Kabanata 15

318 12 0
                                    

This chapter is dedicated to someone who's reading this right now. Thank you for spending your time!

----------

Kabanata 15
The Queen Rescuing Her King

Ang bilis ng pangyayari. Tila nawalan ako ng lakas nang hindi na umaalog ng malakas ang barko. Isang solo na lamang ang naiwang nakasindi.

Mabilis ko itong kinuha at tinapat sa may tubig upang makita sina Xen at Nion.

"Xen? Nion?" I called them.

Ilang segundo ang dumaan hanggang sa makita ko na sila sa unahan. Nion was holding Xen who's coughing.

Mabilis na ibinaba ni Cleve ang hagdan na gawa sa lubid upang maakyatan nila. Tul
mulong ako sa paghawak nito upang hindi matanggal.

Napatingin ako sa unahan ng barko. May parte na nawasak dahil sa pagkakabunggo nito.

Sa wakas ay nakaakyat na rin sina Xen at Nion. But the bad thing is Xen is injured.

Nang mailapag siya ni Nion sa sahig ay tumulo kaagad ang kanyang dugo na nanggagaling sa kanyang bente.

Mabilis ko siyang nilapitan at tinignan kung malaki ba ang kanyang sugat. And yes, her wound is long. Napapikit siya at napahiga.

"Vian, bring me clean water and a piece of fabric!" malakas kong utos kay Vian na agad namang tumango.

"Breath, wife. Hold on." Nion held Xen's hands.

Nanginginig ang mga kamay ko habang nililinis ang sugat sa bente ni Xen. Mahaba ito, mula tuhod paibaba. Mukhang nasagi niya ito noong tumilapon siya palabas ng barko.

"Here, Kapitana."

Dumating si Vian at may dalang tubig, tela at halamang gamot. Mabilis kong kinuha ang tubig at ibinuhos ito sa paa ni Xen.

Napangiwi siya sa hapdi, maging si Nion na pinapanood ang ginagawa ko'y napapikit rin.

"Argh, shit!" Xen cursed in so much pain.

Nilinis ko ng maayos ang kanyang sugat bago takpan ng halamang gamot. Hindi ko alam kung para saan ginagamot ang halamang ito ngunit kailangan ko itong gamitin. Kung hindi ay mauubusan ng dugo si Xen.

Pagkatapos ay tinalian ko na ang kanyang sugat, nagpakuha pa ulit ako ng tela kay Vian dahil kinapos ito sa haba ng sugat ni Xen.

"Where are we?" napatingin kaming lahat kay Artius dahil sa tanong niya.

"I don't know." sagot ni Cleve habang tinitignan ang madilim na paligid.

"I'll bring her to her room." pagpapaalam ni Nion at binuhat ang asawa.

Napahugot ako ng hininga habang hinihugasan ang aking kamay na may mga dugo pa mula sa sugat ni Xen.

"Everyone, look at this." tawag ni Vian habang hawak ang sinindihan niyang solo.

Lumapit kami sa kanya at tinignan ang tinutukoy niya. Nanlaki ang aming mga mata ng makita ang napakataas ng pader sa aming harapan.

Ang malalaking alon ay bumabangga dito. Sa tingin ko'y dito bumangga ang aming barko. Nasa malalim pa ito na parte ng dagat ngunit may pader ng nakatayo.

"We're outside the Casadour Island." napalingon kaming lahat kay Nion na kagagaling lang sa kwarto ni Xen.

Seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig sa mataas na pader na nasa aming harapan.

"Casadour Island?" tanong ko.

"Legend says that Casadour Island is an island guarded by King Cassian. Ang sabi pa'y hilig niyang manguha ng mga pirata upang dalhin ito sa loob at wala ng nakakalabas ng buhay. Kaya isa din itong isla na iniiwasan ng mga pirata at ng sino mang mananagat." seryosong pagkekwento ni Nion.

The Sunset's Paradise (Piratas Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon