Chapter 12
Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Hinga lang, Yashavellia. Pero ano kayang ginagawa no’n dito?
Sure ako sa nakita ko, hindi ako namamalik-mata!
"Ano ba’t kanina ko pa nararamdam na parang hindi ka komportable?" Sabi ni Lenox. Pilit akong napangiti. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang nakita ko, baka kasi mamaya niyan ay mag ka war dito!
"Hayaan mo siya." Agad na nanlaki ang mga mata ko sa dinugtong niya.
Anak ng putcha! So, alam niya? Napakurap-kurap na lang ako.
"E-eh baka kasi may gawing masama—"
"Pag ako ang kassma mo, walang magtatangkang gumawa sa iyo ng masama." Tumango na lang ako sa sinabi niya. Inilibot niya rin ang tingin sa paligid. "Halika na’t maglakad na tayo. Lumisan na siya." Hindi na lang ako umangal pa.
Habang naglalakad ay hindi ko na ma-enjoy ang ganda ng kagubatan na tinatagak namin dahil sa pag-iisip ko ng mga dahilan kung bakit siya naroon.
Baka inins-stalk niya si Lenox? Marahil ay may pinaplano siya—o sila?
"Mahal mo pa ba si Winona, Lenox?" Diretsyahang tanong ko sa kaniya.
"At bakit mo naman naitanong iyan?" Aniya na halatang umiiwas sa tanong.
"Gusto ko lang itanong, bakit ba?" Narinig ko pa siyang humalakhak ng kaunti. Siraulo ba siya?
Hay nako! Nakaramdam tuloy ako ng inis sa kaniya.
"Alam mo, para kitang nobya riyan na nagseselos.” Napairap ako.
"Eh tangina mo pala eh!" Agad akong napatakip ng bibig sa nasabi. Teka, ano raw ako? Nagseselos?
Muling nanlaki ang mga mata ko. "Assuming ka talaga noh! Hindi ako nag jejelly noh!" Sinadya kong gano’n mag-salita para asarin siya dahil alam kong hindi niya iyon maiintindihan.
Nilingon niya akong nakakunot ang noo. Nginisihan ko lang siya. Tumango-tango pa siya. Natatawa tuloy ako, para siyang tanga.
Pero...
Ayy baliw na yata! Ngumingiti siya!
"Ah!" Napasigaw ako sa gulat ng kusa akong gumalaw at nahulog sa lawa. Mabuti na lang at marunong akong lumangoy at nakaahon ako kaagad! Nakita ko naman na napatakbo si Lenox sa akin at agad akong hinatak mula sa tubig.
"Sinong hangal ang may kagagawan nito?!" Halata ang galit sa tono at hitsura niya na siyang ikinagulat ko. A-akala ko siya ang nagtapon sa akin sa lawa!
"Z-zio?" Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses na ‘yon at nakita namin si Havana na nakasilip mula sa likod ng isang puno malapit sa amin.
Agad namang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Lenox nang makita si Havana na lumabas sa likod ng puno. Naka-nguso pa siya’t halatang na-guilty sa ginawa.
"I-ipagpaumahin mo, binibini. H-hindi ko naman sinasadya iyon, para kay Zio dapat ang mahika na iyon. ‘W-wag ka sanang magalit." Humihikbing sambit pa niya. Naawa naman ako’t nginitian siya.
“Ano ka ba? Okay lang iyon, Havana. ‘Yang Zio mo nga na ‘yan ang madaming atraso sa akin pero hindi naman ako nagalit," sabi ko na lang para makatulong sa paggaan ng pakiramdam niya. Umiiyak naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Agad ko naman siyang inalis sa akin.
"Basa ako," ani ko.
"Patuyuin mo kaya siya, Zio?" Sabi ng bata kay Lenox. Natawa naman siya at dahil nakakahawa ang tawa niya ay natawa rin ako.
BINABASA MO ANG
NEW YOU (COMPLETED)
FantasyBlurb Nueva mundo Nueva tu, ang mundo na may kakaibang taglay na mga mahika, kapangyarihan at iba pang mga elemento na namumuhay rito. Ang mundong ito ang tutupad sa mga bagay na hindi niya nararanasan sa tunay niyang mundo. Ang Nuava Tu ang makaka...