~ Enjoy Reading! (。♡‿♡。)
*****
Chapter 27
Andito siya ngayon sa trabaho. Bilang isang serbedora kailangan talaga magkaroon ng mahabang pasensiya sa mga kustomer na maarte. Kunting Mali lang napagsasalitaan kaagad sila ng masasamang salita. Nangyari na sa kanya ang gano'n ng ilang beses pero pinapabayaan niya na lang kasi palaging iniiral ng mga customer that they are always right. Kahit na minsan sila pa ang mali, silang mga serbedora ang nagmu-mukhang kawawa.
Ewan niya ba sa mga tao ngayon nakaangat lang sa buhay nagbabago na ang ugali. Huminga na lang siya ng malalim at pinagpatuloy ang pagserve ng coffee with bread sa isang customer na lalaki.
Dito kasi sa cafe na 'to may VIP rin ang sosyal ng may-ari pero buti na lang talaga tanggap silang hindi nakapag-tapos ng pag-aaral. Karamihan sa nagta-trabaho rito ay hindi naka-graduate except lang sa Manager, at kahira. Kaya malaki talaga ang pasasalamat niya sa may-ari dahil dito nakatulong siya kahit papaano kila Lola at may pang-gastusin pa siya sa kanyang mga anak.
Pumasok siya sa isang room at dahan-dahan na binuksan ito, sumilip muna siya bago tuluyang pumasok. May lalaking nakatalikod ang nakikita niya. Halata sa pangangatawan nito na alagang-alag itong mabuti from the looks of his back she knew that he's body is worth to die for.
Hindi na siya nagsalita at basta niya na lang nilapag ang order nito. Inayos niya muna ang order nito bago siya tumalikod. Bubuksan na sana niya ang pintuan ng pinigilan siya nito.
“Wait!” ani nito.
“Yes po, Sir?” mahinang tanong ko. Dahil mukhang ayaw lang nito magpadistorbo. Lumingon ito at natulala saglit bago nanlaki ang mga mata nito.Tinuro-turo pa siya nito. May nagawa ba siyang masama rito ng hindi niya naa-alala, “Ahm... Kung may nagawa po akong kasalanan sa inyo puwede po bang singilin niyo na lang ako 'pag naka-alala na ako.” saad niya na nilaro-laro ang kanyang daliri.
Tumawa lang ito ng mahina.
“Wala kang kasalanan sa akin. Pero sa kaibigan ko meron.” sabi nito.
“Pakisabi na lang po sa kanya na singilin niya ako 'pag bumalik na ang ala-ala ko.”
“What do you mean by that?” Tanong nito.
“Wala po kasi akong maalala. Five years ago and hanggang ngayon. So, pakisabi na lang na maghintay na lang po siya. Promise hindi ko po siya tatakasan.” sagot niya na nakataas ang kanang kamay niya na parang nanunumpa.Pero humalakhak lang ang lalaki, “Ahmm... Sino po ba kayo?”
“Oh! I'm sorry... My name is Travis Agnello.” Inilahad nito ang kanang kamay at tinanggap niya naman.
“Arian Vill-,”
“Arian Villarama. I know.” saad nito. Kilala nga siya nito.
“Babalik na po ako sa trabaho ko, Sir Travis.” paalam niya rito.
“Okay!” sabi nito.Umalis na siya sa kuwarto na 'yon at pagkalabas na pagkalabas niya nakahinga siya ng maluwag. Kinabahan siya kanina akala niya hindi ito papayag sa paki-usap niya.
Breath in, Breath out paulit-ulit niyang ginawa ito para mawala ng tuluyan ang kabang nararamdaman niya. Ng kumalma na siya bumalik na siya sa kanyang gawain.
Patuloy siyang nagsilbi sa mga customer na bagong dating. Serve dito, serve doon nakakangalay ang ganitong trabaho pero kakayanin niya para sa mga anak lalo na at nag-aaral na ang mga 'to.
Napaupo siya sa isang upuan ng matapos na ang shift niya. Hinilot niya ang paa niya dahil nanakit na ito. Kahit pa limang taon niya na itong ginagawa hindi pa rin siya sanay. Kahit buntis siya nagtrabaho siya ayaw niya kasing umasa kila Lola Juanita at Lolo Jose baka ano pa ang masabi ng mga anak nito sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/273901134-288-k59737.jpg)
BINABASA MO ANG
Babysitting the Son of the Mafia Boss ( COMPLETED )
RomanceArian Jimenez and Blake Harris Smith's story✨❤️ Book cover: credits to the rightful owner/ sa gumawa Thank you✨❤️ Mature Content R+18. READ AT YOUR OWN RISK! Started: 06-18-21 End: 12-21-21 By: jam_shookt