ngayon ay ako na lang mag-isa. Fighting alone para sa sarili ko’t kinabukasan. Pero alam ko ring ginagabayan nila ako, hindi ko man sila nakikita pero nandito lang sila.

“Miss Dexie, may nagpapabigay po.” Napahinto ako sa paghakbang palabas ng may inabot sa ‘king bouquet of flowers ang isang katulong. Actually, hindi na ‘to bago sa kaniya. Tuwing umaga, simula no’ng nakaraan pang linggo.

After that kiss, mayro’ng nagbago. Marami. Kasabay ng pagbabago ko ay higit ko ring binibigyan ng pagmamahal ang aking sarili, pagtanggap ng pagkakamali ko, mga bagay na ‘di dapat pinapalaki, at pagpatawad sa kaniya. Alam ko sa aking sarili, na wala naman talaga siyang kasalanan. Iniisip ko lang talaga no’n na pinaasa niya ako, kahit alam ko no’ng una palang ay sinabihan niya na ako.

“Salamat, Ate Lyn,” pasalamat ko sa kaniya bago tinanggap ang bulaklak. Malapad naman siyang napangiti at nanunuksong nakatingin sa akin. Hindi ko naman maiwasang mamula.

“Nako, miss, walang ano man po. Ang totoo niyan natutuwa nga kaming lahat dahil unti-unti ka nang ngumingiti. Masaya kami para sa ‘yo at malaki ang pasalamat namin sa taong nagpapangiti sa ‘yo.” ‘Di ko maiwasang maging emotional sa sinabi niya. Hindi ko akalain na nag-aalala rin pala sila para sa akin. At kung mayro’n mang taong kailangan ko rin pasalamatan ng marami ay mga taong nandito para alagaan ako simula no’ng mawala si Mommy. Pinaramdam pa rin nila sa akin ang salitang tahanan kahit no’ng mga panahong hindi kami okay ni Papa.

Loving This Moment ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon