Huling Kabanata

354 4 10
                                    

HULING KABANATA

"Kain ka pa," alok niya at inilapag sa harapan ko ang tinapay na may asukal sa palibot. Tumango lang ako at pasimple siyang sinulyapan. Bakit kaya titig na titig siya sa akin? Pinapakain pa ako ng marami!

Hala! Baka naman kakainin niya ako kaya pinapakain niya ako nang pinapakain? Iihawin niya ako ano?!

'COUGH' 'COUGH'

Nasamid tuloy ako sa ka-isipang iyon. Buti na lang at may bao na nasa tabi ko na may lamang tubig.

"Kanina ka pa nasasamid," aniya. Mataray ko siyang tinignan.

"Baka may nakakaalala sa akin," sagot ko sa kaniya.

"Bakit naman may nakakaalala sa’yo? Nasamid ka lang naman?"

"Gano’n sa mundo namin."

"Bakit—"

“Shut up, I’m eating oh," masungit ko na putol sa kaniya. Natahimik naman siya na parang naintindihan ang sinabi ko. Nagkibit-balikat na lang ako.

Nang matapos kumain ay sumandal ako sa malaking puno at ipinikit ang mga mata.

Kinalabit ako ng kasama ko kaya dumilat ako’t tumingin sa kaniya na naka indian sit.

"Huwag kang matutulog ha? May pupuntahan pa tayo," aniya kaya tumango ako.

Napahinga ako ng malalim. Sobrang ganda ng mundo nila, ibang-iba sa mundo ko. Dito, natural at presko ang hangin na nalalanghap ko at higit sa lahat walang cellphone.

'TOINK' 'TOINK'

Napakunot noo ako nang may tumatama sa aking mukha na isang bagay.

"Bakit?" Nilingon ko siya, malawak ang ngiti niya sa labi, iyong ngiti na ngayon ko lang nakita—pure at halatang totoo.

Nakita kong may bagay siyang hawak.

Ano ‘yan?

Wait! OMG!

Mukhang estetik ‘yung itsura ng hawak niya.

"Ano ‘yan?" Tanong ko. Tinignan niya ang hawak.

"Ginawa ko para sa iyo," sambit niya.

Shet! Kinikilig ako! Pasimple akong umirap para pigilan ang tuwa at kilig na nararamdaman.

"Eh, ano nga iyan?" Tanong ko uli at nginitian na siya pabalik.

Isang bilog na may dahon-dahon na design at kulay pilak iyon. Inalis niya ang pagkakakabit no’n at may kinuha.

Ay! Wow!

Kuwintas, bracelet, at singsing na kulay reddish gold at silver iyon, habang ang pinaka-bilog na hawak niya—ano ‘yun?

"Ito para sa iyo, dalhin mo sa iyong paglisan. Ang totoo ay si Liah ang may pakana niyan," saad pa niya. Yiee! Kunwari ka pa! "Akin na ang kamay mo." Marahan niyang kinuha ang kamay ko at isinuot doon ang polseras. Ang lamig naman nito sa kamay. Pagkatapos ay marahan niya ring kinuha ang kanan kong kamay at doon isinuot ang singsing na may hugis dahon at kulay reddish-gold sa gitna na kung susukatin ay halos singlaki ng kuko ko sa hinliliit.

Napalobo ako ng pisngi para pigilan ang pag-ngiti at kilig na nararamdaman.

OMG! Naiihi yata ako!

Nang maisuot niya ang singsing ay tahimik siyang tumayo at pumunta sa likuran ko. Umrong ako ng kaunti at saka nya iginilid ang buhok ko sa aking likod at dahang-dahan isinuot ang kuwintas sa akin. Hinawakan ko ang pendant no’n na dahon din ang design, at saka malawak na ngumiti dahil alam kong hindi naman makikita ni Lenox ang pag-ngiti ko pagkat nasa likod ko siya.

NEW YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon