Espesyal na Kabanata 1

281 11 1
                                    

Lica is already dead. My best friend who stayed beside me is now gone.

Sana nandito siya ngayon, nagsasaya kasama ko sa araw ng aking kasal. Pero malupit ang tadhana, kinuha siya.

Ngayon ay ang araw na pinakahihintay ko, ang kasal namin ni Lexus. Abala ang lahat sa mansyon para sa selebrasyon at ako'y nakatunganga sa bintana habang iniisip ang anak ni Lica.

Napag-usapan namin ni Lexus na pagkatapos ng kasal ay babalik kami sa Isla ng Cartes upang kunin ang bata.

We will adopt him and treat him like our own child. Hindi ko alam kung magiging mabuti ba akong ina at asawa pero lahat naman ng bagay ay natututunan kaya pagsisikapan kong maging mabuting ilaw ng tahanan para sa aking pamilya.

"Kapitana," tawag ni Xen.

"Magbibihis na ako, Xen. Kompleto na ba ang lahat ng bisita?" Tanong ko at nagtungo sa aking kama kung nasaan ang aking damit na susuotin.

"Yes, Kapitana. Nandoon na rin si Kapitan at hindi mapakali dahil baka daw hindi niyo siya siputin." Sagot niya kaya napatawa ako.

Sa dami ng pinagdaanan namin, sa lahat ng sakripisyong ginawa ni Lexus para sa akin, sapat lamang na ibigay ko ang aking buong sarili sa kanya.

Nagtiyaga siya at naghintay ng napakaraming taon para sa akin. Kaya niyang isakripisyo ang buhay niya mailigtas lang ako.

I love him. I love Lexus more than everything this world can offer. And now, we are officially sealing our love through this wedding.

"Beautiful,"

Napalingon ako sa pintuan at nakita si Lucas na nakasandal sa pinto habang nakapamulsa at may ngiti sa mga labi.

"My cousin will surely cry seeing how beautiful you are right now. Well, it's not that you are not beautiful when not wearing a long white gown." Sabi niya kaya mahina akong natawa.

"Should I take that as a compliment?" May ngiti kong tanong at inayos ang aking buhok.

Pinaalis ko na ang mga maid at si Xen dahil tapos na rin naman akong ayusan. Sinigurado ko lang na maayos na talaga ako bago lumabas ng kwarto.

"Hmm, it depends on you. By the way, Lexus sent me here to check you. The sun is starting to set and the beach is almost full of visitors." Sagot niya kaya tumango ako.

Sa tabing-dagat gaganapin ang kasal namin ni Lexus. Ako ang pinagdesisyon niya kung saan ko daw gusto kaya mas pinili ko ang lugar kung saan palaging nagpapaalala sa akin ng mga pangyayaring napagdaanan namin.

I want the sea to witness our marriage. I want it to know that the waves didn't stopped us from reaching our destination, towards each others life.

"Alice, are you ready?"

Pumasok ang pinsan kong si Alondra at masasabi kong napakaganda niya sa kanyang berdeng damit.

Yes, Kapitana Alondra is my cousin. Ngayon lang ulit siya bumisita sa Elurien nang malamang ikakasal na ako.

She is also that woman I happened to bumped when we were at Pirate's Island. I find her familiar that time because my memories were still unrecovered and I didn't recognized her as my cousin.

Pero ngayon ay naalala ko na siya. She lived longer too, it is because of her elven blood.

Her blue hair didn't fail to caught my attention. She's a half-elven, half-human breed.

"Your white hair is so catchy," she commented.

"Really? Should I dye it? Lexus told me that there's a beauty parlor just near the mansion." Tugon ko pero umiling siya.

The Sunset's Paradise (Piratas Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon