Chapter 8
Lenox's POV
Narito ako ngayon sa aking silid at nagpapahangin sa teresa. Hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari kanina. May katotohanan kaya ang isinaad ni Merliah sa aming pag-uusap kanina? Totoo bang muli niyang nakita si Winona? Ang dati kong kasintahan?
Napabuntong-hininga na lang ako at saka muling nagsalin ng alak sa aking inuminan.
"Mahal? Mahal mo ako hindi ba?" Nagtataka man ako sa tanong niya ay ngumiti ako.
"Siyempre naman, mahal ko," walang pagaalinlangan kong sagot.
"Edi, ang ibig mong sabihin ay tanggap mo ako sa kung sino man ako?" Natatawang tinanguan ko siya at binigyan ng halik sa kaniyang pisngi.
Siya ang pinakamamahal kong babae, si Winona. Siya lamang ang babaeng nakapagpapangiti sa akin ng ganito. Isa siyang magandang dilag, mayroon siyang kulay berdeng mga mata, maputi, makinis, at may nakakahumaling na mga ngiti.
Mahal na mahal ko siya. Siya ang kauna-unahang babaeng naglakas loob na umamin na may nararamdaman siya sa akin.
Nagising ako mula sa malalim na pag-iisp nang biglang dumating si Windkhor, nakakunot ang noo niya at inakbayan ako.
"Tigilan mo na ang kakaisip sa inyong nakaraan, kapatid. Huwag mong kalimutan na niloko ka niya, pagka’t ang nilalang na iyon ay hindi ka tunay na inibig." Para akong sinaksak sa sinabi ng aking kapatid. Isang malakas na sampal iyon para sa akin. Mapait akong natawa at inisang lagok ang aking alak.
"At saka nga pala, Lenox, nais mo bang sumama sa akin?"
"Saan?" Tanong ko sa kaniya at naupo sa dulo ng aking kama.
"Dalawin natin si Merliah. Nais ko rin makita ang kaniyang kasama roon." Napataas ang kilay kong tinignan siya at nginisihan.
"Interesado ka ba sa dalagang iyon?" Diretsyhang tanong ko.
Nagkibit-balikat lang siya. "Hindi ko pa man masabi ngayon, ngunit gusto ko siya. Hindi nga lang ako sigurado," sagot niya sa akin. "Eh, ikaw ba? May nais ka ba sa babaeng—"
"Nasisira na ba ang ulo mo? Kahit kailan ay hindi ko magugustuhan iyon. Hindi mo ba nakita kung paano niya ako sagot-sagutin?" Putol ko sa kaniya, ngunit ang nangaasar na tawa niya lang ang ibinigay niya sa akin.
"Huwag kang magsalita ng tapos, kapatid," aniya at tinapik niya ako sa balikat at saka naglaho.
Yasha's POV
Sa totoo lang, hindi na ako natutuwa sa kung ano ako rito. I mean, this is not the place or world I should live in. Problemada na nga ako sa mundong Earth, gano’n din dito?
Eh bakit hindi na lang ako matigok?!
Padabog akong umupo sa upuan na kaharap ng mesa.
Ano ito? Kinuha ko ‘yun para tignan. Ah kanin na color brown.
Brown rice.
Nagkibit-balikat na lang ako at saka ko iyon kinain. Ang weird nga eh, may raisins na kasama doon sa kanin. Ang sabi naman ni Liah kanina, kainin ko ang nasa mesa—
Napaubo-ubo ako bigla dahil sa gulat nang sa paglingon ko ay nakita ko ang kapatid ni Liah. Nanlalaki ang mga mata niya akong nilapitan at marahas na kinuha ang mangkok na pinagkakainan ko.
"MARLIAHHHH!!" Halos mabingi ako sa pagsigaw niya kasabay nang paghulog ng flower vase, dahilan para mabasag iyon.
Agad-agad ay biglang dumating si Liah, hinihingal pa siya.

BINABASA MO ANG
NEW YOU (COMPLETED)
FantasyBlurb Nueva mundo Nueva tu, ang mundo na may kakaibang taglay na mga mahika, kapangyarihan at iba pang mga elemento na namumuhay rito. Ang mundong ito ang tutupad sa mga bagay na hindi niya nararanasan sa tunay niyang mundo. Ang Nuava Tu ang makaka...