Kabanata 2

589 18 2
                                    

This chapter is dedicated to Miss Serialsleeper, an author who has a mind shocking twist in her every stories.

----------

Kabanata 2
Veronica's Pirate Ship


Kanina pa akong kinakabahan at hindi mapakali habang hinihintay si Lica sa labas ng kanilang bahay. Hindi ko alam kung uubra ba itong plano namin. Paano kung malaman ni Anlia na sasama ako kay Lica? Siguradong magagalit siya pagnagkataon.

Ito ang unang beses na susuwayin ko siya, malaki ang utang na loob ko sa kanya sa pagkupkop sa akin, pero ngayon ay pipiliin ko ang sarili kong kaligayahan. Aalis ako sa islang ito pero babalik din, gusto ko lang makapaglakbay.

"Mukha kang namatayan sa mukha mo. Huwag kang masyadong mag-alala, hindi kita pababayaan."

Napalingon ako kay Lica na nakatayo na sa harapan ko. Pilit akong ngumiti sa kanya ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang nanginginig kong mga kamay.

"Trust me, Alice. As your best friend, you are my responsibility. Kaya tayo na at magpaalam kay Anlia!" masigla niyang saad at hinila na ako papunta sa bakery.

Kahit papaano ay maswerte pa rin ako na magkaroon ng kaibigang katulad ni Lica. Simula noong inampon ako ni Anlia ay naging kaibigan ko na siya. Palagi kaming magkasama sa lahat ng bagay, kaya alam niya kong may nangyayari sa'kin.

Kahit na kinakabahan ay nagawa ko paring ngumiti sa papalubog na araw. Nakarating kami sa bakery at nadatnan si Anlia na nagsasara na.

"Aalis na ako, Anlia. Sa susunod na linggo ang balik ko at sisiguraduhin kong dala ko ang lahat ng ipinapabili mo." paalam ni Lica sa kanya.

"Aasahan ko iyan, Lica. Magmadali ka na at baka maiwan ka ng barko." paalala ni Anlia sa kanya.

Naramdaman ko ang mahinang pagsiko ni Lica sa aking tagiliran. Kahit na nanginginig ang labi ay humugot ako ng hininga at hinarap si Anlia.

"A-ano....i-ihahatid ko po si Lica sa...pier," nauutal kong sabi.

Nakita kong nangunot ang noo ni Anlia sa sinabi ko pero kalaunan ay tumango rin.

"Basta ba't bumalik ka kaagad at tulungan ako sa pagsasara dito."

Pilit akong ngumiti at tumango. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Hinawakan ni Lica ang kamay ko at hinila ako papunta sa pier.

Kita kong sukbit niya rin ang bag ko na inihulog kanina sa bintana ng aking kwarto. Hindi ko mapigilang ma-excite sa susunod na mangyayari. Sa wakas ay makakasakay na ako ng barko! Makakakita na ako ng bagong isla at makakapaglakbay ako ng malayo.

Kahit kaunting araw lang ang kasiyahang ito ay susulitin ko. Hindi ko ito sasayangin, sana lang ay mapatawad ako ni Anlia pagkatapos nito.

Nakarating kami sa pier, maraming barko ang nakadaong at hindi ko alam kung saan kami sasakay. Ni hindi ko alam kung ano ang kaibahan ng loob ng barko ng mga pirata at barko ng mga nangangalakal dahil ni minsan ay hindi ko pa naman naranasang makasakay kahit isa.

"Shit, nakalimutan ko yata,"

Napalingon ako kay Lica na hindi mapakali at binubuklat ang kanyang bag. Kinuha ko ang bag ko sa kanya at tinanong kong ano ang nakalimutan niya.

"Iyong pamasahe, hindi kita nadalhan. Iyong akin lang ang dala ko." napakamot siya ng ulo niya at ako naman ay kinabahan.

"P-paano na 'to? Baka mabuking na tayo ni Anlia..." nag-aalangan kong sabi.

Mali ko ring inasa ko sa kanya lahat. Ni pamasahe ko ay hindi ko inalala. Masyado akong sabik na makapaglakbay at hindi naisip ang mga kailangan. Tangina, naging pabigat pa ako kay Lica.

The Sunset's Paradise (Piratas Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon