8

11 3 2
                                    

"Hindi ka nagreply sa chat ko, kagabi? Busy ka?" Napatigil ako sa pagtingin sa mga naka-display na mga damit nang tanungin ako ni Lian.

Pagkatapos ng klase ko kanina ay inaya ko siyang pumunta sa mall. Plano ko kasing gabi na umuwi sa bahay, kung maaari ay ayaw ko muna silang makausap. Malinaw pa sa isip ko ang mga nangyari kagabi, at nagpapalamig pa ako ng ulo.

"Nakatulog ako ng maaga. Naka-off din 'yong cp ko, kaya hindi ko nakita ang chat mo," rason ko sa kaniya at pinagpatuloy ang pagtingin sa mga damit.

"Sandali. 'Wag mong sabihin na nagbabagong buhay ka na? Kadalasan hating gabi ka natutulog dahil nag-aaral ka pa," sabi niya habang nakasunod na sa 'kin.

Napailing na lang ako't hindi siya nilingon o kinausap man lang. Kukulitin na naman niya ako kapag sinabi ko ang rason. Ang totoo niyan, wala pa talaga akong tulog mula kagabi. Hindi ako makatulog at iniisip ko palang na kasama ko sila sa iisang bahay ay hindi na ako mapakali. Wala akong tiwala sa mga 'yon lalo na ngayong kuhang-kuha na nila ang tiwala ni Papa.

"Hala, siya! Nakakatampo ka na friend, ah! Hindi mo talaga ako papansinin?" pasigaw niyang sabi at sinabayan pa nang pagpadyak na parang bata. Pinagtitinginan na rin siya ng ibang tao ro'n. Wala talagang hiya ang babaeng, 'to. Huminto ako sa paghakbang at tamad siyang tiningnan.

"‘Wag ka ritong mag-eskandalo, baliw. Kulang lang 'yan sa kain. Tara na nga at baka totohanin mo pa ang sinabi ko." Hinila ko siya sa kamay at kaagad na inilayo ro’n. Wala naman siyang magawa kun'di ang magpahila sa 'kin.

Dinala ko siya sa labas ng mall bago ko tuluyang binitawan ang kamay niya. Nagdadabog siyang lumayo sa 'kin at naiinis na tiningnan niya ako habang naka-cross ang dalawang kamay niya sa harap ng dibdib. Tinarayan ko naman siya't tiningnan ang relo ko kung anong oras na. Malapit ng mag-alas-sais ng gabi. Halos dalawang oras din pala kami sa loob pero kaunti lang ang nabili ko dahil sa panay reklamo ni Lian. Walang tigil din siya nang tanong sa 'kin.

"Oh, ayan na pala siya!" Napalingon ako kay Lian nang sumigaw siya't itinuro ang sasakyan na paparating. Tiningnan ko naman ang sasakyang paparating at malayo palang ay naging pamilyar na sa 'kin ang kotse. Huminto ito sa harap namin at lumabas ang taong nagmamay-ari no'n. Kaagad nitong tinungo ang p'westo namin habang seryoso ang mukha. Palipat-lipat din ang tingin niya sa 'ming dalawa ni Lian, hanggang tumigil siya sa harap ko. Hindi rin maalis-alis ang pagkatitig niya sa 'kin.

"Sabi na nga ba, eh! Hindi mo ako matitiis, Kaiden," biglang sabi ni Lian kaya lumingon ito rito. Kaagad naman niyang niyakap ang braso ni  Kaiden at humalik sa pisngi nito. Hindi ko naman namalayan na napatitig na ako ro'n sa pisngi ni Kaiden. Parang ang lambot kasing halikan—napailing ako bigla dahil sa iniisip ko. Parang lumalabas na naiinggit ako kay Lian na malayang nakahalik rito.

"By the way, Kaiden. This Dexie Cuevas, my bestfriend," sabi ni Lian, humakbang siya papalapit sa 'kin at hinila ako papalapit kay Kaiden. Napa-smirk naman ako dahil sa ginawa niya. Ano kaya magiging reaksyon niya kung malalaman niyang magkakilala kami ng lalaking 'to.

"Dapat no'ng nakaraang araw pa kayo nagkakilala pero dahil panget kabonding si Dex, kaya hindi natuloy," nagtatampong saad ni Lian at sumimangot.

"Hindi mo naman kasi kailangan pang ipakilala kaming dalawa, dahil magkakilala na kami at na sa iisang school lang naman ang pinapasukan namin," sabi ko at tiningnan ang maging reaksyon ni Kaiden, pero walang pakialaman itong tumingin sa akin. Ngumiti pa siya at tila may binabalak na iba. Humakbang siya papalapit sa 'kin na siyang ikinagulat ko. Nang tuluyang makalapit ay inakbayan niya ako na para kaming close na dalawa.

"Ang totoo nga niyan sobrang close namin dalawa, sa sobrang close parang hindi na kami mapaghiwalay," sabi ni Kaiden na may pagmamalaki sa tono. Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya. Kami? Sobrang close? Kailan pa? Nagtatakang napatingin ako sa kaniya't marahan siniko sa tagiliran. Magbiro na siya lahat pero never kaming maging close na dalawa.

"Really?" Sabay kaming napalingon ni Kaiden nang magsalita si Lian. Tulad ko ay nagtataka rin sa nalaman. Parang gusto ko namang bawiin ang sinabi kong magkakilala kaming dalawa. Mukhang mali yata na padalos-dalos ang desisyon ko, ngayon kailangan ko 'tong panindigan.

"Hindi naman sa sobrang close, Lian." Kinuha ko ang kamay ni Kaiden sa balikat ko, bago muling nagsalita, "hindi ko akalain na mapagbiro pala, 'tong kaibigan mo. Ang ibig niya kasing sabihin ay paanong hindi niya ako kilala e, alam mo namang kilala ako sa school ‘di ba? At sino ba namang students ang hindi magkakaroon ng interes na maging kaibigan ako?" Mayabang akong lumingon kay Kaiden at tinaasan siya ng isang kilay. Akala niya sa 'kin, ah? Ako, magpapatalo? No way!

"Oo nga naman, sino ang ayaw maging kaibigan ni Ms. Dexie. Daig pa si Kingkong kung magalit," sabi niya't sinabayan pa ng tawa. Naikuyom ko naman ang isa kong kamay dahil sa sinabi niya. Hindi talaga mawala-wala ang kayabangan nito sa katawan. Sarap katayin ng buhay, e!

"Hey, guys, kalma. Para na kayong magsabong sa bangayan ni'yo, e." Lumapit sa gitna namin si Lian at inakbayan kaming dalawa. "Alam n'yo, umuwi na tayo at baka pagalitan na ako ni Daddy, dahil late na naman ako nakauwi. At syempre, ako ang unang ihahatid ni Kaiden," masayang sabi ni Lian at nauna nang pumasok sa backseat.

Nakasimangot akong napasunod nang tingin sa kaniya. Gusto ko mang magprotesta pero wala na akong magawa. Napailing na lang ako't sumunod na kay Lian. Bubuksan ko na sana ang pinto sa kabilang backseat nang hawakan ako sa braso ni Kaiden.

"Ang g'wapo ko naman para maging driver n'yo." Napataas ang isang kilay ko, sa sinabi niya. Kapal talaga ng mukha niya. Hindi ko na lang siya pinansin at humakbang na papunta sa harap para ro'n pupuwesto sa tabi ng driver at nang dadaanan ko na siya'y sinadya ko siyang binangga sa balikat bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse.

Tahimik lang ako sa buong byahe papunta sa bahay ni Lian, nag-uusap din ang dalawa at paminsan-minsan ay tinatanong din ako ni Lian na siyang sinasagot ko naman. Nang huminto kami sa harap ng bahay niya ay mabilis siyang nagpa-alam bago lumabas ng kotse. Huminto rin siya sa harap ng bintana sa side ko.

"So, ingat kayo sa pag-uwi, ah? Dexie, chat ka na lang kapag nakarating ka na, ikaw rin, Kaiden! Sige, bye!" Tumalikod na siya at patakbong pumasok ng bahay nila. Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa tuluyan na siyang nakapasok sa gate.

Pinaandar na ni Kaiden ang kotse bago pinatakbo. Hindi ko naman siya pinapansin at diretso lang ang tingin hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko't malalim na napabuntonghininga. Kanina ko pa talaga, ‘to iniisip na gawin pero sino ba naman ako para gawin 'yon? Pero gusto ko lang gawin, wala namang masama ‘di ba? Muli akong napabuntonghininga at humarap sa gawi niya, nakita ko namang nakatingin din siya sa 'kin.

"May problema ba—" hindi niya natapos ang sasabihin nang lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Natigilan naman siya't hindi makagalaw sa kinauupuan dahil sa ginawa ko. Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya at tiningnan siya sa mata pero napalunok ako ng sariling laway nang makita kong walang expression ang mga mata niya.

"Thank you," sabi ko, at bahagyang ngumiti sa kaniya. Binuksan ko ang pinto ng kotse at kaagad namang lumabas. Hindi ko na hinintay pang makaalis siya, dahil tumakbo na ako papasok ng bahay papunta sa kuwarto ko.

Mabigat ang katawan na humiga ako sa kama. Napatingin ako sa kisame ng kuwarto at inaalala pa rin ang ginawa ngayon lang. Unti-unting gumuhit sa labi ko ang ngiti dahil do'n. Ang lambot ng pisngi niya, kaya hindi ko maiwasang pamulahan. Ngayon hindi na ako maiinggit kay Lian na siya lang ang nakahalik sa pisngi ni Kaiden. Childish man kung pakinggan pero 'yon talaga ang nararamdaman ko kanina at hindi ko alam kung bakit.


Loving This Moment ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon