Kabanata 1

850 23 1
                                    

This chapter is dedicated to Miss Ventre Canard, the muting author and the most respectable.

--------

Kabanata 1
Sunflower

Napangiti ako ng malanghap ang sariwa at nakakaakit na amoy ng tinapay na kakalabas lamang ng pugon. Mainit pa ito at masarap ipares sa kape. Kukuha na sana ako ng isang piraso nang bigla na lang sumulpot si Lica sa harapan ko na nakapameywang.

"What?" taas-kilay kong tanong sa kanya.

"Anong what what?! Kanina pa kita hinihintay. Mamaya na iyan at samahan mo muna ako sa labas." aniya.

"Pero lalamig itong tinapay."

"Hindi naman para sa'yo 'yan. Binebenta natin 'yan, baliw ka ba?"

"Bakit? 'Di ba pwedeng tikman?" nakasimangot kong tinitigan ang tinapay.

"Tara na at baka mahuli tayo, pinagpaalam na kita kay Anlia."

Wala akong magawa kundi ang sumunod. Ayaw lang talaga ng babaeng ito na mahuli sa paglabas ng mga bagong damit sa tindahan ni Aling Suzan. Ito kasi ang pinakasikat na gawaan ng damit sa isla ng Cartes. Linggo-linggo'y may nilalabas silang mga bagong disenyo na inaabangan ng mga kababaihan sa isla.

Inayos ko ang sarili bago kami lumabas ng bakery. Agad bumungad sa akin ang mataong daan. May mga batang naghahabulan sa kalye.

I look up on the blue ocean like sky. It's at peace just like this place. Sa hindi kalayuan ay maririnig ang sirena ng mga barkong dumadaong sa pantalan ng isla.

"Tara na!" hinila ako ni Lica na halatang nagmamadali.

Nagpatangay na lamang ako papunta sa ibabang dapit ng isla. Napansin ko ang paparaming mga babaeng papunta sa pupuntahan din namin. Ang iba ay mga nakasakay sa karwahe, mga maharlika.

Hindi katulad ko, karamihan sa mga babae na nakatira sa Cartes ay mga maharlika, mga mayayaman. Ang Isla Cartes ay tinaguriang The Wealthiest Island ng mga piratang nadadayo dito. Marami kasi silang nakukuhang kayaman mula dito.

Napakainteresado ni Lica sa mga ilalabas na bagong damit ni Aling Suzan ngunit ako'y hindi man lang nasisiyahang madayo dito. Wala akong pera, may kamahalan ang mga damit.

"May dala ka bang pera?" tanong ko kay Lica.

"Huwag kang mag-alala, titingin lang naman muna tayo. Pag-iipunan ko pa kapag may napili na ako." sagot niya.

Napabuntong hininga ako. Wala naman pala siyang planong bumili, dumayo pa kami ng pagkalayo-layo.

Nang marating na namin ang tindahan ay napakarami nang mga kababaihang naghihintay sa labas ng tindahan. Nagsisiksikan na at ang iba'y may kagalit na dahil nag-uunahang makapasok.

"Nahuli na ata tayo, ayan tuloy puno na." himutok ni Lica.

"Ikaw na lang ang maghanap ng paraan para makapasok. Dito na lang ako sa labas." sabi ko sa kanya at iniwan na siya.

Naglakad-lakad ako papunta sa dagat. Malapit sa dagat ang tindahan at ilang metro lang ay nasa tabing-dagat ka na.

Humaplos ang malamig na hangin sa aking balat kaya napayakap ako sa sarili. Tinatangay ng hangin ang mahaba kong palda, sinasayaw ako sa halimuyak nito.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa malayo. Papalubog na ang araw, ang kulay nitong kahel ay gumagawa ng sariling repleksyon sa asul at kristal na tubig dagat.

There are birds flying to their home. I can't help but to envy them. They can fly so high, with no fear in their system. They can easily spread their wings in a wide free space.

The Sunset's Paradise (Piratas Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon