Chapter 11

155 5 0
                                    

Chapter 11

Beach! Paanong may feelings eh hindi ka nga sure kung minahal ba talaga niya ‘yung impokritang lalakeng ‘yun! Baguhan ka pa lang dito, Yashaa!

Tama! Tama!

"Binibini, kay lalim yata ng iyong iniisip. Ipagpaumanhin mo ngunit hindi ko alam na hindi ka pala nakakaintindi ng lengguwaheng italyan," ani ng batang cute. "Ako nga po pala si Havana, ang kaisa-isang anak na lalaki ni Windrose Luna!" Nagagalak niyang pakilala.

Wow, may anak na pala siya?

Naawa tuloy ako sa bata. He looks so innocent.

Tinapik pa niya ang parehas na binti ko, senyales na nais niyang maupo roon. Kaya naman umupo ako sa lupa’t kinalong siya. Inayos ko pala ang mala-bao niyang buhok.

"Binibini, dinalaw na naman ako ni zio." Malungkot na sabi niya. Hinawakan ko ang matambok niyang pisngi.

"Hindi ka ba masaya na dinalaw ka ng zio Lenox mo?" Umiling siya.

Aba, honest itong batang ito ah? Magkakasundo tayo.

"Bakit naman hindi ka masaya?" Bahagya kong nilingon si Lenox at halatang curious din siya sa isasagot ng bata.

"Pagkat dinadalaw lamang niya ako kapag siya ay lubos na nasasaktan—kapag muli niyang naaalala ang dati niyang nobya." Nakanguso niyang saad sa akin.

Ah, hindi pa pala talaga siya nakaka-move on. Hayst.

Ilang months nga ulit sila?

"May ikukuwento ako sa’yo, binibini, ngunit ‘wag mong sasabihin ito sa aking zio ha?" Nakangiti siya na tila nasisiyahan sa ichichismis sa akin. Tumango na lang ako.

"Ang Winona at si zio ay naging magkarelasyon sa loob ng pitong taon at pitong buwan—" Bigla akong nasamid sa sariling laway. Pass!

Nagtataka siyang nakatitig sa akin. "Ayos ka lang ba?" Tumango na lang ako.

"Sige, ituloy mo ang iyong kwento." Ngumiti ako sa kaniya kahit na parang may bumara sa lalamunan ko.

"Gano’n nga ho, pitong taon at pitong buwan din sila. Ang ipinagtataka nga lang po ng lahat ay bakit wala pang digmaan na nagaganap ay lumantad na ang tunay niyang kulay. Halos tatlong taon na ang nakalilipas mula no’ng naghiwalay sila, ngunit wala pa ring masamang nangyayari."

Ano? So, tatlong taon nang nawawala ang ina mo?

"Nasaan ang iyong ina?" Hindi ko mapigilang tanong pero agad ko ring pinagsisihan.

Wrong move, Yasha.

Namasa ang kaniyang mga mata na tumingin sa akin. Nilibot ko ang paningin at nasaktuhang nahinto ito kay Lenox na nakatingin din sa amin na walang kahit na ano’ng reaksyon sa mukha. Binalik ko ang tingin sa bata at napalunok.

Bakitt kasi nagtanong pa ako eh!

Isinubsob niya ang mukha sa aking dibdib at humikbi. Wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang yakapin siya’t aluhin.

Sorry, little cute boy, I didn't mean to hurt you.

"Ang aking ina… ang sabi ni zio, siya raw ay may mahalagang trabaho. Nasa misyon siya na kailangang tapusin. Gusto ko na nga m-makkita ang aking i-ina." Ang kaniyang paghikbi ay tuluyan nang nauwi sa hagulgol.

"Havana Luna," dinig kong marahang pagtawag ni Lenox sa bata. Lumapit siya sa amin at kinuha ang bata mula sa akin. Pinunasan niya ang mga luha nito at inalo. Mariin ko lang sila pinapanood. Wow, para silang mag-ama.

Napaisip tuloy ako. What if hindi siya niloko ni Winona? What if pinili ni Winona na lumihis sa kanihyang angkan? Siguro’y masaya na sana silang pamilya ngayon.

NEW YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon