Chapter 3.

241 9 0
                                    

Chapter 3

Yasha's POV

"Pupuntahan niyo ‘yong baliw na nakakulong sa regno." Nahalata ko naman sa boses niya ang inis at hindi pag sang-ayon. Kunot noo ko silang tinapunan ng tingin.

"’Wag mong sabihing ayaw mo—"

"Papupuntahin niyo ako roon ng gano’n=gano’n lang at ni walang alam tungkol sa taong ‘yon?" Putol ko sa sasabihin niya.

"Isa siyang diwata, ngunit simula nang makaramdam siya ng kalungkutan at takot ay nagsimula nang mag-iba ang kaniyang ugali," iyong ginang ang sumagot. ''Minsan ay bigla na lamang siyang tumatawa, biglang nagagalit o nanakit, o ‘di kaya’y bigla siyang iiyak. ‘Pag bibigyan naman namin siya ng pagkain ay ayaw niyang kainin na para bang natatakot siya."

Bipolar?

PTSD?

DID?

Napailing-iling na lang ako. Alam kong maaari lahat ng sinabi ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. Third year pa lang ako eh, ang sarap ibalibag ng mga ito.

By the way, kakaiba ang bahay ni Liah. Buti na lang at mabait siya’t patitirahin niya ako rito. Kaya naman tutulungan ko na lang siya kahit papaano.

Ang weird, pero ang ganda ng bahay niya. Para siyang vintage themed. ‘Yung parang kagaya sa mga napapanood kong palabas na fantasyfiction.

"Sige, pero susuriin ko muna siya upang matiyak ko ang kaniyang totoong kalagayan," saad ko. Mukhang purong tagalog ang gagamitin ko sa mundong ito ah?

Bakit ba puro kamalasan na lang ang lumalapit sa akin.

"Kung gano’n ay halika na." Iyong si Lenox ang nagsalita.

Lalapit na sana ako sa kanila nang matigilan ako.

KRUGG~

Shet.

"May problema ba hija?" Iyong ginang muli. Nahihiya naman akong napayuko.

"Nagugutom na po kasi ako, ginang," saad ko at mas lalong napayuko sa hiya.

Ngayon ka pa talaga mahihiya, Yasha?

"Ay! Oo nga pala. Sandali, maghahain lang ako ng makakain," biglang sabat ni Liah. Tumango na lang ako’t napakamot ng ulo. "Maupo ka na lang muli diyan, Yasha." Tipid akong ngumiti at muling umupo. Tinabihan naman ako ng ginang.

"Ano po pa lang pangalan niyo, ginang?" Magalang kong tanong. ngumiti naman siya.

"Rachel Luna," maikling sagot niya. Tumango-tango na lang ako’t nanatili na lamang na tahimik. Ilang segundo lang ay unti-unti kaming binalot ng katahimikan.

Nabibingi ako sa katahimikan na ito ah!

Agad akong napatingin sa katabi ko nang marinig ko ang pagtikhim niya.

"’Wag mong aalisin ang kuwintas na iyan, hija, pagka’t ang kuwintas na ‘yan ang poprotekta sa’yo sa kapahamakan. At ang kuwintas na iyan ang magbibigay taglay sa’yo ng lakas para mabuhay ka nang matagal, para hindi ka tumanda," pagbibilin niya pa. Ngumiti ako bago tumango.

"Ahm… ilang taon na po ba kayo? Mukhang bata pa po kasi kayo, eh?" Bahagya siyang natawa.

"May isang daang taon na ako, hija." Agad na nanlaki ang mga mata ko. One hundred?! Nilingon ko naman ang katapat kong mokong na feeling gwapo.

"Eh siya po, ilang taon na?" Sabay turo ko kay Lenox, kinunotan naman niya ako ng noo.

"Bakit hindi siya ang tanungin mo?" Balik na tanong sa akin ng ginang. Bahagya ko pang napansin ang pagngisi niya.

NEW YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon