Chapter 13
'BUGHS!'
'PEWN!'
'BUGSH!'
Napabangon ako sa sobrang lalakas ng mga kalabugan sa paligid ko. What the fudge?! At dahil nga transparent ang salamin ng buong kwarto ay kitang-kita ko ang mga nangyayari sa labas. Kinilabutan at nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan ng dahil sa nakita ko.
May gulo!
It’s a war!
Nanginginig akong napatayo, hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung saan ako tatakbo, dahil pag lumabas ako ang gulo ang mismong bubungad sa akin.
Oh my, God. Please protect us!
Napasiksik ako sa likod at gilid ng pinto ng kwarto ko.
"Ah!" Napasigaw ako nang may malaking tao ang tumalsik sa bintana ko. Duguan siya at halatang wala ng buhay. Buti na lang at hindi nabasag ang bintana ko.
'BAGSH!'
"Ah!" Napatakip ako sa tainga ko nang muling may dumagundong na pagsabog sa kung saang parte ng lupang kinatatayuan ko.
Mas lalo akong kinabahan ng ang isang pintuan ng kwarto ko ay biglang sumabog. Mas lalo kong diniin ang pagkakatakip ko sa aking mga tainga’t mariing napapikit. Ayokong makita kung paano ako mamamatay.
Hinablot ng kung sino ang braso ko, dahilan para mapatayo ako. Hindi ko pa rin minumalt ang mga mata ko’t sumunod na lang kung saan ako hinihila ng kung sino man ito. I swear, naririnig na ng kung sino mang hinayupak na ito ang tibok ng puso ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapamasaan ng mata. Sabi ni Deryhm, makakabalik pa ako sa mundo kong mapanghusga? Pero ano ito? Grabe naman!
"Tumahan ka at kumapit ka sa akin." Agad akong napadilat at nakita si Lenox sa harap ko!
Putcha! Ngayon lang ako natuwa sa presence niya! Thank you so much! I thought kalaban siya! Tumango ako sa kaniya. Pinahid niya ang luhang kumawala sa mata ko at saka ipinalibot ang braso sa beywang ko at naramdaman ko na lang na nagteleport kaming parehas sa kung saan.
Wala akong ibang ginawa kung hindi ang huminga nang huminga ng malalim. Sinubukan kong kurutin ang sarili ko kanina dahil umaasa akong panaginip lang ang lahat ng mga nasaksihan ko kanina.
Sobrang nakakatrauma, at ayaw kong balikan.
Oh my gosh! Ligtas na ba kami? Hinihingal akong napakapit sa malaking bato at tinuon ang paningin ko sa ibaba.
Ang dami nila! Sobrang daming nag-aaway-away. Ang iba ay espada ang gamit, habang ang iba naman ay mga palaso’t pana.
Si Deryhm!
Napatuwid ako ng tayo nang makita ko siya. Nadaplisan siya ng espada ng kaniyang kalaban sa bandang braso. Nang may humawak sa balikat ko ay nilingon ko kung sino iyon, at gaya palagi ay wala na namang ekspresyon ang mukha niya.
"B-bakit hindi ka tumutulong doon?" Nauutal kong tanong ng dahil na rin sa labis na kaba at pag-aalala.
Hindi naman siya kumibo, bagkus ay pinanonood niya lang ang mga nagaganap sa ibaba.
"Hindi ko pa kayang lumaban." Napatingin ako sa kaniya at hindi rin maiwasan ang mag-alala sa kaniya.
“Bakit may masakit ba sa’yo? May sugat ka ba?" Ani ko at nilapitan siya. Nag-iwas lamang siya ng tingin at muling tumingin sa ibaba. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko na ang dahilan kung bakit hindi pa niya kayang lumaban.
Nakaramdam tuloy ako ng lungkot. Ang tagal-tagal na nilang hiwalay pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-move on.
Gaga ka ba talaga, Yasha. Malamang gano’n ang totoong nagmamahal. Testigo ko sa sarili.

BINABASA MO ANG
NEW YOU (COMPLETED)
FantasyBlurb Nueva mundo Nueva tu, ang mundo na may kakaibang taglay na mga mahika, kapangyarihan at iba pang mga elemento na namumuhay rito. Ang mundong ito ang tutupad sa mga bagay na hindi niya nararanasan sa tunay niyang mundo. Ang Nuava Tu ang makaka...