CHAPTER 16

4.8K 126 8
                                    

*****

Chapter 16

10:30 A.M

Nagulat siya sa oras, goshhhhh tinanghali na naman siya ng gising. Huwag na kayong magtanong kung bakit tanghali na naman siya nagising, alams niyo na kung anong nangyari.

Bumangon siya at pumasok sa banyo para maligo. Ang pangit naman sigurong hindi siya maliligo eh! may nangyari sa kanila ni Blake at ang lagkit lagkit na ng pakiramdam niya.

Tsk. Tuwing may nangyari sa kanila umaabot ito ng magdamag, masyadong irresistible si Blake.

Nagtapis siya ng tuwalya at lumabas ng banyo. Yes, madali lang naman ang maligo pwera nalang kung may ibang ginagawa habang naliligo.

Pumili siya ng usual attire niya pag andito lang sa bahay, jogging pants at t-shirt ni Blake. Bet niya ang t-shirt ni Blake dahil malalaki iyon abot hanggang tuhod niya, gustong-gusto niya ang mga malalaking damit.

Pagkatapos bumaba na siya. Oh! Yeah! Today is Saturday so walang pasok si Nicholas pero si Blake meron. Nagpaalam si Blake sa kaniya kagabi na may lalakarin silang dalawa ni Nicholas ngayon, ewan niya rin kung saan pupunta baka about sa other business nila 'yon.

Pagdating niya sa may sala, dali-dali niyang binuksan ang T.V at umupo. Favorite Korean show na naman ang pinanunuod niya tuwing sabado “The Journey to the West.” gustong-gusto niya talaga ito natatawa kasi siya lalo na pag game time na.

Ding.dong.ding.dong

Nakita niyang sumilip si Manang galing sa kusina.

“Ako na po Manang ang magbubukas.” Tumango si Manang. Mukhang busy nga ito sa kusina. Ano bang meron ngayong araw?

Tumayo siya at pumunta sa pintuan, binuksan niya ito. Isang babaeng sosyalun ang nasa harapan niya ngayon. Ang akala niya mga parents ni Blake ang andito since bibisita daw ulit ang mga ito.

“Sino po sila?”
“Are you he's new maid?” Tinaasan siya nito ng kilay. Kahit labag sa kalooban niya, wala siyang magawa kundi ang tumango.

“Are you going to let me in or not?”
“Ayyy sorry po.”
“Now you're saying sorry. Stupid!”

Pumasok ito at umupo sa pang-isahang upuan at kinuha ang remote at nilipat sa ibang channel.

Aba't ang babaeng 'to napaka feelingon din eh no.

“Tanga ka ba or nav tanga-tangahan.”
“Excuse me?” Tinaasan niya ito ng kulay.
“Hindi mo man lang ba ako aalukin ng tubig or juice,”
“At bakit naman kita aalukin. Sino ka ba?”

Aba kung kanina hinayaan niya itong tarayan siya aba Hindi na pwedeng umulit. Kung tinarayan ka dapat isang beses lang , kasi pag may kasunod pa tarayan mo din.

Tandaan niyo mga readers hindi lang kaaway mo ang marunong magtaray, ikaw din kailangan mo lang ilabas ang fighting spirit mo ganern.

“What? You don't know me?”

Nameywang siya, “Magtatanong ba ako kung kilala kita. Tanga ka pala eh,”

Umusok ang ilong nito.

“Ako lang naman ang magiging future amo mo.” Tinuro-turo pa nito ang sarili.

Nangunot ang noo niya. “At paano kita magiging future aber. As far as I remember walang iniwan na kasulatan si Blake na may bago na pala kaming amo.”

“Bobo! Ako lang naman ang Mommy ni Nicholas kaya go and get me some juice. And oh! Please a sandwich also. Napagod ako sa biyahe papunta dito.”

Babysitting the Son of the Mafia Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon