SPECIAL CHAPTER ( WEDDING )

5.2K 115 14
                                    

~ ENJOY READING! (✿ ♡‿♡)

*****

Naalimpungatan si Arian dahil sa ingay sa loob ng kuwarto nila ni Blake. Nag-inat muna siya at sinabayan pa nang paghikab ngunit natigilan siya ng marealize niya kung anong araw ngayon.

Gosh! Kasal ko ngayon. Mabilis siyang bumangon at tumingin sa kababaihan na nasa harapan niya. Actually, dalawa lang ang totoong babae dahil ang iba ay binabae.

"Hay... Sa wakas gising na ang ating sleeping beauty." sarkastikong saad ng isang bakla.
"Tumigil ka nga." saway ng isa na may kasamang pagsiko, "Sigurado akong hindi naman tayo matatagalan sa pag-ayos dahil ang gandan ng bride kahit hindi pa naayosan."
"Of course! Walang pangit sa amin." saad naman ni Shane.
"Kailangan talaga may kasamang pagsiko, Romulo." Ani ng isang bakla.

Humagalpak naman nang tawa si Shane at Sophia. Si Sophia pala ay girlfriend ata ni Travis 'yong isa sa kaibigan ni Blake.

"Oh! Talaga ba Carlito." sarkastikong saad din ng isa na pinatigas pa ang boses sa pagbanggit ng pangalan.

Mas lalong lumakas ang tawa ng dalawa pati tuloy siya ay nadadala na.

"Ops... Bago pa kayo mag-away tandaan niyo may aayosan pa kayo." natatawang saad ni Shane.
"Hindi ko na kery 'to. Ang ganda nang ayos niyong dalawa pero ang totoo niyo pa lang pangalan ay kasing tanda ng Lolo ko." natatawang saad ni Sophia. Nangiyak-ngiyak na ito sa tawa.
"Tse! Porket guwapo lang ang mga fafa niyo." inismiran nito si Shane at Sophia, "Maligo ka na Ms. Arian, nakahanda na ang lahat ikaw na lang hinintay."

Natigilan siya at tiningnan ang oras, "Bakit hindi niyo ako ginising."

Juskems! Late na siya.

"'Wag kang mag-alala dahil binago ng iyong future asawa ang oras. Tsaka to answer your question dzai hindi ka pinagising ng iyong future asawa." saad nito at tinulak pa siya ssa loob ng C.R.

Huminga muna siya nang malalim bago nagsimula nang maligo. Na late na siya nang gising dahil ginapang siya kagabi ni Blake hindi makapaghintay sa honeymoon eh. Sinabihan niya nang bawal ayon ang sabi "walang bawal bawal sa akin, Baby!" at siya naman si marupok ayon nadala kaagad.

Pinagpatuloy niya na lang ang pagligo nang tapos na siya magsuot siya ng undergarment which is panty a sexy panty rather and nag-bathrobe lang siya na lumabas. Ang nagbigay ng sexy panty ay si Shane ayaw niya sanang suotin pero ang loka magagalit daw ito sa kanya kaya no choice siya kundi ang suotin 'to.

"Ay bongga! Ang fresh ng bride 'wag ka na lang kaya namin ayusan."
"Sira!" saad niya rito. Hinila siya nito at pinaupo na sa harap ng vanity mirror.
"Okay, Dyosa! Simulan na namin at mag-relax ka lang kami na ang bahala sa 'yo."

Inuna nitong ayusin ang buhok niya kaya pumikit na lang siya at dinama ang ginagawa ng mga binabae na nagpa-antok sa kanya at hinayaan niya ring lamunin siya ng antok.

Nagising siya nang sumigaw ang isang binabae.

"OMG! Dzai ang ganda. Is that you Aphrodite?" Tanong ni Raul. Well, hindi niya alam kung ano ang pangalan nito paggabi. Kunot noo niya itong tiningnan.

Hinawakan nito ang mukha niya at pinatingin sa salamin. Kahit siya nagulat sa itsura niya ngayon. Nanlaki pa rin ang mga mata niya at hahawakan niya sana nang pigilan siya nito.

"'Wag munang hawakan baka dumikit sa kamay mo ang foundation." saad nito.
"May foundation kang ginamit?" Tanong niya rito.
"Kaunti lang dahil ang mukha mo ay hindi na kailangan ng foundation." saad naman ni Carlito.

Sabay silang tumingin sa pintuan nang bumukas ito.

"Hala! OMG! Parang ibang tao ata ang nakikita ko." histerikal na saad ni Shane.
"Aria my friend, nasaan ka na?" Napa-irap siya nang sinabayan pa talaga ni Sophia ang kabaliwan ni Shane.
"Tumigil nga kayong dalawa." Saway niya sa mga 'to.
"May mga magic hands ba kayo Raul at Carlito?" Tanong ni Sophia.
"Please dzai kung ayaw mo magkaroon ng World War sa loob ng room na 'to tigilan mo ako sa kaka-raul mo diyan." saad ng bakla at inirapan si Sophia. Natawa na lang si Sophia.
"Ang ganda eh..."
"Bilis-bilis madam isuot mo kaagad ang gown para mas lalong bongacious." saad naman ng isa.
"Bilasan mo na pala dahil kanina pa nababaliw si Blake sa simbahan."

Babysitting the Son of the Mafia Boss ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon