19

38 14 11
                                    

Hinila ako ni Kaiden papasok ng condo niya. Pina-upo niya rin ako sa malambot niyang sofa bago pumunta sa kusina para kumuha ng isang basong tubig at ibigay sa akin. Umupo rin siya sa bakanteng sofa.

After niya akong tulungan kanina ay fito niya ako dinala sa sarili niyang condo.

“Gusto mong magpakamatay hindi ba?”

Napakurap ako. “Paano mo nalaman?”

“Sino bang nasa katinuan ang tatawid sa kalsadang maraming sasakyan ang dumadaan? Kung hindi mo gustong magpakamatay, hindi mo gagawin ‘yon. You’re being reckless, Dexie. Ginagawa mo ‘yon dahil nasasaktan ka. Don’t hurt yourself just because someone hurt you.”

Napa-smirk ako sa tinuran niya sa akin. ‘Yong taong dahilan ng sakit at pagkamuhi ko ngayon sa mundo ay siya pang magbibigay ng advice na ganyan sa akin.

“‘Wag kang magsalita na parang hindi mo alam ang nararamdaman ko. Baka nakakalimutan mo, ikaw ang dahilan ba’t ako nagkakaganito, Kaiden,” sabi ko sa kaniya. Ngunit kahit anong pilit kong kamuhian siya, hindi pa rin maaalis ang katotohanang siya lang ang taong minahal ko.

Hindi siya gumalaw sa kinauupuan niya’t diretsong tumingin sa akin. Naikuyom din niya ang dalawang kamao.

“‘Yan ba talaga ang tingin sa akin? Walang alam at nagbubulag-bulagan lang?”

Lumihis ako ng tingin. “Bakit. . . hindi ba?”

Gumalaw ang panga niya’t mas lalo pang ikinuyom ang kamao. Muling akong napa-smirk. Affected, ha? Will, hindi na ‘yan uubra sa akin.

“Alam mong hindi ‘yan totoo,” matigas niyang sagot.

“Hindi ‘yon ang nakikita ko, at alam mo rin ‘yon.” Pinantayan ko ang tingin niya.

Napatihik siya’t hindi nakasagot sa sinabi ko. Tumaas ang gilid ng labi ko’t pabalang na tumayo.

“Thank you sa ginawa mo kanina. ‘Wag kang mag-alala bilang kabayaran ko sa ‘yo, hinding-hindi na ako magpapakita. Diba ‘yon naman ang gusto mo?” Humakbang ako patalikod sa kaniya ngunit bago ko pa ‘yon gawin ay naramdaman ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. “Kaiden!” saway ko.

“Ba’t ba ang manhid mo? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina?”

“For your information, Kaiden, hindi ako manhid! Baka ikaw ‘yon! At wala akong pakialam kung anong sinabi mo kanina dahil sigurado naman akong hindi totoo lahat ng ‘yon!” galit kong sigaw sa kaniya.

Inis naman siyang napasabunot sa kaniyang buhok at nahihirapang tumingin sa akin. “P’wedeng kahit ngayon lang pagkatiwalaan mo ulit ako?” nakikiusap niyang tanong.

Napataas ang isang kilay ko. “Hindi basta-bastang ibinibigay ang tiwala, Kaiden. Minsan ko nang ibinigay ‘yon sa ‘yo, pero anong ginawa mo? Sinira mo, at ngayon sasabihin mong pagkatiwalaan ulit kita? Ano akala mo, binibigay lang?” Malalim akong napabuntong hininga. “Walang patutunguhan ang pag-uusap na, ‘to. Kailangan ko nang umuwi.”

Iwinaksi ko ang kamay niya ngunit mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. “Gabi na. Mas mabuting dito ka na magpalipas ng gabi.”

Mataray ko siyang tiningnan. “Kaya kong umuwi kaya ‘wag mo akong pigilan.” Muli kong hinila ang kamay ko, at nagtagumpay naman ako sa pagkakataon na, ‘to.

“‘Wag matigas ang ulo, Dexie!” Napasinghap ako ng basta niya na lang akong hinila at pumasok sa isang malapit na kuwarto.

“Ano ba! Alam mo bang p’wede kitang kasohan—” Nanlaki ang mata ko sa gulat nang pwersahan niya akong isinandal sa pintuan habang ang dalawang braso niya ay nasa magkabilang gilid ko. Ang lapit din ng mukha namin sa isa’t isa.

“Kapag may narinig pa akong reklamo mula sa ‘yo, talagang hindi mo magugustuhan ang gagawin ko,” matigas niyang pagkasabi.

Napataas ang isang kilay ko. “Anong akala mo sa akin, matatakot ako sa ‘yo?”

Tumaas ang gilid ng labi niya, at bago ko pa maisip kung anong sunod niyang gagawin ay naramdaman kong lumapat ang labi niya sa labi ko. Gulat akong napatingin sa mukha niya, habang nakapikit ang mga mata niya.

Gusto ko siyang itulak ngunit tila hindi sinusunod ng katawan ko ang sinisigaw ng isip ko. Dahan-dahang kong itinaas ang dalawa kong kamay upang kumapit sa balikat niya. Namalayan ko na lang na tumutugon na pala ako sa halik niya.

Hindi ito ang unang beses na nahalikan ako, pero parang wala akong kaalam-alam kung paano humalik. Sinusunod ko lang lahat ng ginagawa niya sa akin. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakapit sa balikat niya para kumuha ng suporta. Lumipat naman ang kamay niya sa beywang ko’t mahigpit akong hinawakan do’n.

Parang may kuryenteng kumalat sa buong sistema ko sa klase ng hawak niya. May kumawalang ungol sa labi ko kahit patuloy niya pa rin akong hinahalikan. Kusang lumapit ang katawan ko sa matipunong katawan niya, pakiramdam ko rin ay biglang uminit ang paligid kahit malamig naman.

We pulled away each other when we needed to breathe. I blinked back a few times as I cough my breath. Watching Maiden who was now doing the same as he ran his fingers through his curls.

“Matulog na tayo,” nahihirapan niyang sabi sa akin.

Tutol man ay tumango ako. “S-sige.” Napalunok din ako, at nagpatangay sa paghila niya sa akin. Sabay kaming humiga. Tumalikod ako sa kaniya at gano’n din siya sa akin. Puno man nang katanungan at pagdadalawang isip ay pumikit ako at pinilit na makatulog.

***

Masasabi bang selfish akong tao kung sasabihin ko, na sana tumigil na lang ang oras. Na sana hawak ko ang bawat paggalaw ng orasan. Dahil ang nakikita ko ngayon ay ang iniisip ko lang na sana mangyari no’n. Ang magising sa umaga habang nasa tabi ko ang taong mahal ko. Napakaamo ng mukha niya. Ibang-iba no’ng una ko siyang nakilala.

Bahagyang akong napangiti. Siya ‘yong klase na akalain mong walang puso, pero kung mas makilala pa ng mabuti ay ro’n mo malalaman kung sino talaga siya.

Itinaas ko ang isa kung kamay at inilapit sa pisngi pero kaagad akong napatigil at hindi na itinuloy ang gagawin. Ayokong magising siya’t mawala ang kapayapaan sa mukha niya. Siguradong kapag nagising siya at malamang nakatabi ako sa paghiga ay magagalit na naman siya sa akin. Itataboy na naman ako, at ayoko na ulit maramdaman kung gaano kasakit sa t’wing itaboy niya ako.

Napabuntong hininga ako at maingat na umalis sa tabi niya. Hinanap ko ang gamit ko’t walang ingay na umalis sa condo unit niya. Napatigil ako sa paghakbang nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at inilabas sa bag. Nang buksan ko ito ay tumambad sa akin ang message ni Attorney. Unti-unting napahigpit ang pagkahawal ko sa celphone nang matapos kong mabasa ang message.

Tila bumalik ang galit na kinalimutan ko nitong mga nakaraang araw sa nabasa. Hindi nga ako nagkakamali. Tama ang suspetsa ko, kahit walang ebidensya. Malalaman at malalaman ko pa rin ang totoo.

Loving This Moment ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon