CHAPTER 26

4.6K 166 48
                                    

~ Enjoy Reading! (◍•ᴗ•◍)❤

*****

Chapter 26

5 years later...

Masayang nakikipaglaro si Maria sa mga anak niya. Sa loob ng limang taon nakuntento siya kung ano ang meron siya. Hindi man bumalik ang ala-ala niya hindi siya nagkulang sa mga anak niya. Pinalaki niya ito ng maayos kasama ang Lolo at Lola niya na patuloy pa ring nagta-trabaho sa sakahan kahit na ayaw niyang magtrabaho ang mga 'to dahil may edad na ang mga 'to. Pero ayaw talagang makinig kaya Pinabayaan niya na lang lalo at ikakasaya nila ang pagtrabaho.

Si Maria naman ay nagta-trabaho bilang serbedora sa isang cafe. Tumutulong siya sa gastusin sa bahay at kung may natira para ito sa mga anak niya. Paminsan-minsan pinapasyal niya ang anak sa kalapit na Mall dito sa kanila. Ang mall dito ay sakto lang ang laki hindi ito kagaya sa Mall sa syudad na naglalakihan.

“Xander!” Sigaw ni Maria, “Anak, tama na sa pagtakbo. Napapagod na si Nanay.” Tumigil ito at lumingon sa kaniya. Tiningnan nito ang ka-kambal na masaya pa ring tumatakbo.
“Xandra, halika na. Pagod na si Nanay.”

Natawa si Maria sa sinabi ng anak. Sa kamabal niya ang mas malapit sa kaniya ay ang lalaki niyang anak si Xander, Mama's boy ito kung tawagin. Magkalayo ang ugali nilang dalawa dahil si Xander ay tahimik at minsan lang nagsasalita pero pagdating sa kaniya nag-iibang tao ang anak niya nagiging madaldal ito. Samantalang si Xandra sobrang hyper, minsan hindi niya masasabayan ito sa sobrang hyper parang naka-lunok ng isang gallon ng energizer.

Kahit na ang ka-kambal nito ay nagrereklamo rin minsan.

Napahinga siya ng malalim. Nagpapasalamat siya na hindi nagtanong ang mga anak niya tungkol sa kanilang ama. Dahil malaki itong kahihiyan para sa kaniya. Ano ang isasagot niya 'pag nagtanong ang mga 'to?

“Nay, Sorry po.” Lumapit ito sa kanya at niyakap siya.
“Naku! Ikaw talaga,” Kinurot niya ang pisngi nito, “Hindi ka ba napapagod? Kanina pa tayo naglalaro.”
“Hindi po, Nay. Gusto ko pa nga po eh.” Natawa siya sa sinabi ni Xandra.
“Pasensiya ka na kung pinahinto kita, anak. Magsasa-ing na kasi si Nanay kasi maya-maya darating na sina Lolo at Lola.”
“Sige! Nay.” Nauna na ang mga 'tong pumasok. Sinundan niya lang ng tingin ang mga anak niya.

Sa tuwing tinitigan niya ang mga anak, hindi niya mawari kung saan ito nagmana. Dahil wala man lang ni-isang naging kamukha niya. Kahit ilong na lang sana pero sadyang mapait ang tadhana para sa kaniya.

Napahinga siya ng malalim. Dahil sa mga itsura ng mga anak niya, pumapasok sa isip niya na siguro ang ama nila ay banyaga kaya malakas ang dugo nito kaysa sa kaniya.

Pero okay lang din naman na walang nakuha sa kanya hindi rin naman siya lugi. Sa ganda at guwapo ba naman ng anak niya.

Napailing-iling na lang siya sa kanyang iniisip. Pumasok siya sa loob ng bahay at ginawa ang dapat na gawin. Sa murang edad ng mga anak niya marunong na ang mga sa gawaing bahay kaya tumutulong ito sa kanya minsan.

BAGSAK BALIKAT na pumasok si Blake sa loob ng bahay niya. Hindi niya na alam ang gagawin. Nawawalan na siya ng pag-asa pero ayaw niyang tumigil dahil may nag-uudyok sa kaniya na buhay pa ito.

Dumiritso siya sa mini office niya sa bahay at umupo sa swivel chair. Pinaikot-ikot niya ang upuan hanggang sa napadpad ang tingin niya sa bag na ginamit ni Arian five years ago. Nakalagay ito sa Glass Cabinet.

“Noong pauwi na po, Ay! Mali po, no'ng pasakay na po si Ma'am, Sir! Bigla ho siyang tinutukan ng baril at pinapasama. Eh! Tinanong ni Ma'am kung ano daw po ang kasalanan niya, sa kanila daw po wala pero sa Boss daw nila meron. Ito po ang bag pinapa-bigay ni ma'am, tingnan niyo daw po ang laman niyan.”

He remembered that time. Tatayo na sana siya para kuhanin ang bag ng biglang bumukas ang pintuan at mula roon pumasok ang anak niya. His son is already 10 years old. He can't believe that his son grow up so fast.

“Any good news, Dad?” Nicholas asked.

Kung dati ang anak niya seryoso mas lalo na ngayon na wala ang nagsisilbing liwanag sa buhay nila. Sa kaniya lang ata ito nagpapakita ng kakulitan pero minsanan nga lang.

Umupo ito sa hita ko, “I miss her, Dad.” Kapag ganitong sitwasyon na alam kong naiiyak na naman si Nicholas. He really miss her Mom.

“I miss her too son.” Hinaplos-haplos niya ang ang buhok ni Nicholas. Sa ganitong paraan nakakatulog ang anak niya. Ayaw niyang makitang umiiyak ang anak niya.

Naghintay pa siya ng ilang minuto hanggang sa narinig niya ang hilik ng kanyang anak. Binuhat niya ito at pinahiga sa sofa na nandito sa office niya. Nilagyan niya ito ng kumot at unan sa tagiliran para hindi ito malaglag.

Pagkatapos niyang ayusin ang higaan ng kanyang anak lumapit siya sa Glass Cabinet at kinuha ang bag.

He felt nervous and he don't know why. Nangi-nginig na binuksan niya ang bag at hinalungkat ang laman nito. Natigilan siya ng makita niya ang isang bagay na medyo mahaba.

Pregnancy Test? Hinanap niya ang instruction about dito. Because he saw two red lines and he badly wants to know what it means.

He dropped the bag when he knew what it means.

“Fuck! Shit!”

Tumulo ang mga luha ni Blake. Hanggang sa ang hikbi ay naging iyak na. Sinuntok-suntok ni Blake ang sahig na gawa sa semento.

Puno ng pagsisisi ang nararamdaman ni Blake. Kung maaga sana niyang binuksan ang bag 'di sana mas lalo niyang hinigpitan ang paghahanap kay Arian. Hindi lang isa ang nawala sa kanya kundi dalawa.

Umiyak ng umiyak si Blake habang hawak ang pregnancy test.

Samantalang naalimpungatan naman si Nicholas. Tumingin siya sa ama niya. Ngunit nakatilod ito kung kaya't hindi niya alam kung anong dahilan ang kina-iyak nito.

Lumapit si Nicholas kay Blake, “Dad? What's happening?”

Inabot ni Blake kay Nicholas ang kit. Nanlaki ang mga' mata ni Nicholas.

“No! No! NO...” Sigaw ni Nicholas, umiyak na rin ito gaya ng ama niya.

Niyakap ni Blake si Nicholas pero hindi ito nagpatinag. Nagwala ito, tinapon ang mga bagay na hinahawakan nito.

“Dad! Mom's pregnant when she died... But we're not sure if she really died.”

Hinawakan ni Blake si Nicholas, “Your Mom is alive okay... I'll do my best to find her.”

“That bitch deserve to die, Dad.” Nicholas is referring to Melody.
“I know but your Mom is not going to be happy about it.”

Umiyak si Nicholas sa bisig ng kanyang ama. Nicholas dream of being a Kuya, he always pray to God about having a baby brother or baby sister.

Pinabayaan lang ni Blake na umiyak si Nicholas dahil wala siyang magawa para rito dahil kahit siya man ay nawasak sa nalaman niya gustuhin niya man sumuko hindi niya kaya dahil kay Nicholas.

Samantalang ang mga katulong ay mahinang umiiyak sa labas. Narinig nila ang iyakan sa loob ng opisina ni Blake.

Kung ang mag-ama nahirapang tanggapin ang nangyari kay Arian lalo na sa kanila na itinuturing itong anak ni Manang. Dahil sa bawat taon na lumipas saksi ang mga katulong at tauhan ni Blake kung paano sila naging lugmok sa mga panahong 'yon.

Kaya't mahirap ding tanggapin para sa kanila ang nangyari kay Arian.

_____________

Please don't forget to votes, comments and share. Don't forget also to follow me.

jam_shookt <3

A/N: Naawa na ako kay Nicholas at kay Blake🥺

Babysitting the Son of the Mafia Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon