21

1 1 0
                                    

“Ms. Dexie Cuevas, nakikinig ka ba sa klase ko?” Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig na tinawag ang pangalan ko.

“Ah. . .” Inilibot ko ang tingin sa paligid. Lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin, ibinalik ko ang tingin kay Ma’am. “Yes, Ma’am.”

Tumango siya. “Kung wala ka sa mood para makinig sa klase ko, p’wede ka namang lumabas.” Nagsitawanan ang mga kaklase ko, sa sinabi ni Ma’am. ‘Di ko naman maiwasang mainis dito. Kung sa kaniya isang biro lang ‘yon para sa akin hindi. Bumalik na siya sa discussion niya’t nagpatuloy.

Huminga ako ng malalim at mabigat na sumandal sa upuan. Simula nang mag-usap kami ni Leslie, palagi na akong ganito. Hindi ko man lang mailabas ang dinadala ko, at ‘di ko alam kung paano.

After my class, pumunta ako sa school ni Lian. I want to talk to her. Kailangan ko lang ng may matanungan. Gusto kong maliwanagan, but i think, mali ako sa pag-decine na siya ang tinanungan ko. Mas lalo pa kasi akong nalito.

“Sino ba kasi ‘yang tinutukoy mo? Ikaw talagang bruha ka, hindi ka nagku-kuwento sa akin, tungkol sa lovelife mo. Magtatampo na talaga ako sa ‘yo!” madamdaming sabi ni Lian sa akin.

“Kailangan mo pa talagang malaman? Makilala mo rin naman siya, kaya relax ka lang! At isa pa, ‘di ko nga alam kung totoong gusto niya ako! Paano pala kung sasabihin ko sa ‘yo, ang pangalan tapos sa huli, hindi naman pala kami para sa isa’t isa?”

“Wow! The best ka talaga bruha! Advance mo pala mag-isip! Remember! Hindi nga naging kayo diba? Kaya ano kinatatakot mo?”

Nakasimangot ako’t mabigat na sumandal sa upuan. Si Lian talaga palagi ang villain sa buhay ko! Pasalamat siya, kaibigan ko siya!

“Oh, natahimik ka diyan? ‘Wag mong sabihing sasabihin mo na sa akin kung sino siya—”

“Never!”

“Sasabihin na ‘yan!”

“Hindi nga!”

“‘Wag kang madamot! Sabihin mo na~”

“Dexie?”

Natigilan kaming dalawa ni Lian ng may huminto sa tapat ng bench na inuupuan namin.

“Kaiden! You’re here! Sabi na nga bang ‘di mo ako matitiis, e!” Biglang tumayo si Lian, at lumapit kay Kaiden. Ipinalupot ni Lian ang braso niya sa braso ni Kaiden. Napalihis ako ng tingin sa tagpong ‘yon.

“Tamang-tama ang dating mo, kakain kami ni Dexie, ngayon. Sama ka, ah?” Kaagad na bumalik ang tingin ko kay Lian.

“Akala ko, dalawa lang tayo ang kakain?” Napatingin silang dalawa sa akin.

“Ano ka ba, Dexie! Palagi na lang tayong dalawa, e. Nakakasawa na ang mukha mo.” ‘Di naman ako makapaniwala sa sinabi niya. I’m still her friend! Narinig kong napatawa ng mahina si Kaiden. Matalim ko siyang tiningnan. Tumikhim lang siya’t hinarap si Lian.

“Okay lang ba talaga?”

“No!”

“Yes.”

Nakatinginan kami ni Lian, dahil sabay kaming nagsalita. Nakikiusap akong tumingin sa kaniya’t pinakitang ayaw kong makasama si Kaiden.

Tumaas ang kilay niya sa akin. Napabuntung hininga siya, ang akala ko’y papaalisin niya na si Kaiden pero sumilay ang nakakalokong ngiti niya.

“Ba’t ba ayaw mo siyang makasama, Dexie? Okay namang kasama si Kaiden, ah? Unless may. . . tinatago ka sa akin?”

“Wala!” Kusang kumilos ang bibig ko’t isinigaw ‘yon.

“Defensive ‘yan? Nagtatanong lang naman ako, ‘di ba, Kai?” tanong niya kay Kaiden, na tahimik lang na nagmamasid sa aming dalawa.

Loving This Moment ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon