Chapter 2
Liah's POV
Nasa bahay ko na kami at kasama ko si Yashavellia. Pinaupo ko muna siya sa upuan ko.
Masaya ako—ay hindi, masayang-masaya ako ngayon dahil magkakaroon na ako ng kasama rito sa aking munting regno. [Palasyo]
Oo, wala akong kasama. Marami na rin ang nagsabi sa akin na manatili na lang ako sa regno upang mabantayan ako ng ama at ina, ngunit mas pinili kong bumukod na lang muna upang matuto akong mamuhay mag-isa. Hindi ko gusto sa palasyo pagka’t alam kong kapag nagtagal pa ako roon ay isasali nila ako sa paligsahan—sa paligsahan ng papalit na reyna ng kabilang palasyo.
Sa aming palasyo naman, ang mga babaeng mamamayan ay isasalang sa isang paligsahan upang maging asawa ng kung sino man ang tatanghaling susunod na hari sa aming magkakapatid. Kung tutuusin, lima sa aming magkakapatid ay mga prinsipe at dalawa naman kaming prinsesa.
Kumuha lang ako saglit ng maiinom ni Yasha at binalikan ko siya sa sala.
Simple niya akong nginitian nang magtama ang mga mata namin.
"Magkuwento ka na." Tumabi ako sa kaniya. Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin. "Ibig kong sabihin, magkuwento ka tungkol sa buhay mo tungkol sa mundo mo, sa mga kaibigan mo, pamilya?" Natigilan ako nang dahang-dahang nawala ang maliit niyang ngiti at bumagsak ang mga balikat.
May nasabi ba akong mali?
Narinig ko siyang bumuntong-hininga at tumingin sa kawalan. "Wala akong pamilya.
Wala akong kaibigan, at wala akong magandang kuwento tungkol sa mundong pinanggalingan ko," sagot niya. Nakaramdam naman ako ng awa ngunit interesado talaga ako sa buhay niya."Ah… gano’n ba? S-sige, kahit na ano na lang ang ikuwento mo." Bigla naman siyang natawa at napakamot sa batok.
"Isa akong psychology student. Marami akong trabaho gaya nang pagiging waitress, tutor, janitor at bartender," sagot niya ngunit ang totoo ay hindi ko naintindihan ang ibang salitang binanggit niya. Waitress? Tutor? Janitor at barten—ano raw? Mukhang napansin niya ang pagkalito sa mukha ko kaya saglit siyang natigilan.
"Ang waitress iyon iyong nagbibigay ng pagkain sa mga taong bumibili ng pagkain o inumin. Ang tutor naman ay taga turo ng aralin sa mga bata. Ang janitor ay tagalinis at ang bartender ay iyong gumagawa ng alak." Dahan-dahan akong tumango. Ang hirap naman pala ng trabaho niya. Hay nako.
"Eh, ano naman ang psychology student?" Kuryosong tanong ko.
"Isa akong mag-aaral para maging isang doktor."
"Doktor?”
"Para maging isa akong manggagamot."
"Nais mong maging babaylan?" Tumango siya.
Agad akong napatakip ng aking bibig. Napakalaking responsibilidad ang gusto niyang panghawakan pagka’t dito sa Nueva Tu, ang pagiging babaylan ang isa sa mga pinaka mahirap na tungkulin.
"Alam mo rito sa Nueva Tu, iba’t-ibang klase ng mga babaylan ang meron. May nangangalaga sa aming kalusugan sa pamamagitan ng pagbibigay sa amin ng masusustansyang pagkain. Meron ding nagsusuri ‘pag nakatamo ka ng malalang sugat. Meron ding taga suri ‘pag may nagkakasakit ang kamamamayan namin." Tumango naman siya.
"Sa mundo namin, nutritionist ang tawag sa nangangalaga sa aming mga kalusugan. Surgeon o nurse naman kapag may malala kang sugat, at mga health doctors naman sa huli mong sinabi." Pagbabahagi niya sa akin, ngunit may gusto pa akong malaman.
"Eh, ano ka naman sa mga babaylan na iyon?" Pagtatanong ko muli. Natawa naman siya.
"Wala," walang emosyon niyang sagot. Gusto ko sanang masamid, ngunit wala naman akong kinakain kaya napanganga na lang ako.
BINABASA MO ANG
NEW YOU (COMPLETED)
FantasyBlurb Nueva mundo Nueva tu, ang mundo na may kakaibang taglay na mga mahika, kapangyarihan at iba pang mga elemento na namumuhay rito. Ang mundong ito ang tutupad sa mga bagay na hindi niya nararanasan sa tunay niyang mundo. Ang Nuava Tu ang makaka...