Chapter 1.

563 13 0
                                        

Chapter 1

Yasha's POV

Nagising ako sa isang napakaliwanag na silid. Sa sobrang liwanag ay ilang beses pa akong napakurap-kurap hanggang sa unti-unti nang luminaw ang paningin ko. Agad akong napaigtad sa gulat nang may mag salita. "Kamahalan, gising na po siya." Kunot-nuo kong tinignan ang lalaking ilang metro ang layo sa akin bago malipat sa pintuan ang atensyon ko dahil sa biglang pagtunog no'n. Do'n ay may pumasok na lalakeng kulay asul ang mga mata, mapula ang labi, makisig at....

Teka, nasaan ba ako? Nanlaki ang mata ko nang mapansin na nakasabit sa posas ang mga kamay at paa ko, ganoon din ang leeg ko. Inilibot ko ang tingin sa buong lugar. May pintuan pero walang bintana. Ngunit halos lahat ng tao sa labas ay nakikita ko pero ang weird... Bakit ganiyan sila manamit? Mga naka tuxedo, barong, at mahahabang dress pa ang iba. May kasal ba?

"Mayroong salamangka ang silid na ito, nakikita mo ang mga nasa labas ngunit ang mga nasa labas ay hindi." Nilingon ko ang lalakeng tinawag na kamahalan kanina. Tch! Kalokohan! So transparent gano'n?

"Nasaan ba ako?"

"Nuevo Mundo Nueva Tu." Pare-parehas kaming napalingon sa pinto. Isang babaeng siguro'y nasa edad 40 pa lang ang pumasok. Nakasuot siya ng mahabang bestida na kulay dilaw na tila ba isang abay siya sa kasal. Lumapit siya sa akin at ngumisi. Kasabay nang pagpitik ng kaniyang mga daliri ay may biglang lumitaw na parisukat na metal na sa wari ko'y kasing laki ko. Agad na nanlaki ang mata ko sa gulat.

"What the fuck?!" Wala sa sariling nagpumiglas ako mula sa mga posas dahil hindi ko alam ang gagawin. "Where am I?"

"Maaari bang manahimik ka, binibini?" Ani muli ng lalaki. "Nasa ibang mundo ka. Mundo na kung saan ang kapangyarihan at salamangka ay totoo."

The heck I care!

"Huminahon ka, bata." Nagsalita muli ang ginang at muling pumitik, at sa pagpitik niya ay naging salamin ang kaninang metal.

Mas lalong nanlaki ang mata ko nang makita ang hitsura ko. Ang kulay tsokolate kong mga mata ay ngayo'y kulay abo na! At ang blonde na buhok ko'y naging kulay dagat at ang dulo niyon ay kulay apoy. What the fuck?! Where the fuck am I?!

"Sabihin mo, ano ang totoo mong wangis?" Tinitigan ko lang ang ginang at hindi umimik.

Ako ba'y pinagloloko ng mga 'to?

"Magsalita ka kung gusto mo pang mabuhay," pagbasag ng lalakeng may kulay asul na mata sa katahimakan. Hindi pa rin ako umiimik at sa kaniya itinuon ang atensyon ko. Ilang segundo rin kaming nagtitigan hanggang sa nakita ko na lang na may lumabas na apoy sa kamay niya. Nanlaki ang mata ko nang itutok niya sa akin iyon.

Shit! Ang init! Para akong napapaso!

Tang ina apoy nga, eh!

"Magsasalita ka ba o hindi?" Maawtoridad niya pang sabi. Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang maramdaman na may kung ano'ng likido ang tumutulo sa gilid ng leeg ko. At hindi ako gano'n ka-tanga para mapagtanto kung ano 'yon.

Napaluha ako, hindi dahil sa sakit na nararamdaman sa sobrang init ng apoy na nakatutok sa leeg ko kung hindi sa narealize ko na tama nga ang sinasabi ng ginang na nasa ibang mundo ako ngayon.

I never expected this to happen, because I don't believe that another world exists.

Marahas akong bumuntong hininga at muling tumingin sa salamin na nakatutok pa rin sa akin. "Simpleng kulay blonde lang ang kulay ng buhok ko at kulay tsokolate naman ang mga mata ko. Hindi rin ako ganito kaputi." Naramdaman ko na lang ang biglang pagkawala ng init sa leeg ko at silang pagtango nila. Tatalikod na sana 'yung ginang nang magsalita ako.

NEW YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon