CHAPTER 28

4.6K 131 4
                                    

~ Enjoy Reading! (✿ ♡‿♡)

*****

Chapter 28

Maaga siyang nagising dahil may pasok siya ngayon. Dadalhin niya ang mga bata sa cafe dahil walang pasok ang mga 'to. May conference daw ang mga teachers.

Pagkatapos niyang maligo kanina ay nagluto agad siya at inayos ang dadalhin ng mga bata. Nang magising na ang mga anak niya, pinaligo niya kaagad ang mga 'to. Hindi niya na kailangan paliguan ang mga 'to dahil marunong na sila. Nag-prepare na lang siya ng damit na susuotin ng kambal.

Nang matapos na ang mga 'to pinunasan niya muna bago binihisan. Nagmamadali siya dahil late na siya. Na late siya ng gising dahil sa panaginip niya.

She knows that it was part of her memories. Her dreamed about a man and a young boy. The young boy kept calling her Mom. At first the man was mad at her. He even warned her and when I woke up, I felt a pang in my heart.

Ipinalig niya ang kanyang ulo para mawala ang panaginip na 'yon sa isip niya. Nang tapos na ang mga anak niya lumabas na sila at nag-abang na ng masasakyan. Sila Lola at Lolo kasi maaga itong umaalis kaya tuwing gabi na lang talaga sila nag-uusap.

Nang may tricycle na dumaan pinara niya ito sumakay sila. Nagkuwento ang mga anak niya tungkol sa klasi nila. Magka-klase ang dalawa at buti na lang hindi nagco-compete ang mga 'to. Nang makarating na sila nag-abot siya ng bayad. Pinauna niya na ang mga bata na pumasok sa cafe dahil naghintay pa siya sa sukli.

Sanay na ang mga tao sa mga anak niya lalo na kay Xandra dahil matabil ito.

“Salamat, Manong.” Ngumiti siya kay Manong bago pumasok sa cafe. Pagtapak pa lang ng mga paa niya sa loob ng restaurant minabah siya.

Hindi niya alam kung bakit? Ang lakas ng tibok ng puso niya. Napahinto pa siya saglit bago isinawalang bahala ang nararamdaman niya. Nilibot niya ang kanyang tingin sa loob ng cafe pero wala namang kakaiba o kaduda-duda. Wala rin ang mga anak niya marahil nandoon naman ang mga 'to sa opisina ng amo niya.

Pumasok siya sa kusina at kumuha ng apron isinuot niya ito bago lumabas. Nang may pumasok na bagong customer nilapitan niya ito.

“Welcome to Shane's Cafe. Can I take your order, Sir?” Inihanda ko ang board na listahan ng mga orders.
“Just the usual.” mahinang saad nito.
“Po?” Tanong niya rito. Hindi niya kasi alam kung ano ang sinasabi nito.
“Oh! I'm sorry, my bad. Your not the waiter who usually take my order.” natatawang saad nito.
“Is that so, Sir? I'm sorry too.”
“No! No! It's okay. Where is she by the way?” Tanong nito.

Don't tell me may gusto 'to sa waiter na sinasabi nito?, “What's her name, Sir?”

“I don-,”
“Arian! Ako na rito.” mahinang saad ng isa sa mga kasamahan ko na si Andria.
“Sige!”

So, siya ang waiter na sinasabi ng lalaking 'yon kung sa bagay hindi na rin ako magtataka sa gandang babae ba naman ni Andria kahit sino mabibighani talaga.

Kinuha niya na lang ang order ng ibang customer. Tiningnan niya oras, may malaking clock kasi naka sabit sa taas ng pintuan, 12:00 P.M? Naalala niya bigla ang mga anak niya na hindi pa kumakain.

Juskems! Nawili na naman ako sa trabaho ko. Napasapo siya sa kanyang noo. Pumasok siya sa kusina at itinabi muna ang tray, hinubad niya ang apron na suot at sinabit ito. Inayos niya muna ang kanyang damit bago lumabas ng kusina.

Pumunta siya sa opisina ni Shane ng nasa harapan na siya kumatok siya ng tatlong beses.

“Pasok!” Sigaw ni Shane mula sa loob. Pumasok siya at sinira ang pinto.

Babysitting the Son of the Mafia Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon